Mission 30

1.6K 58 4
                                    


---
Pagkagising ko ay agad akong napatakbo sa banyo dahil parang hinahalukay ang sikmura ko. Tatlong araw ko na itong nararanasan at sa loob ng tatlong araw na iyon ay walang ibang sinabi si Jace kung hindi ang magpatingin na daw ako sa doctor. Wala naman akong sakit kaya bakit ako magpupunta doon? Tsk!

"Wife, are you okay?"napatingin ako sa salamin na nasa harapan ko nang marinig ko si Jace.

Pumupungay pa ang kanyang mga mata habang lumalapit sakin. Pero agad ding naputol ang pagtitig ko sa kanya ng makaramdam na naman ako na parang masusuka na.

Marahan na hinagod ni Jace ang likod ko habang nagsusuka ko. Halos mangiyak-ngiyak na din ako dito dahil ayaw lumabas ng kung ano man ang isusuka ko.

"Magpatingin ka na kasi sa doctor. You're not feeling well and I'm worried about you."wika niya na inilingan ko naman.

"Wala akong sakit. Tumabi ka nga diyan. Wag mo aking kakausapin nakakabwisit ka."wika ko at tinabig ko ang kamay niya na nakaalalay sakin.

Muli akong bumalik sa kama at niyakap ko ang unan ni Jace. Bakit itong unan niya ay ang bango-bango pero siya ang baho niya. Nakakainis din ang mukha niya lalo na kapag nakakunot ang kanyang noo. Tsk! Tsk!

Ano bang nangyayari sakin? Bakit ba ako nagkakaganito? Laging wala akong gana sa umaga at nagsusuka. Tapos naman kapag nandiyan si Jace ay sinusungitan ko lang pero kapag wala ay hinahanap-hanap ko. Hindi kaya.....

Napaupo ako ng wala sa oras dahil sa iniisip ko. Pansin ko na nagulat si Jace dahil sa ginawa ko.

"Are you okay? May masakit ba sayo? Nagugutom ka ba?"sunod-sunod niyang tanong sakin habang nakahawak sa magkabilang braso ko at mariin na nakatitig sa mukha ko.

"Jace..."

"Hmm?"

"Favor nga."

"What is it? I'll do everything for you, wife."kinilig naman ang kaloob-looban ko dahil sa sinabi niya. Letse! Bakit ba ako kinikilig sa simpleng words na iyon? Tsk!

"Pwede ka bang bumili ng pregnancy test?"agad na kumunot ang noo niya dahil sa sinabi ko.

Itong morning sickness na nararamdaman ko ay naranasan ko na ito noon. Kaya di malabo na buntis ako. Lalo na at may nangyari na samin at di lang iisang beses kaming nagtunggali.

"A-are you pregnant?"tanong niya na ipinagkibit-balikat ko naman.

"I don't know. Kaya bumili ka nun para malaman ko."wika ko sa kanya na ikinangiti naman niya tsaka siya tumango.

Nagmamadali siyang lumabas ng kwarto at di man lang nag-abala na magpalit ng damit. Yung lalaking yun talaga!

Dahil sa kakahintay ko sa kanya ay itinulog ko na lang ulit. Ang tagal-tagal kasi eh. Nakakainis!

"Ssssh~ you are too noisy. Mommy, will awake... ssssh~"

"Eh, hindi naman ako nag-iingay kuya eh. Gusto ko lang tumabi kay mommy."

"Ba'ka masipa mo yung tiyan ni mommy."

"Hindi naman eh."

Dinig kong bulungan ng kambal kaya nagmulat na ako ng mata ko. Agad na bumungad sakin ang dalawa na nakatingin sa pagmumukha ko.

"Good mornoon, mommy!"sabay na bati ng kambal habang may malawak ngiti sa kanilang mga labi.

"Congratulation Mrs.Lee. You're one week pregnant."wika ng doctor na nasa may paanan ko at nakatayo. Nakatingin din sakin si Jace na may malawak na ngiti sa kanyang mga labi.

"Did you hear that, wife? Your pregnant at magiging daddy na naman ako!"masayang bigkas ni Jace at tsaka siya tumakbo palapit sakin at niyakap ako ng pagkahigpit-higpit.

"Iiwan ko na po kayo, Mr. and Mrs.Lee."wika ng doctor at bahagya pa kaming nginitian bago siya lumabas ng kwarto.

Nang makalabas na siya ay binalingan ko naman ng tingin si Jace.

"Ang sabi ko. Ibili mo ako ng PT at hindi doctor!"inis 'kong wika kaya yung nakangiti niyang mukha ay biglang naglaho.

"Para mas makasigurado ako, wife. And now you're pregnant! But if you still want a PT here. I brought you."wika niya sabay bigay sakin ng paper bag na may tatak pa ng drugstore na pinagbilhan niya.

"Tsk!"tanging wika ko na lang sa kanya at tsaka ko siya inirapan.

"Mommy, is it a boy or a girl?"nabaling ang tingin ko kay Aivonne ng magtanong ito. Nakangiti din siya ng pagkalawak-lawak habang nakayakap sakin.

"I don't know, baby. But after a few months we will know what's the baby's gender."magiliw 'kong sagot sa kanya at tsaka ko hinalikan ang tip ng ilong niya.

"Mommy, the baby is twin also like us?"tanong naman ni Aivan sakin at kumalong pa siya sa hita ko.

"Maybe."tanging sagot ko sa kanya tsaka ko hinalikan ang noo niya.

Niyakap naman niya ako ng pagkahigpit-higpit at maya-maya lang ay naramdaman ko na ang paghikbi niya kaya napakunot ako ng noo.

"Why are you crying, Aivan?"tanong ko sa kanya at maging si Jace ay nakakunot din ang noo habang nakatingin sa anak namin.

"B-because if you a-already give them b-birth you'll not going to baby sit us."wika niya na nakapagbuntong hininga naman sakin.

Yun lang pala ang ene-emote-emote niya.

"That's not going to happen okay? You are always be my first baby."wika ko sa kanya at muli 'kong hinalikan ang noo niya.

"I am your first baby, wife."bulong naman ng katabi ko na nakapulupot na naman ang kamay sa bewang ko.

Napairap na lang ako dahil sa sinabi niya. Wala talaga siyang pinapalampas kahit na anak niya. Tsk! Tsk!

"Really, mommy?"

"Yes, baby."muling sagot ko sa kanya kaya niyakap niya ako.

Naramdaman ko pa ang pagtanggal niya sa kamay ng daddy niya na nakapulupot sakin kaya bumubulong na naman na parang bubuyog 'tong katabi ko. Napailing na lang ako dahil sa kanilang dalawa. Mag-ama nga talaga silang dalawa. Tsk! Tsk!

---
Copyrights ©Miixxiimii
All rights reserved

Make The Mafia's BackWhere stories live. Discover now