Mission 17

2.2K 65 8
                                    


---
"Ano ng resulta sa pinapahanap ko?"tanong ko kay Rovic dahil siya ang inatasan ko na hanapin ang leader ng nakabangga namin kahapon.

"Wala pa akong led sa Leader nila, Lady Ae. Pero ang apat na lalaking nakabangga niyo kahapon ay member ng Axe Blue Dragon."napakunot ako ng noo dahil sa sinabi niya.

"Diba si Safhira ang leader diyan?"umiling si Rovic dahil sa naturan ko.

"Hindi na po, Lady Ae. Nagpalit na po sila ng leader at masyadong high protected ang system nila dahil hindi ko mahack ito. Kaya hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang pangalan ng Leader nila, Lady Ae."napatango ako sa kanya dahil sa sinabi niya.

"Yung ginawa kong apps na panghack sa anumang sites ay sinubukan mo bang gamitin?"

May ginawa kasi ako noon six years ago at na-upgrade ko na siya two years ago. Yun ang pinakamabilis na gamit ko sa panghahack ng mga sites na gusto kong buksan. Tanging kay Rovic at Axl ko lang shinare iyon dahil silang dalawa ang pinagkakatiwalaan ko pagdating sa ganito. Isa pa ay mga computer geek din ang mga 'to.

"Opo, lady Ae, pero hindi pa rin talaga mabuksan."sagot niya sakin.

Napabuntong hininga muna ako bago ko isandal ang likod ko sa swivel chair. Pinapunta ko si Rovic dito sa opisina ko dahil wala na akong time na makapunta pa sa head quarter namin. Nakalock naman ang pinto at medyo mahina naman ang usapan namin kaya walang makakarinig.

"Sige. Iwan mo na lang ulit ang trabahong iyan sakin at ito na lang ang trabahuin mo. Hanapin mo kung sino ang headmaster nila Aivan. Gusto ko ng full details in this afternoon. Understood?"

"Yes, Lady Ae. Mauuna na po ako."wika niya at tumayo na siya sa kinauupuan niya sabay vow sakin.

Kinumpas ko naman ang kamay ko para tumayo na siya ng deretso at makaalis na siya dito.

Nang makalabas siya ay agad 'kong pinaikot ang swivel chair ko habang nag-iisip.

Sino kaya ang leader ng clan na iyon? Mula ng umuwi ako dito ay dalawang beses ko na silang nakasagupa kaya sigurado ako na ako ang punterya nila. Kung hindi na si Safhira ang leader doon eh sino? Sino ang pumalit sa kanya na may malaking galit din sakin? Damn!

"Wife."

Halos mahulog ako sa kinaupuan ko ng marinig ko ang boses na iyon. Mabuti na lang at maagap si Jace kaya agad niyang hinawakan ang magkabilang arm rest ng upuan ko para patigilin ito sa pag-ikot.

"Bakit ka ba nanggugulat!"bulyaw ko na ikinapikit naman ng isang mata niya. Siguro ay naingayan sa boses ko. Ang lapit niya kasi sakin eh.

"Don't scold me, wife. Kanina pa kaya kita tinatawag. Tsk!"wika niya kasabay ng pag-irap niya at pagbitaw sa arm rest ng upuan tsaka siya tumalikod sakin.

Nagsungit na naman po siya. Tsk! Lagi namang masungit 'tong lalaking 'to eh. Hindi naman maintindihan ang kanyang ugali. Tsk!

"Ano bang kailangan mo?"medyo inis 'kong tanong sa kanya pero hindi niya ako pinansin at dumiretso siya sa sofa'ng nandito. "Ano? Di magsasalita?"pagbabanta ko at napapairap na lang ako sa inaasal niya.

Dumagdag pa kasi 'to eh ang dami-dami ko na ngang iniisip.

"Tsk! I just want to asked, who's that guy I saw in your office a while ago."ayon, makikichismis na naman siya.

Hindi ko alam kung anong lahi meron siya. Ang hilig-hilig niyang makichismis eh. Tsk!

"Si Rovic tauhan ko."labas ilong 'kong sagot sa kanya.

Alam ko naman kasi na hindi niya ako titigilan hangga't hindi ko sinasabi kung sino iyon. Knowing Jace. Ayaw na ayaw niyang may pinapalagpas na pangyayari sa buhay ko. Yan ang napansin ko sa kanya magmula noong dumating ako.

Make The Mafia's BackWhere stories live. Discover now