Mission 27

1.8K 66 4
                                    

Dedicated To: MizzyFantasia

---
Nasa pool area kami ngayon at naliligo ang mga bata ni Jace syempre kasama na doon ang mga anak ko.

"Rylee..."napalingon ako sa taong tumawag ng pangalan ko.

Si Adam pala.

Bahagya akong ngumiti sa kanya kaya tumuloy siya sa paglalakad at umupo sa upuang nasa harapan ko.

Hanggang ngayon ay di pa rin ako makapaniwala na lalaki na si Adam. Wala kasi akong alam sa mga nangyari sa nakalipas na taon.

"I'm sorry, Rylee kung di ko nailigtas ang kuya mo."kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.

"What do you mean?"

Bumuntong hininga muna siya bago nagsalita.

"Nagtratrabaho ako kay kuya mo at binigyan niya ako ng isang mission. Kapag nagawa ko itong mabuti ay maaari na akong maglay low sa organization."

Pagsisimula niya na pinakinggan ko naman dahil may kinalaman si kuya dito.

"Ang misyon na binigay ni Master Ryle ay ang protektahan ka laban sa inyong pekeng ama at sa section R. Alam kasi ni Master ni binigyan ka ng misyon upang sirain at pabagsakin ang mafia boss ng Black Aces na pinamumunuan ni Jace. Alam ng kuya mo na kapag nagawa mo iyon at nalaman iyon ni Jace ay sigurado akong magagalit siya sayo at maaari ka nilang patayin."

Napalunok ako di dahil sa maaring gawin sakin ni Jace dahil matagal naman na niyang alam iyon. Napalunok ako dahil sa nalaman ko na prinoprotektahan ako ni kuya mula sa malayo. Hindi ko alam na matagal na pala akong nahanap ni kuya pero bakit di niya ako hinarap?

"I'm sorry, Ry kung nagpanggap ako sayo at sorry din kung di ko na protektahan si Master. It is my duty to protect him yet I failed. Sana mahanap na natin si Master."

Tumango ako sa kanya. May kasalanan man siya o wala pero alam ko naman na ginawa niya pa rin ang lahat ng kanyang makakaya upang maprotektahan kami.

"T-Thank you.."I said and he just smile at me.

"I'm sorry ulit ha."wika niya tsaka ginap ang kamay kong nakapatong sa lamesa.

Pinisil niya ito at marahan na hinagod ito upang ipakita ang sincerity niya. I do the same just to say that it's okay.

"Sabihin mo lang sakin kapag kailangan mo ng tulong. Tsaka wag kang mag-alala dahil tumutulong din ako sa paghahanap kay Master."

"Salamat talaga, Adam."

"Dapat ako ang magpasalamat. Kundi dahil kay master siguro sa lansanan kami pupulutin ng kapatid. Isa pa, si Master ang dahil kung bakit nadugtungan ang buhay ng kapatid. Kundi dahil sa kanya di maooperahan ang kapatid ko na may sakit sa puso. Kaya thank you talaga."

Ngumiti ako sa kanya dahil sa sinabi niya. Di pa rin talaga nagbabago ang kuya ko. Mabait at matulungin pa rin siya.

"Mommy!"napalingon kami sa pool ng may biglang tumawag sakin.

Si Aivan pala at basang-basa itong tumatakbok patungo sa aking kinaroroonan.

"Ang laki at ang gwapo ng anak mo, Rylee."

Saglit akong napalingon kay Adam at binigyan siya ng matamis na ngiti bago ko ibaling ang atensyon ko kay Aivan.

Nagpabalot muna ito sakin ng maliit niyang ruba bago nagpakandong.

"Mommy, I'm hungry."wika niya kaya dali-dali 'kong kinuha ang plato na may lamang pagkain na nasa harapan namin.

"Eat this."agad naman niyang nilantakan ito kaya bahagya na lang akong napangiti.

Make The Mafia's BackWhere stories live. Discover now