Chapter 5 : Hiding Facts

5.5K 148 4
                                    

•Hector's POV•

Dalawang araw ang lumipas simula ng dumating kami sa isla. Dalawang araw na wala pa rin akong nalalaman tungkol sa kanya. Mga pira pirasong puzzled ang unti unti kong naiipon mula sa kanya. Maingat ang kanyang pananalita kapag tungkol sa pamilya niya ang tinatanong ko.

Sa dalawang araw ay lagi siyang nagsiseizure, nanghihina ang katawan at laging sumasakit ang kanyang ulo. Wala akong ibang magawa kundi titigan siya at tiisin ang hirap na pinagdadaanan niya.

Minsan natanong ko sa aking sarili kung saan siya kumukuha ng lakas. Ang daming tao ang gusto pang mabuhay para masilayan ang ganda ng mundo habang siya ay gusto na niyang matapos ang kanyang buhay. Pilit ko siyang kinukulit na bumalik na ng ospital kaya lang nagagalit siya sa akin. Sino daw ako para pigilan ko siya sa kanyang gusto. Sino ba naman ako?? Wala diba??

Sa dalawang araw na magkasama kami ay lalo akong napalapit sa kanya lalo na kapag umiiyak siya. Nababahag ang puso ko dahil nakikita ko siyang hinahayaang dumaloy ang mga luha sa kanyang mga mata.

Nasabi niya pa nga sa akin na kapag nakita ko siyang umiiyak ay wag akong maawa. Hindi niya raw kasi kailangan ng awa mula sa akin. Pero sa totoo lang, sobrang lanta na yung puso ko dahil sa kanya. Hindi ko alam kong paano ko mababago ang pananaw niya para mabuhay pa.

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na nagmumula sa bintana ng kubo. Marahan kong idinilat ang aking mga mata habang pupungas pungas pa. Sobrang sarap ng aking tulog. Ngayon lang din ako naka experience matulog ng more than eight hours. Mostly tulog ko four to five hours lang.

Dahan dahan akong tumayo. Nasa sofa kasi ako natutulog dahil hindi ako pwede sa loob ng kwarto. You know what I mean.

Agad kong tinungo ang kanyang kwarto para tanungin kong gusto niyang kumain o gumala kaya lang halos manlaki ang aking mga mata ng wala siya sa loob.

“Cristine!? ” tawag ko pero walang sumasagot.

Agad kong nilibot ang kubo at walang tigil sa pagtawag sa pangalan niya. Nagsimula na din akong kabahan at natataranta na hindi alam kung anong gagawin.

“Cristine!! ” ang sigaw ko.

Hindi ako papayag na mawala siya sa aking paningin. Saan naman kaya iyon pumunta. Paulit ulit kong tiningnan ang paligid baka sakaling makita ko siya pero wala talaga.

“Cristine!! ” 

“Hector bakit!? Anong nangyare?? ” tanong sa akin ni Nurse Mary na mukhang bagong gising pa.

“Si Cristine nawawala! Hindi ko siya mahanap kanina pa. ”

“Ano!? Huh?? P-papanong nawawala!? ”

“Wala siya sa kanyang silid! Baka kung ano ng nangyare sa kanya. Hindi ko mapapatawad ang aking sarili. ” saad ko pa.

Nagsimula na kaming maghanap ni Mary. Sa gawing kanan ako at sa kaliwa naman siya. Sa bawat taong nadadaanan ko ay nagtatanong ako kung nakita ba nila si Cristine. Pinapaliwanag ko sa kanila kung anong itsura nito pero ni isa sa kanila ay wala man lang nakakita.

Hindi ako tumigil sa paghahanap hanggang sa malayo layo na din ang narating ko. Malayo na ito sa kubo at hindi ko pa rin siya nakikita. Kinakabahan ako. Baka kung ano na nangyare sa kanya. 

Halos walang tigil ang ginagawa kong pag-aalala upang mahanap siya. Patuloy kong sinisigaw ang kanyang pangalan. Ilang minuto na din ang nakalipas pero wala pa din akong nakitang Cristine hanggang sa dinala ako ng aking mga paa sa gilid ng dagat at doon ko siya nakita.

Tahimik na nakamasid sa dapit hapon. Malayo ang iniisip na parang wala siyang sakit.

“Cristine!! ” tawag ko at agad na lumapit sa kanya. Bigla ko siyang niyakap ng mahigpit dahil akala ko mawawala na siya sa akin. “Saan ka ba nagpupunta! Alalang alala kami sayo! Cristine sa susunod wag ka namang umalis ng basta basta. Matuto ka namang magpaalam. Hindi mo lang alam kong paano ako nag-alala sayo. ” sermon ko sa kanya.

His MillionaireWhere stories live. Discover now