Mission 39

1.4K 53 9
                                    


---
"Ano?!"muling sigaw niya habang busy ang mga kamay niya sa paglalakbay sa katawan ko.

Hindi na talaga siya si Jace. Napapalibutan na siya ng matinding galit at kung ano ang nasa isip niya ay yun lang ang pinaniniwalaan niya.

"Tama na!"mariin kong sigaw sa kanya pero di ako pinakinggan.

Pinilit 'kong makawala ang mga paa ko na mariin niyang inaspilihan gamit ang paa niya. Nang makahanap ako ng butas ay agad ko siyang sinipa dahilan upang mahulog siya sa kama.

Agad akong tumayo at lumayo sa kanya.

"H-hindi na ikaw yung Jace na mahal na mahal ko! H-hindi na ikaw yan!"wika ko habang naiiling at nanginginig ang mga kamay ko na nakaharang sa harapan niya.

Ang galit na galit niyang mukha kanina ay bigla na lang lumambot. Napayuko siya at di ko alam kung ano na ang iniisip niya sa ngayon.

"I-I'm sorry..."mahinang wika niya pero inilingan ko lang siya.

Nag-angat siya ng mukha at bumungad sakin ang lumuluha niyang mata. Damn! Weakness ko ang ganyang itsura niya.

Mabilis akong tumalikod sa kanya at pumasok ako sa loob ng banyo. Napasandal ako sa likod ng pinto at dahan-dahang napadaos hanggang sa maupo aki sa sahig. Damn it!

Nasasaktan ako sa gagawin ko pero mas nasaktan ako sa ginawa niya. Yung chances na binigay ko sa kanya ay sinayang niya lang ng ganun-ganun lang. Naiintindihan ko naman siya kung magagalit siya sa arrange marriage na mangyayari eh. Pero  ang ulitin pa ang ginawa niya noon sakin ay di ko na maiintindihan pa iyon. Nakakapagod din siyang mahalin minsan. Kung ano ang sinasabi ng kanyang isip ay yun lang ang kanyang pinapakinggan.

Pinunasan ko ang luhang walang sawa sa pagbuhos tsaka ako tumayo at lumapit sa shower. Sinindihan ko ito  at malamig na tubig ang bumungad sa aking katawan. Kailangan ko ang tubig na ito para magising na ang diwa ko. Para magising ako sa katotohanan at dapat hindi lang puros pagmamahal ang isipin ko. Kailangan ko ding isipin ang mga anak ko. Ang society. Ang clan. Gusto ko din silang isipin dahil nasa akin lahat ng reposibilidad. Saakin sila nakaasa lahat.

Matapos ng ilang oras 'kong pagbababad sa loob ng banyo ay nagdesisyon na akong lumabas. Tanging bathrobe lang ang suot ko at paglabas ko ay wala na dito si Jace. Malinis na rin ang kwartong ginulo niya kanina.

Pinilig ko na lang ulo ko dahil doon at naglakad patungo sa closet para magbihis. Pagkatapos nu'n ay naupo ako sa aming kama tsaka ko pinagmasdan ang singsing na nasa ring finger ko.

"Alam 'kong mahal mo ako pero hindi pa rin nararapat na gawin mo iyon sakin."muli ay napaiyak na naman ako ng maalala ang nangyari kanina.

Inalis ko ang singsing na suot ko at pinakatitigan ang diamond nito.

"Ang laki at ang ganda. Parang pagmamahal mo pero bakit inulit mo na naman ang ginawa mo sakin noon? B-Bakit Jace?"

Napailing na lang ako dahil sa isiping iyon. Inilapag ko ang singsing sa kama tsaka ko sinapo ang mukha ko na walang tigil sa pagbuhos ng luha.

Sana nakinig muna si Jace sakin bago siya gumawa ng sarili niyang hakbang. Tanggap ko naman eh kung magagalit siya. Pero hindi ko tanggap kung uulitin na naman niya ang ginawa niya noon.

Pinunasan ko ang aking luha at tsaka ko kinuha ang cellphone na nasa bag ko and I dialed Kino's number. Buo na ang desisyon ko.

Ilang ring ang lumipas ng sagutin niya ito.

["Woy! Namiss mo agad ako, fiance!"]masayang wika niya na inilingan ko na lang kahit di naman niya nakikita.

"Help us, Kino. I b-badly need your help."di ko na naman napigilan ang pagtulo ng luha ko. Damn it!

Make The Mafia's BackWhere stories live. Discover now