Mission 2

2.5K 97 14
                                    

Please do VOTES😊

---
Nagising ako dahil sa pagyugyog ng kung sino man sa katawan ko.

"Tita! Tita! Tita!"minulat ko ang mga mata ko dahil sa tinig na iyon.

Si Krystal pala.

"Krystal, ang aga pa. Natutulog pa lang si tita."wika ko sa kanya pero 'tong spoiled brat na ito ay nagpatuloy lang sa paggising sakin.

"Tita! Come on! I want to play with you."

Hsst! Ano ba yan. Inaantok pa ako eh. Katatatlong taon palang nitong si Krystal pero napakadaldal na. Manang-mana siya sa daddy niyang makulit at madaldal. Tsaka lahat ng gusto niya ay nasusunod. Palibhasa nag-iisa na lang siyang anak ni Axl. May kakambal 'tong si Krystal eh. Pero nawawala yung isa. Basta, bigla na lang kasi siyang nawala sa nursery room. Hanggang ngayon ay hindi pa nila siya nahahanap. Hsst!

"Later, baby. I want to sleep right now. Okay?"nakita ko ang pagsimangot niya at padabog na bumama sa kama.

Hmm! Bahala siya diyan. Pagod ako ngayon. Minsan nga, masabi  kay Axl na wag masyadong i-s-spoil ang anak niya. Hindi kasi maganda ang nagiging kalabasan kay Krystal eh.

Pinikit ko na lang ulit ang mga mata ko at muling nagpatuloy sa pagtulog ko.

*kringggg!* *kringgg!*

Agad akong napamulat dahil sa pagtunog ng cellphone ko. Namimikit pa ang mga mata ko na inabot ang cellphone ko. Hindi ko na tinignan ang caller at agad na sinagot ang tawag.

"Hello?"inaantok 'kong wika.

Ilang sandali akong naghintay na may sumagot sa kabilang linya pero wala. Tanging pagbuntong hininga lang ang naririnig.

"Kung di ka magsasalita. Pwede ba, mamaya ka na mang-istorbo? Inaantok pa ko eh."wika ko at pinatay na ang tawag.

Muli akong natulog pero wala pa atang dalawang minuto ng tumunog ulit ang cellphone ko.

"Ano ba?! Inaantok pa nga ako diba?!"inis 'kong wika sa kabilang linya pero iyak ng bata ang sumalubong sakin kaya napaupo ako ng wala sa oras.

["M-mommy......a-are you m-mad?"]tila natauhan ako sa taong nasa kabilang linya.

"Sorry, baby. I thought your the annoying unknown number. I'm sorry."wika ko sa kanya pero paghikbi lang ang naririnig ko.

Ngayon ay naguguilty na ako sa pagsigaw ko sa anak ko.  Ano ba namang pumasok sa kokote ko at sumigaw ako? Kainis.

"Ssssshh~ stop crying, Aivan. I'm sorry."napakaiyakin pa naman ng anak 'kong lalaki at ang hirap niyang patahanin.

["M-mommy.... c-come back. P-please f-flight b-back to L-London,  m-mommy..."]

Ito ang dahilan kung bakit ayaw ko siyang iwan. Kapag nawawala lang ako saglit sa tabi niya ay agad siyang umiiyak. Hsst! Mommy's boy talaga ang unico hijo ko.

"If mommy get the deal I'll go home."

["But, what If you won't get it? Hindi ka din ba babalik?"]

Napailing na lang ako dahil sa sinabi ng unico hijo ko.

"Babalik pa rin ako. Kaya wag kang mag-alala. Bantayan mong mabuti ang kapatid mo ha."

["Yes, mommy. I love you."]sagot niya bago naputol ang tawag.

Ito ang unang pagkakataon na mahihiwalay ako sa kanila. Kapag kasi may meeting ako sa iba't-ibang bansa ay lagi silang nakasama sakin. Gustuhin ko man na isama sila dito pero wag na lang. Ayokong mapalapit sila sa mga taong walang kwenta.

Sa tagal na ng panahon na kasama ko ang mga anak ko ay ayoko silang mapahamak. Ayokong magaya sila sakin. Matt Aivan and Jacelyn Aivonne are my twins. They're my angel who give me another reason to live. Sila ang pinakaiingat-ingatan 'kong yaman at ayaw 'kong mawala sila sakin. Kaya naman todo ang bantay ng security sa kanila. Alam 'kong makukulit sila  at masyadong maobserba kaya may secret body guard din sila. Kahit saan sila magpunta ay laging nakasunod ang body guard na iyon ng hindi nila napapansin.

Sa pag-aalala ko sa kanila tuloy, namiss ko na naman ang dalawang anghel ko. Napailing na lang ako at tumayo na ako sa kama at dumiretso sa banyo. Mamayang 10 pa ang meeting at alas otso pa lang ngayon.

"Kain na."wika ni Katryn pagkababa ko sa sala nila. "Pasensya ka na pala sa kakulitan ni Krystal. Naistorbo niya pa tuloy ang tulog mo."dugtong naman niya na nginitian ko na lang ng bahagya.

"Okay lang. Tara na at magsabay-sabay na tayo."yaya ko sa kanya na tinanguan naman niya.

Medyo close naman kami kaya hindi masyadong awkward sa pakiramdam.

"Tita, kilan po uuwi ang daddy ko?"tanong ni Krystal kaya napatingin ako sa kanya.

"Kapag umuwi na ako sa London ay uuwi na din ang daddy mo."nginitian ko siya ng bahagya dahil sa paglungkot ng mukha niya.

Alam 'kong dahil sa akin ay di makakauwi si Axl. Siya na lang kasi ang inaasahan ko dahil ang walang hiyang Joaquin ay di ko mahagilap ngayon. Mukhang nagliwaliw na naman sa buhay yun.

"Wag kang mag-alala, baby. Malapit ng umuwi ang daddy mo."wika naman ni Katryn sa kanya.

"Pero namimiss ko na si daddy ko."malungkot niyang dugtong kaya napabuntong hininga ako.

"I'm sorry, Krystal."nawika ko na lang sa kanya.

Tumingin sakin si Katryn ng may malungkot na mukha.

"Okay lang yan. Alam ko naman ang sitwasyon mo eh."nginitian ko na lang siya ng bahagya dahil doon.

Sana mabilis lang na matapos ang meeting dito para makabalik na ako agad. Kailangan na din ako ng kambal ko at namimiss ko na din sila.

"Tita, sila kuya  Aivan kilan po sila uuwi dito?"muling tanong ni Krystal.

"Ewan ko, baby eh. Kung gusto mo ay isasama na lang kita pag-uwi ko para makasama mo sila."agad na nanlaki ang mga mata niya at gumuhit ang napakalaking ngiti sa kanyang mukha.

"Talaga po?!"tumango ako sa kanya na siyang nagpapalakpak naman sa kanya.

"Pero, kailangan ka munang payagan ng mommy mo."pahabol ko kaya agad na napabaling ang mukha niya sa mommy niya.

"Mommy, payagan mo po ako. Pleaseee...."nagpuppy eyes pa siya na siya namang ikinatawa ko ng bahagya.

"Hmm.. nagpapacute pa ang baby ko. Syempre naman papayagan kita pero sa isang kondisyon."

"Ano po iyon, mommy?"

"Gusto kong isama mo din ako."

"Syempre naman po, mommy!"

Napangiti na lang ako dahil sa palitan nila ng salita. Haisst! Namimiis ko na talaga ang mga baby ko. Kamusta na kaya silang dalawa? Sana naman okay lang sila. Sana naaalagaan sila ng maayos ni Axl.

---
Copyrights ©Miixxiimii
All rights reserved!

Make The Mafia's BackDove le storie prendono vita. Scoprilo ora