Mission 8

2.2K 80 8
                                    

Please do VOTES😊

---
"Nope. Mas maganda kung machine ang gagamitin natin."wika ni Vanessa, yung babaeng etchosera. Ang ganda-ganda ng pangalan kaso di bumagay sa pagmumukha niya.

Mas lalo lang na sumasama ang pagmumukha niya sa paningin ko sa tuwing nakikita ko siyang nagpapacute kay Jace. Hindi ako nagseselos! Sadyang nakakasura lang talaga ang itsura ng babaeng 'to.

"Hindi. Mas maganda kung may empleyado din tayong gagawa nito. Alam mo naman siguro na limatado lang ang nagagawa ng machine."salungat ko sa kanya.

Narinig ko naman ang pagsang-ayon ng mga BOD kaya napairap si Vanessa sakin. Tinaasan ko lang siya ng kilay dahil sa ginawa niya.

"Pero, mas madaming nagagawa ang machine kaysa tao."ani niya muli.

Hindi talaga 'to magpapatalo eh. Minsan na iisip ko, business minded ba talaga ito? Tsk!

"Bakit? Marami din naman nagagawa ng tao, ha? Isa pa, hindi ko naman sinasabi na puro tao ang gagawa. Parehong machine at tao ang gagawa. Kaya bukod sa makakapagproduce tayo ng effecient and qualitative product ay madami pa ang maproproduce natin. Tsaka makakatulong pa tayo sa komunidad dahil makakapagbigay tayo ng extrang trabaho sa mamamayan."paliwanag ko sa utak biyak na ito.

Aapila pa sana siya ng magsalita na si Jace.

"Ms.Miyamoto has a point. So I'll go to her idea. What do you think, ladies and gentlemen?"baling niya sa mga BOD.

"Yeah. I'll go too to Ms.Miyamoto's idea."masayang wika ni Mr.Esperanza.

Actually, kanina pa sang-ayon ng sang-ayon sakin ang matandang 'to. Di ko alam kung anong trip niya sa buhay. Pero okay na rin atleast may kakampi na ako dito.

"Tsk!"wika ni Vanessa at inirapan pa ako kaya napairap din ako sa kanya.

Naku! Nakakapanggigil 'to! Sinabi na ngang wag akong tatarayin eh. Tsk! Kapag ako nainis dito ba'ka mabaril ko siya ng wala sa oras. Grr!

"So it settled then."ngumiti ako sa kanila tsaka ko inayos ang folder ko.

"Yeah. Congratulation, Ms.Miyamoto."bati sakin ni Mr.Esperanza at sunod naman si Mrs.Reyes hanggang sa silang lahat na maliban lang kay etchoserang babae. Well, di ko naman gusto na batiin niya ako. Tsk!

Tumayo na ako sa kinauupuan ko dahil ang iba ay nagsisialisan na.

Napadako ang tingin ko kay Vanessa ng bigla siyang tumayo at lumapit kay Jace. I mean, umupo si Vanessa sa table na kaharap ni Jace.

"Hey, Mr.CEO."seductive na wika ni Vanessa kaya napairap naman ako.

Pansin ko ang lunok ng laway ni Jace kaya muli akong napairap. Malamang na lulunok yan dahil kitang-kita lang naman ang paglabas ng kaluluwa ng babaeng nasa harapan niya. Tsk!

Tumingin sakin si Jace na inirapan ko na lang bago ko kinuha ang bag ko sa kinauupuan ko at dumiretso na sa labas. Kaso may humarang sakin na matanda.

"Hey, Ms.Miyamoto."si Mr.Esperanza pala.

Nginitian ko lang siya at ngumiti din siya pabalik sakin.

"Do you already have a boyfriend?"nagulat ako sa tinanong niya.

Wag niyang sabihin na may gusto siya sakin? Jusko! Ganun na ba talaga ako kaganda para pati lolo ay pumatol sakin? Iniisip ko pa lang na nakalingkis sakin 'tong matandang 'to ay kinikilabutan na ako.

"Hahaha!"napakunot ako ng noo dahil sa pagtawa niya.

Anong nakakatawa doon?

Naglakad siya ng marahan kaya sumabay na din ako sa kanya.

Make The Mafia's BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon