Prologue

5.9K 125 24
                                    

"4th petal group!"sigaw ng katabi ko na taga check ng attendance ng clan ko.

Matagal-tagal na rin ang panahon na nakakalipas magmula ng mangyari ang insidenteng iyon. Sa tuwing naaalala ko ang mga nangyari noon ay di ko mapigilan ang sarili ko na di magalit sa nangyari. Alam 'kong kasalanan ko kung bakit ganun ang nangyari pero wala silang karapatan na barilin ang kuya ko. Wala silang karapatan na bawian ang mahal ko sa buhay. Dahil sa kanya/kanila, namatay ang lolo ko at nawawala ang kuya ko. Sobrang sabik 'kong magkaroon ng kuya pero nawala na naman ito sakin. Ayokong isipin na patay na siya dahil umaasa akong buhay pa ang kuya ko. Napadpad lang siguro siya sa isang isla at di ko lang siya mahanap ng maigi.

Di naman talaga 'to mangyayari kung di naman dahil sa kanila eh. Lalong-lalo na sa isang taong pinakaiinisan ko. Sa tuwing nakikita ko ang imahe ng taong gumawa nu'n sa kuya ko ay mas lalong namumuo ang galit ko sa kanya.

Mahal ko siya bilang kaibigan pero ganun ang ginawa niya. He hit my brother several times and I can't afford to see him again. Lahat ng taong bumaliwala, trumaydor, at nananakit sakin ay ayaw 'ko ng makita pa. Lahat ng mga alaala nila sakin ay matagal ko ng ibinaon sa napakalalim na hukay. I don't need them and I will never need them.

"Paano yan, lady. Unti-unti ng bumababa ang sales ng kompanya. Kapag nagpatuloy iyon ay mawawalan tayo ng budget para sa pag-e-sponsor sa mga member ng clan natin. Ayon sa list na nakuha ni Joaquin kanina ay may 167 ang gustong pumasok satin."wika ni Axl na nakaupo sa silya na nasa harapan ko.

Nakakapagtaka nga dahil kami ang number one na company sa buong Japan tapos pangalawa naman sa buong mundo pero nagpupull out ang mga investor samin. Dahil doon ay naaapektuhan ng pagproduce naman ng product na nagiging sanhi ng paglipat ng mga customer.

Sa naaalala ko ay wala naman kaming mali na ginagawa para magpull out sila. Sa katunayan nga ay nagkakandarapa pa sila noon makapasok lang ang pera nila sa kompaya ko pero ngayon ang mga walang hiya ay nagpull out na. Mga bwisit.

Hinilot ko ang sentido ko dahil sa stress. It's been six months magmula ng magkanda letche-letche ang kompanya ko at hindi ko na alam ang gagawin ko. Masyadong matitigas ang ulo nila at kung pwede ko lang silang barilin ay ba'ka ginawa ko na.

"Sino pa ba ang mga walang kwentang investors ang nagpull out ngayon?"tanong ko sa kanya habang na sa kesame ang tingin ko.

"Si Mr.Davnor, Ms.Granger, Mr.Park. Mr.Vandermen, at yung mayabang na Rawshew."sagot niya sakin na nagpayukom na lang sa mga kamao ko.

Sila pa talaga ngayon ang magpupull out. Mga bwisit! Kapag ang kompanya ko ay nakabawi na ay ipapamukha ko sa kanila na di ko kailangan ang mga walang kwenta nilang pera. Ang kakapal talaga nila. Kung makapagpull out sila ng pera akala mo ang laki-laki ng ininvest. Tsk!

"Rylee, naninigil na rin ang mga eskwelahan na pinagpadalahan mo sa mga bata natin."

Isa pa yan. Kung makapagsingil ang mga eskwelahan na ito ay akala mo naman tatakbuhan mo sila. Tsk! Tsk! Kung di lang masyadong mapanganib ay baka nagpatayo na ako ng sariling eskwelahan para sa mga tauhan ko.

Lahat ng anak ng mga tauhan at mga tauhan ko na rin na gustong mag-aral ay pinapaaral ko. Ako ang sumasagot sa lahat ng kakailanganin nila dahil ayaw 'kong mamatay sila ng walang pinag-aralan. Isa pa ay nasa akin ang lahat ng loyalty nila, to the point na handa silang magbuwis ng buhay para lang sa kaligatasan ko, namin.

"Tanggapin mo na kaya yung inooffer sayo ng Black Company."wika niya pa ulit sakin.

Umayos ako ng upo at pinagsaklob ang mga kamay ko sabay patong ng baba ko.

