Mission 37

1.5K 55 8
                                    

Vote-vote naman kayo diyan pampagana😆

---
"Bakit ka pumunta dito?"mariing tanong ko sa taong kaharap ko.

Alam naman niyang napakadelikado ang pagpunta dito pero pumunta pa rin siya. Tsk! Nakakainis!

"Pinapunta ako ng kuya mo."sagot sakin ni Kino habang prenteng nakaupo sa harapan ko.

Nasa opisina na ako at laking gulat ko kanina ng makita siyang nakaupo sa swivel chair ko.  Bwisit na 'to. Mabuti na lang talaga at hindi dumiretso dito sa opisina ko si Jace. Dahil kung nangyari iyon ay sigurado akong yari ang lalaking ito. Ang laki pa naman ng topak ng kapatid niya.

"Bakit daw?"inis kong tanong sa kanya.

"Ewan ko. Basta ang sabi niya ay gusto ka daw niyang makita pati ang mga anak mo."kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.

Ano na naman ba ang kailangan ni kuya at gusto kaming makita ng mga anak ko? Akala ko ba galit siya? Tsk! Isa pa, ba'ka mas mapahamak ang mga anak ko kapag nakita niya sila. Tsk! Tsk!

"Pumayag ka na. Maawa ka naman sa kuya mo. Ang tagal niyang nangungulila sa sayo at gusto niya ding makilala ang mga pamangkin niya. If you are worried about the risk I promise that I'll protect you. And please, Ae. Please listen to him and trust him."dugtong niya pa na nakapagpairap sakin.

How can I trust him if this thing will ruin my dream family. I can't just give my trust that easy lalo na at nakasalalay dito ang kaligayahan ng mga anak ko.

"Kung si Jace ang inaalala mo. Wag kang mag-alala ako  na ang bahala sa kanya okay?"dagdagpa niya at parang sigurado siya na malilinlang niya ang kanyang kapatid.

"Jace is not a problem here. You and my brother is the problem."bumuntong hininga siya dahil sa sinabi ko.

"I promise you na hindi matutuloy ang kasal. Just trust your brother and please listen to us. We really need your cooperation, Ae."wika niya at punong-puno ng pangungumbisi ang kanyang mukha. "Let's set aside this issue for now dahil gusto rin makilala ng kuya mo ang mga pamangkin niya."

Napabuntong hininga ako dahil sa sinabi niya. Matagal na din na nagtatanong ang kambal ko tungkol sa tito nila pero lagi kong sinasabi na di pa nahahanap. Alam ko kapag nalaman nilang buhay pa ang kapatid ko ay sigurado akong matutuwa sila.

"Ibabalik ko din kayo ng maaga. Promise."dugtong niya pa habang nakataas ang kanang kamay niya.

Muli ay napabuntong hininga ako dahil sa sinabi niya.

"Okay. Just make sure na walang malalaman si Jace."wika ko na nagpangiti naman sa kanya ng pagkalawak-lawak.

Hindi naman sa gusto kong magsinungaling kay Jace. Ayaw ko lang kasi na malaman niya na nakakausap ko ang kapatid niya at mas lalong ayaw kong malaman niya na buhay pa ang kuya ko at may plinaplano ito samin.

Naguiguilty na rin ako kay Jace dahil di ko masabi-sabi sa kanya ang bagay na ito. Siguro akong magwawala iyon kapag nalaman niya ang tungkol dito. Hsst! Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Kapatid ko parin si Ryle at mahalaga siya sakin pero mahal ko naman si Jace. Hsst!

"Sigurado akong matutuwa si master nito."

"Come on! Let's go!"yaya ko sa kanya tsaka ko kinuha ang bag ko.

Ayoko ding ipagkait kay kuya ang mga pamangkin niya at ganun din sa mga anak ko. Pero sisiguraduhin lang talaga ng lalaking ito na makakauwi kami ng maaga bago pa makauwi si Jace. Dahil kapag kami naabutan niyang wala sa bahay ay sigurado akong aatakehin na naman yung lalaking yun ng kanyang topak.

"Ako na ang mauunang lalabas. Kapag lumabas ka, siguraduhin mong hindi ka makikita ng mga tauhan ni Jace at lalong-lalo na ni Jace. Malalagot ka talaga sakin."banta ko na tinawanan naman niya.

Make The Mafia's BackWhere stories live. Discover now