Mission 38

1.4K 47 4
                                    


---
Mag-aalas tres na ng magyaya akong umuwi. Ayaw pa sana ng kambal dahil masyado silang nawili sa paglalaro. May play area kasi dito sa mansyon ni kuya at talagang nakalaan iyon sa kambal. Kompleto sa laruan ang room at halos lahat ay limited edition kaya tuwang-tuwa ang dalawang bata. May kwarto rin na nakalaan sa kanila at punong-puno ng damit ang kanilang mga closets.

Kung yaman lang din ang pagbabasihan, masasabi 'kong sobrang yaman ni kuya. Sa kanya kasi ipinamana ni lolo ang lahat ng kayaman niya. Hindi naman ako naiingit o nagseselos dahil deserve naman ni kuya iyon. Isa pa ay sakin din naman mapupunta ang kayaman ng magulang namin. Nakafreeze lang iyon at kailangan ng pirma ni kuya para magalaw ko na iyon.

"Mga pamangs, wag niyong sasabihin sa daddy niyo kung saan kayo nagplay ha. Para next time ay makakapunta ulit kayo dito."paalala ni kuya sa kambal.

Kahit na ayaw 'kong magsinungaling sila ay no choice kami kapag nagtanong si Jace.

"Yes, uncle."sabay na sagot ng dalawa.

Si Aivonne ay may hawak-hawak na manika habang si Aivan naman ay robot. Parehas pang limited edition ang hawak nila at gustong-gusto nila ito. Hsst! Aanhin na lang ba nila ang mga laruan na iyan eh sandamakmak ang laruan nila doon na binili ni Jace. Ngayon ay masasabi 'kong hindi lang si Jace ang i-spoil sa kambal kundi pati na rin si kuya.

"Let's go?"yaya ko sa dalawa kaya bumaling sila sakin tsaka ako nginitian at muling binalik ang tingin kay kuya.

"Bye po, uncle Ryle! Mag-iingat po kayo lagi. I love you po!"masayang wika ng dalawa.

"Bye, kuya."wika ko naman tsaka ko niyakap si kuya.

"Bye din, pamangs. I love you too. Sa susunod ay ako naman ang dadalaw sa inyo. Mag-iingat kayo ha."wika niya na tinanguan ko naman.

"Basta tawagan mo ako, kuya kapag dadalaw ka ha."tumango siya sa sinabi ko.

Nakapagpalitan na rin kami ng number ni kuya kaya madali na lang namin makokontak ang isa't-isa.

"Kino, ingatan mo ang pamilya ko."paalala ni kuya sa kanya na tinanguan naman nito.

"Opo, master. Iingatan ko po ang fian----este Queen Ae pala."wika niya tsaka siya ngumiti ng pagkalawak-lawak.

Inirapan ko na lang si Kino dahil sa mga pinagsasabi niya.

Pumasok na ang kambal sa loob ng sasakyan at gayun din kami. Si Kino pa rin ang magdradrive at may mga nakaescourt pa rin na sasakyan samin. Mahirap na, ba'ka tambagan na naman kami ng kung sino man diyan.

"Idederetso ko pa ba ito sa bahay ni kuya?"tanong ni Kino habang nasa gitna kami ng byahe.

"Hindi na. Baba ka na lang ulit sa resto."tumango siya sa sinabi ko at muling natahimik na naman ang byahe.

Ibinaling ko sa binta ang aking paningin habang inaalala ang napagusapan namin kanina ni kuya.

-
"Rylee, let's talk."seryosong wika ni kuya pagkahatid namin sa kambal dito sa play room nila.

Tumango ako sa kanya bilang sagot.

Binalingan ko saglit ng tingin ang dalawa at masaya silang naglalaro kasama si Kino. Nag-thumbs up pa sakin si Kino na tila alam na kung ano ang mangyayari. Bahagya lang akong ngumiti sa kanya bago ko ibaling ang aking atensyon kay kuya at sumunod sa kanya.

Pumasok kami sa isang kwarto at natitiyak 'kong opisina niya ito. Madaming libro at ang light lang ng kulay ng kwartong ito.

"Have a sit."sabay lahad niya sa isang upuan na kaharap ng kanyang swivel chair.

Make The Mafia's BackWhere stories live. Discover now