Mission 3

2.4K 102 23
                                    

Please do VOTES😊

---
Ngayon na ang meeting namin ng presidente ng Black Company. Buti na lang at may extrang attire si Katryn na di pa nagagamit kaya may nahiram ako. Kasi naman, yung malate ko kahapon ay pinabitbit ko doon sa taong sumundo sakin. Kaya kaninang umaga ay bugnot na bugnot ako sa inis.

Isa pa na dumagdag sa inis ko ngayon ay ang kameeting ko. Bakit ba kasi hindi na lang yung CEO ang makausap ko? Bakit itong president pa na ito? Tsk! Tsk!

"So as you can see, Ms.Miyamoto this are the plan that we can do to your company. It's a win-win situation, Miss."wika niya tsaka siya sumandal sa kanyang upuan.

Fine Restaurant ang pinagmeeting namin at 'tong taong to ay prenting-prente lang. Parang nasa office lang ang kilos niya.

Napabuntong hininga ako habang pinagmamasdan ang mga letra na nandito sa report niya. Oo, nga at makakatulong sila sa kompanya namin and at the same time ay makakatulong din kami sa kompanya nila. Kaya lang kapag pinirmahan ko ito ay mapapadalas ang punta ko dito sa Pilipinas dahil na din sa project na ito or worse ay dito pa ako mag-e-stay ng ilang buwan.

"This is the ballpen, Miss if you want to sign the contract."wika niya at nilapag sa tapat ko ang ballpen.

Okay naman ang contract na nandito eh. Hindi naman nila masisira ang kompanya ko bagkus ay matutulungan pa nga nila kami. Kung di ako pipirma dito ay sigurado akong babagsak ang kompanyang pinaghirapan ko at pati na rin ang clan ko ay maaapektuhan. Dalawang clan pa naman ang pinamumunuan ko ngayon. Ang MiyaVign Clan at ang Petal Clan ko.

Inabot ko na lang ang ballpen at sinimulan ng pirmahan ang mga kontrata na nandito.

"So it's settled then."tumayo siya at inabot ang kamay sakin kaya nakipagshake hands na rin ako. "Welcome to the Black Company!"dugtong niya at inayos ang suot niyang uniporme.

"Since, settle na ito ay kailangan ko ng bumalik sa Japan."wika ko dahil nandoon ang kompanya ko. May kailangan muna akong ayosin doon bago ako lilipad sa London kung nasan ang mga anak ko.

"No, Ms.Miyamoto. You need to sure first the field and the product production that will produce. You're a business woman too and I know that you knew the rule of merging the company."wika niya na ikinagulat ko.

"Merging? It's only a partnership. Don't expect too much Mr.President."suplada 'kong wika sa kanya.

"Okay. You say so."mahina na lang niyang bulong at muli niyang inayos ang sarili niya bago nagsalita. "But still, you need to stay here. Ang CEO na ang bahala sa lahat ng magagastos mo at pati na rin sa titirhan mo."lumingon siya sa labas kaya lumingon din ako doon.

May bagong park na sasakyan at nakaattire din ito na parang empleyado sa kompanya.

"Andito na pala ang driver mo. So have a good day Ms.Miyamoto and again. Welcome to the company."wika niya bago lumabas ng resto.

Damn! Hindi man lang ako nakapagtanong sa kanya at talagang magtatagal pa ako dito. Damn it! Paano na lang ang mga bata? Bwisit!

Pagod akong lumabas sa resto at nagtungo doon sa sasakyan na nagpark kanina.

"Ma'am, ako po ang driver na----"

"Yeah. Yeah. I know. Ihatid mo na lang ako sa bahay na matutuluyan ko."putol ko sa sasabihin niya at tamad na tamad akong pumasok sa back seat.

Nakapirma na ako so ibig sabihin ay wala ng bawian iyon. Magkapartner na ang kompanya namin. Sana naman maging maganda ang partnership namin sa kanila. Sana makatulong ito para sa lahat.

Kinuha ko ang cellphone sa sling bag ko at agad na tinawagan si Axl.

["Hello."]bungad niya sakin.

"Hey. Nakapirma na ako sa Black Company at magkapartnership na sila ng kompanya."

["That's good. Sigurado akong babalik na sa dati ang kompanya. Nga pala, sino ang nanligaw sa inyo?"]tanong niya na inirapan ko naman.

"Malamang sila. Noon pa nga sila naghahabol sa kompanya diba?"narinig ko ang pagtawa niya sa kabilang linya na nagpakunot naman sa aking magandang noo.

["Iba ka talaga, Lady Ae."]wika niya sakin na inilingan ko na lang.

"Sige na. Ibaba ko na 'to. Ikamusta mo na lang ako sa kambal."

["Okay po. Masusunod po."]napairap ako sa sinabi niya at tuluyan ko ng ibinaba ang tawag.

Binaling ko na lang sa labas ng bintana ang paningin ko hanggang sa mapapikit na lang dala na rin ng pagod, puyat, at stress.

-
"Ma'am, andito na po tayo."napamulat ako ng marinig ko iyon.

Hssst! Buti naman at nandito na kami.

Bumaba na ako sa sasakyan at pinagmasdan ang pintuan na sumalubong samin. Hindi ko man lang napagmasdan ang bahay na titirhan ko. Pero alam 'kong malaki ito dahil may pafountain pa siya sa gitna.

Umakyat na lang ako sa tatlong hagdan at pinagmasdan ang pinto. Parang pamilyar ito pero imposible naman. Siguro marami lang mansion na magkakatulad ang pinto at pintura.

Pinilig ko na lang ang ulo ko at dumiretso na sa loob. Nang mapagmasdan ko ang loob ay agad akong napabilib. Ang ganda ng style at modern na modern ito. Maging ang sofa at ang centre table ay napakagandang pagmasdan. Grabi. Ang yaman talaga ng CEO nila at talagang sa mansion pa niya ako patitirahin. Kung sabagay ay ang Black Company naman ang nangungunang business sa buong mundo kaya di na ako magtataka kung ganito sila mag-accomodate ng bisita.

Naglakad ako hanggang sa may hagdan at tumingala. Ang bahay na ito ay may hawig sa mansion ni Jace. Lalo na dito sa hagdan pero parang malabo naman ata na sa kanya ito dahil ibang-iba naman ang style dito sa living room nila. Moder na modern. Siguro marami lang talagang bahay na magkakaparehas ang hagdan. Isa pa, bakit ko ba pinagkukompara ang bahay niya sa bahay ng CEO? Di naman hamak na mas mabait ang CEO kaysa sa kanya no. Tsk! Tsk!

Pinihit ko na ang mga paa ko patungo sa kusina dahil bigla akong nauhaw. Pero nagulat ako ng mapagmasdan ang kusina. Bakit ganun? Bakit parehas din ang kusinang ito sa kusina ng bahay ni Jace? Damn! Ano 'to? Aksidenteng nagkahawig na naman?

Ipipihit ko na sana pabalik ang paa ko ng may mga bisig na pumulupot sa maliit 'kong bewang. Ewan ko kung bakit, pero ramdam ko ang pagbilis ng tibok nitong puso ko at parang nabato lang ako dito sa kinatatayuan ko.

His scent is so damn manly and it's making me crazy. My heart palpitate in an abnormal rhythm. The last feeling that I felt this was six years ago. Six years ago where the only man I love the most can do this feeling.

Natigil ako sa pag-iisip ng marinig ko ang kanyang boses at lalong-lalo na ang kanyang sinabi.

"Welcome back, wife."

---
Copyrights ©Miixxiimii
All rights reserved!

Make The Mafia's BackWhere stories live. Discover now