Mission 23

1.8K 58 10
                                    


---
Hindi ko na hinintay pa sila Rovic dahil kating-kati na akong makita ang anak ko. Kaya naman iniwan ko si Kino at Aivonne sa hotel at ako na lang mag-isa ang sumugod sa walanghiyang babae na iyon. 

Agad 'kong pinark ang sasakyan ko sa tabi at kinuha ang baril at poison cards ko. Sa mga nakalipas na napagdaanan ko ay wala na akong pakialam kung mapahamak pa ako dito. Basta ang importante na lang sakin ay ang mailigtas ko ang anak ko at pati na rin si Jace kung sakali man na nandito din siya.

"Safhira, lumabas!!!"sigaw ko pagkapasok ko sa madilim na gusaling itong.

Wala akong nakitang tauhan niya kanina sa labas kaya kailangan 'kong mag-ingat ngayon dito sa loob. Habang naglalakad ako ay napapansin ko ang mga men in black na nakahandusay na sa sahig. Siguro ay may nauna na sa akin dito o kaya naman ay napatumba na sila ni Jace.

Nakarinig ako ng kaluskos mula sa kanang parte ng gusaling ito kaya agad 'kong pinaputukan iyon.

"Arrgh!"daing ng nabaril ko dahilan upang mapangisi ako.

"One down."

Muli akong nagpatuloy sa paglalakad at agad na pinagbabaril ang mga nakikita ko.

"Ano, Safhira?!! Magtatago ka na lang?! Lumabas ka!!"hamon ko sa kanya.

Bwisit na babae 'to!

"Ayon siya!"narinig 'kong sigaw sa likod ko at saktong paglingon ko ay siya namang pagtumba niya.

"Ayos ka lang?"tanong ng lalaking pinakaiinisan ko sa lahat.

Tsk! Tsk! Nandito pala siya. Di na rin malayo na nandito na din ang kampon nila. Tsk!

Hindi ko na lang siya sinagot at nagpatuloy ako sa paglalakad. Nakakainis na din yung babaeng iyon dahil ayaw pang magpakita. Bwisit!

Tinadyakan ko ang mga pinto na nadadaanan ko pero wala akong makitang tao.

"Aivan!"sigaw ko sa pangalan ng anak ko ba'ka sakaling sumagot siya.

"Hmmm! Hmmm!"napatigil ako sa paglalakad ng marinig ko ang daing na iyon.

Muli akong bumalik sa pasilyo na nilagpasan ko at pumasok doon. Mahihinang pag-iyak iyon kaya sinundan ko ng sinundan hanggang sa makarating ako sa isang pinto. Pinihit ko ang seradura at bumungad sakin ang anak ko na nakatali sa isang silya habang may tape sa kanyang bibig.

Damn! Kawawa naman ang anak ko.

Agad akong tumakbo papalapit sa kanya pero agad din akong natumba dahil sa tubo na humampas sa ulo ko. Shit! Nahihilo ako at nagdadalawa ang paningin ko. Ramdam ko rin ang pag-agos ng dugo mula sa ulo ko. Damn it!

"Hahahahahaha!"umaalingaw-ngaw at umi-echo pa sa pandinig ko na tawa ng bwisit na babaeng ito.

Kahit na anong pilit ko na tumayo ay di ko magawa dahil sobra akong nahihilo. Tumingin ako sa mukha ng anak ko at kahit na nanlalabo ang mata ko ay kita ko pa rin kung gaano siya umiyak ng sobra. Damn! I can't take to see him hopeless. Damn it! Damn!

*****
Jace Matthew POV

Arrggh! My head!

Pinikit-pikit ko ang mata ko na nanlalabo dahil na rin sa paghampas sakin ng tubo kanina. Bwisit na babae iyon! Bakit siya nakatakas sa mental hospital?!! Aissh! Bwisit!

"Bossing? Yooohoooo! Bossing?"rinig 'kong wika ni Webster.

Parang naghahanap lang siya ng aso sa ginagawa niya. Tsk!

"Fuck you! I'm here!"sigaw ko sa kanya at halos mapatalon pa ako sa kinauupuan ko ng biglang matumba ang pinto. Nakapang-karate pa siyang pose kaya malamang sa malamang ay sinapa niya ang pintuan.

"Bossing!"

Aiissh! Too noisy! Naging tahimik nga si Ked pero itong si Webster naman ang umingay. Nakakabwisit!

"Just untie me from this fucking rope!"I shouted and that's make him move fast.