Matagal ko na rin iniisip 'yun eh. Pero nag-aalangan ako dahil hindi ko Kilala ang nagmamay-ari ng kompanyang iyon. Madami na akong hinalungkat na files tungkol sa kompanyang iyon pero kahit isa ay walang nakatalaga sa pangalan ng CEO o Chairman nila. Tanging ang president at below members lang ang nandoon. Ang isa pang pinagtataka ko ay tatlong beses na namin silang denecline pero mapilit sila at hanggang ngayon ay gusto pa rin nilang ipagsiksikan ang kompanya nila samin.

"Sa tingin mo, wala silang balak na masama satin?"seryosong tanong ko sa kanya na nagpakunot naman sa noo niya.

"What do you mean?"

"I don't know. I have this strange feeling na may balak sila sa kompanya eh. Paano kung sila ang maging dahilan ng mas lalong paglubog ng kompanya?"

"Eh? Hindi naman siguro. Alam 'kong mailap ang CEO nila pero ayon na rin sa nasagap 'kong impormasyon ay wala pa silang nasisirang kompanya. What I mean is, wala pa silang ninanakaw na kompanya."napatango na lang ako sa sinabi.

Hindi ko alam kung mabait ang CEO nila o hindi. Wala akong alam sa takbo ng utak ng taong yun kaya hindi ko alam 'kong tatanggapin ko ba ang inooffer nila sakin. Damn!

Napitlag ako ng marinig ko ang tatlong malalakas at sunod-sunod na katok.

"Come in!"inis 'kong wika dahil ang exagerate ng taong nasa likuran ng pinto.

"Lady Ae!"sigaw ni Rovic at hingal na hingal ito habang may mga butil ng pawis ang tumutulo sa kanyang noo.

Napataas ang kilay ko dahil sa itsura niya.

"Bakit?"tanong ko sa kanya.

"Yung head quarter natin sa Pilipinas ay sumabog. Lima'm po't-pito ang namatay at mahigit isang daan ang nasugatan."

"What?!"sigaw ko at napatayo pa ako dahil sa binalita niya.

This can't be happening! Bakit ba sunod-sunod na problema ang dumadating sakin ngayon? Hsst! Ang malas ko naman!

"Sino daw ang nagpasabog? May lead na ba? Pakiforward na lang sakin lahat ng tauhan natin na nadamay."wika ni Axl na kalmado lang.

Alam 'kong naiinis din yan sa nangyayari pero pinipilit lang niyang maging kalmado dahil ramdam niyang galit ako sa mga oras na ito.

"Wala pang lead. Masyadong malinis ang trabaho nila pero may ideya na ako na isa sa mga mafia clan din ang gumawa nito."mas nagtangis ang mga bagang ko dahil sa sinabi ni Rovic.

Naiyukom ko na lang ang mga kamao ko dahil sa inis.

"Likomin mo lahat ng leader ng petal at sabihin mong gawin ang lahat para malaman kung sino ang may gawa nun."tumango siya sa sinabi ko at nag-vow muna siya bago lumabas ng opisina ko.

Binilangin ko si Axl na mariin ding nakatingin sakin ngayon.

"May mga nakaaway ka ba?"tanong niya sakin na inilingan ko naman.

Huling nakaaway ko lang ay ang grupo ni Jace and it was six years ago. Imposible naman na ngayon palang sila babawi dahil kung talagang masama ang loob nila sakin ay matagal na sana silang gumawa ng hakbang para patayin ako. Isa pa, sa loob ng anim na taon ay naging tahimik ako sa mafia. Halos di na nga maramdaman ang presensya ko eh. Kaya imposible talaga na may makaaway ako.

"Wala akong nakaaway magmula noong nawala ang kuya ko. Kayo ba? May mga nakasagupaan ba kayo?"tanong ko sa kanya.

Si Axl at Joaquin ang madalas 'kong napag-aalaman na nasasangkot sa gulo. Pero si Axl ay madalas makipagaway noon, three years ago dahil sa pagrerebelde niya sa asawa niya ngayon pero naging matino naman na siya noong nagkabalikan sila ni Katryn. Ewan ko lang kay Joaquin. Ba'ka siya ang may nakabanggang malaking organisasyon. Hsst! Kainis naman! Kapag nalaman ko na may kinalaman ang isa sa mga leader ng Petal ay malalangot sila sakin. Hindi nila gugustuhin na magalit ako.

Napatingin ulit ako kay Axl ng muli itong magsalita na siyang ikinaisip ko ng matagal.

"Sunod-sunod na ang problemang dumarating. Siguro panahon na para tanggapin mo ang inooffer sayo ng Black Company at bumalik ka ulit sa Pilipinas."

Make The Mafia's BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon