Mission 7

2.2K 94 7
                                    

Please do VOTES😊

---
Pasipol-sipol akong nagdradrive habang iniisip ko ang mukha ni Jace kanina. Inis na inis lang naman siya habang tinitignan ang sasakyan ko napapaalis. Hindi naman niya ako nasundan pa dahil sa iba't-ibang daan ako dumaan.

Napatigil na lang ako sa pagsisipol ng biglang tumunog ang cellphone ko. Kaya dali-dali kong kinonek ang bluetooth earphone po sa cellphone.

"Hello?"bati ko sa kabilang linya.

["Hi, mommy!"] Agad akong napangiti dahil ang boses ni Aivan ang bumungad sakin.

"Hey, baby. Why are you still awake?"tanong ko sa kanya. Ala-una na kasi ng madaling araw doon dahil nahuhuli sila ng walong oras dito sa Pilipinas.

["I-I can't s-sleep, mommy."]natonohan ko ang panginginig sa boses niya kaya agad akong nagpanic.

"Why? What happened?"

["M-Mommy, I....I dreamed t-that someone w-wants to kill me. M-mommy, I'm s-scared...."]humihikbi na niyang wika at di ko maiwasang hindi mag-alala.

Wala ako sa tabi niya ngayon para icomfort siya.

"Ssssssh~ It just a dream, baby. Don't think too much about it. Where's your tito?"tanong ko sa kanya dahil 'tong anak ko naman ang tumawag hindi si Axl. Nasan kaya ang lalaking yun?

["H-he went outside. M-mommy, I'm scared. I'm scared! M-mommy, please g-go home....."]garalgal na niyang wika.

Damn it! Parang gusto kong magflight back patungong Londo. Dahil sa sinasabi ng anak ko.   Kailangan niya ako ngayon. Kailangan ako ng anak ko ngayon. Shit! Nasan ba kasi si Axl?! Bakit ngayon pa yun lumabas?! Bwisit!

"Sssssh~ baby, calm down. Calm down. Don't go outside okay? Go to your sister's bed."utos ko sa kanya. Iisang kwarto lang kasi sila pero magkaiba ang kama nila.

["M-Mommy, I'm here."]

"Okay. You can sleep at your sister's side. Is she in a depth sleep?"tanong ko sa kanya pero agad ding nasagot yung tanong ko ng marinig ko ang boses ng babaeng anak ko.

["Kuya, why are you here? And Why are you crying?!"]mababakas ang pagkagulat sa boses ng anak ko.

Mukhang nagising siya sa paggalaw ng kuya niya. Masyado talagang matalas ang pakiramdam nito.

"Hey, Aivonne. Can you hug your, kuya for me?"favor ko sa kanya.

["Yes, mommy!"] Sagot naman niya at narinig ko pa siyang kinausap ang kuya niya. ["Kuya, come. Let me hug you. Why are you crying, kuya? Are you alright?"]sunod-sunod niyang tanong na nagpangiti sakin.

Ang sweet talaga ni Aivonne sa kuya niya. Actually, parehas silang sweet sakin. Si Aivonne ay sweet by words tapos si Aivan naman ay sweet by action.

["Mommy, are you going home tommorow? I really miss you, mommy. I love you."]malungkot niyang wika sakin.

"I don't know, baby. But, I'll be there as soon as possible okay? I miss you and I love you too."masuyong sagot ko sa kanya.

Tumingin ako sa side mirror ko at may napansin akong black montero na sasakyan. Kanina pa 'to nakasunod sakin ha.

"Baby, I need to hang up this call. You need to continue your sleep okay? Stay at your brother's side. He needs you and don't forget to pray. I love you..."

["Okay, mommy. I love you too."]sagot niya bago pinatay ang tawag.

Muli 'kong tinignan yung sasakyang nakasunod sakin. Wala naman ganitong sasakyan si Jace kaya malabong siya ito. Binilisan ko pa ang takbo ng sasakyan at lumiko sa isang kanto. Tignan natin kung ako ba talaga ang sinusundan nito.

Make The Mafia's BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon