Mission 34

1.6K 52 5
                                    


---
"Aivan, kapag ba ang badjao gumawa ng tama ay goodjao na?"tanong nitong si Webster sa anak ko.

Kasalukuyan kaming nandito sa pool area dahil nagkayayaan ang dalawang kambal na magswimming. Kaya nandito ako ngayon sa may umbrella na upuan at binabantayan sila. Mahirap na, ba'ka mapabayaan ng dalawang ito ang mga anak ko.

"No. It supposed to be a good job not goodjao, idiot."masungit na sagot ni Aivan sa kanya na tinawanan naman ni Lester.

Itong anak 'kong ito talaga ay kung ano-ano na ang natututunan sa kanila. Hindi naman nagsasabi ng idiot itong anak ko pero dahil sa mga naririnig niya sa ama at sa ter-ter twins ay nakaadapt na din siya. Hay naku!

"Wag mo na kasing biruin si Aivan! Yan tuloy na idiot ka pa!"tuwang-tuwa na wika ni Lester sa kakambal niya.

Sa kanilang dalawa ay si Lester ang close ni Aivan. Close din sana sila ni Webster kung di nga lang niya bwinibwisit si Aivan kaya ayan. Naging mortal enemy na niya si Webster.

"Grabi ka talaga sakin, Evanski!"reklamo ni Webster pero ang isa naman ay sinabuyan lang siya ng tubig.

"I said don't call me Evanski!"sigaw niya na talaga namang umalingawngaw sa buong pool area.

"Hahahaha! Call sign-call sign ka pa ha."wika ni Lester at muli na namang tumawa.

"Kuya, don't be rude to tito Web."suway ni Aivonne sa kanya na di naman pinansin ni Aivan.

"Tsk! I don't like you! Hmp!"sigaw niya at padabog na umakyat sa hagdan at nagtungo sa kinauupuan ko.

Kahit gusto 'kong suwayin ang pag-uugali ni Aivan ay di ko na magawa pa dahil nga sa alam niyang kampi sila ng ama niya. Paano lahat ng gusto ng kambal na ito ay nasusunod. Tsk!

"Mommy, Webster pissing me!"sumbong niya at padabog na umupo sabay halukipkip.

Kapag ganyan ang itsura ni Aivan ay magkamukhang-magkamukha sila ng ama niya. Palibhasa, malakas ang genes ng lalaking iyon.

"Because you're letting him pissed you."sagot ko sa kanya tsaka ko nilapag sa harapan niya ang meryendang niluto ko.

"Hmmp!"masungit niyang wika na inilingan ko na lang.

Kinuha ko ang roba niya na nasa likod ng upuan ko tsaka ko siya pilit na pinatayo. Sa una ay ayaw niya pa pero wala din siyang nagawa ng tawagin ko ng mariin ang pangalan niya. Kahit papaano ay takot pa rin 'tong anak ko sa akin.

"Let's change. Seems like you're already cold."wika ko at bubuhatin ko na sana siya ng may magsalita sa likod ko.

"What's that face, my little prince?"tanong ni Jace at lumapit samin.

Bahagya niya pa akong hinalikan sa pisngi at humarap sa anak naming nagsusungit na naman.

"Webster is pissing me, daddy!"reklamo niya na inilingan ko na lang.

"What? Where's that Webster?"mas lalo akong napailing dahil sa sinabi ni Jace.

Sinasabi ko na nga ba eh. Inispoil na naman niya si Aivan. Tsk!

"B-boss---"

"What the hell did you do to my son?!!"singhal ni Jace kay Webster at parang natuod naman ang isa.

"Jace, calm dawn. I know Webster has a fault too but don't spoil Aivan. Lalaki yang pasaway kapag kinukonsenti mo at kung ano-ano ang pinagsasabi mo sa kanya."wika ko kay Jace at di ko alam kung pinakinggan ba ako o hindi. Umirap kasi eh.

"Tsk!"usal ni Jace bago siya bumaling kay Aivan na walang imik at binuhat ito.

Umalis sila dito na ikinaling ko na lang. Di na ako magtataka kung lalaki si Aivan na kaugali ang ama niya. Tsk!

Make The Mafia's BackDonde viven las historias. Descúbrelo ahora