Buti na lang at nakadala ako ng emergency tracking device ko kanina kaya ito sila at natrack nila kami. Hindi ko naman makaya na kalabanin silang lahat lalo na't wala akong kahit na anong armas at isa pa ay hawak nila ang anak ko. Ayokong may gawin silang masama sa kanya dahil sa bawat galaw ko kanina ay pinapalo nila ng sinturon si Aivan. Damn them all! And damn that fucking bitchy hell crazy woman!

Pagkatapos niya akong kalagin ay tumayo ako agad. Kahit na medyo nahihirapan pa ako dahil sa tama ng baril sa binti ko ay pinilit ko pa rin. I need to find my son. Kinuha siya ng baliw na babaeng iyon at hinding-hindi ko hahayaan na may gawin siya sa anak ko.

"Bossing, dahan-dahan lang."wika ni Webster. Marahil ay nahalata niya ang hirap ko sa paglalakad.

"Damn you! I need to find my son!"sigaw ko sa kanya.

Sa lagay na ito ay di ko na makakaya pa ang magdahan-dahan dahil kaligtasan ng anak ko ang nakataya.

"Chill ka lang, bossing. Hinahanap na siya ni Ked at Lester. Tsaka narinig ko kanina kay James na nandito daw si Rylee."napalingon ako ng wala sa oras dahil sa huling sinabi ni Webster.

"What did you say?"

"Ha? Ano ba naman yan, bossing! Ang haba-haba ng sinabi ko tapos ipapaulit mo lang?"

I gave him a deadly glare that makes him gulp.

"S-sabi ko n-nandito si R-rylee at s-si Ked-----"

"WHAT?! NANDITO SI RYLEE TAPOS HINDI NIYO SIYA BINANTAYAN?!"I shouted out of nervousness and angry.

Paano kung may mangyari sa kanya? Hindi ko na nga alam kung anong nangyari sa anak ko tapos madadagdagan pa ang pag-aalala ko sa babaeng mahal ko.

"S-sorry.."mahinang wika ni Webster na ikinapikit ko na lang ng mariin.

Lumabas na ako sa kwartong iyon at agad ko silang hinanap. Damn it! I need to find her before it's too late.

*****
Third Person Pov

"Nang dahil sayo ay namatay ang anak ko!"sigaw ni Safhira habang  nanlilisik ang kanyang mga mata.

Walang magawa si Rylee dahil sa pagkakapalo ng tubo sa kanyang ulo. Gusto ng pumikit ng kanyang mga mata ngunit pinipigilan niya ito.

Muling hinampas ni Safhira ang likod ni Rylee ng tubo dahilan upang mapadaing siya sa sobrang sakit. Hindi pa nakontento si Safhira at muli niyang hinampas ang hita nito.

"Malaki na sana ang anak ko! Magkakapamilya na sana kami ni Jace kung di mo siya pinatay! Pati inosenteng bata ay pinatay mo!!"sigaw nito at muling hinataw ang tubo sa binti ni Rylee.

"Ahh!"umiiyak na daing nito kaya mas lalong napangisi si Safhira. Ngunit hindi nito alam na gumagawa ng paraan si Rylee upang mahugot ang poisons card niya mula sa bewang niya.

"Hahahahahahaa!"tila na babaliw na tawa ni Safhira at hindi na niya napansin pa ang paggalaw ni Rylee upang maihagis ang poison card niya sa binti ni Safhira.

Agad na napadaing ng sakit si Safhira dahil ang Ace of poison ang nahugat niya. Ang may pinakamabilis na lason sa lahat ng card.

"B-bwisit ka!"nahihirap na sigaw ni Safhira at tsaka nito hinugot ang baril na nasa bewang nito. "Itong sayo!"

****
AEDAM RYLEE POV

Namamanhid na ang buong katawan ko at gustong-gusto ng pumikit ng mga mata ko. Damn it!

"Itong sayo!"sigaw ni Safhira at walang kagatol-gatol na kinalabit ang gatilyon.

Kahit na hindi ako nakatingin sa kanya ay alam 'kong kumalabit siya dahil na rin sa sunod-sunod na putok ng baril. Ngunit ang di ko lang maintindihan ay kung bakit wala akong maramdaman na tama ng bala. Marahil ay dala na rin ng unti-unting pagmamanhid ng katawan ko. Damn! Hindi ko na talaga kaya at pipikit na ang mga mata ko. Ngunit bago iyon mangyari ay narinig ko muna ang boses ng taong di ko inaasahan.

"Kahit di mo ako pansinin. Proprotektahan pa rin kita. Kasi mahal na mahal kita."

----
Copyrights ©Miixxiimii
All rights reserved

Make The Mafia's BackWhere stories live. Discover now