Mission 10

2.3K 94 10
                                    


---
"Hey, wife. Sabay na tayong pumasok sa factory."napalingon ako ng marinig ko iyon.

"Pwede ba, Jace. Tigil-tigil mo ako sa kaka-wife mo. Naalibadbaran ako sayo."pagsusungit ko.

Sa kotse niya ako sumakay kanina kasi ayaw magpatalo. May balak pa nga ata siyang gumawa ng eksena kanina eh. Kaya naman para matigil na ay doon na lang ako sumakay.

Magmula ng sumakay ako sa sasakyan niya ay laging may 'wife' ang sinasabi niya. As if naman na kasal kami at asawa ko siya. Tsk!tsk! Sa anim na taong nakalipas ang dami na talagang nagbago sa lalaking yun.

Una yung mga sexy moment na lumalabas sa bibig niya. Tapos ang pagiging territorial niya. Sa tingin ko, may isang bagay lang ang di nagbago sa kanya. Yun, yung katigasan ng ulo niya. Tsk!

Umuna akong naglakad sa kanya papasok sa loob at ang mga nakakasalubong ko naman ay bumabati sakin. Bali yung nga trabahador dito ay mga taga dito din sa komunidad kaya advantage na nila iyon dahil di na sila byabyahe pa ng pagkahaba-haba.

"Ma'am, nandito na po yung bagong gawang wine."wika sakin ng babaeng staff at ginuide niya ako patungo doon sa kaliwang pasilyo tsaka kami pumasok sa isang kwarto.

"Ito ba yung mga ginawa noong sabado?"tanong ko sa kanya.

Sabado kasi sila nag-umpisang gumawa. At iprepreserve namin 'to ng isang buwan para sa launching. Hindi naman ito yung iprepreserve mo ng napakahabang panahon para makuha yung tamang timpla. Dahil timplang-timpla na ito at may machine na nagpapalamig dito para sumarap.

"Ma'am, ito po ang baso."wika sakin ng empleyado kaya kinuha ko iyon at naglagay ng kaunting wine para matikman.

Damn! Humahagod ang sarap sa lalamonan. Hindi mo mararamdaman ang init ng alak na ito. Malamig ang hagod nito sa lalamon at ang sarap talaga.

"Masarap."wika ko sa kanya pagkamulat ko sa mga mata ko. "I-ready niyo ito para sa launching niya next month."

"Sige mo, ma'am."wika niya sakin kaya lumabas na ako sa preservation room.

Naglibot ako sa pagawaan at nagtratrabaho naman lahat ng trabahador. May taga linis ng prutas. May taga alis ng nabubulok na prutas, at marami pang iba.

"Good morning, ma'am."bati sakin ng mga empleyado na nadaanan ko dito sa pinaglilinis.

"Good morning din po."bati ko.

Agad naman silang nagbulungan na dinig na dinig ko naman.

"Ang ganda niya."

"Oo nga. Tsaka ang bait niya pa."

"Sinabi mo pa."

"Mabait na nga siya tapos maganda pa. Di hamak na mas magugustuhan siya ni Sir kaysa doon kay Ma'am Vanessa. Ang sama ng ugali nu'n eh."

"Sssh~ wag kang maingay ba'ka may makarinig sayo."

Napapilig na lang ako ng ulo dahil sa sinabi nila. Talagang pinagkompara pa nila kami ni Vanessa. Di hamak naman na mas maganda ako sa kanya. Tsk! Tsk!

"Ma'am, gusto daw po kayong makausap ni boss Joaquin."kalabit ng tauhan ko kaya kinuha ko sa kanya ang cellphone na binibigay niya.

"Hel-----"

["ANO BANG INIISIP MO RYLEE?!! TALAGA BANG NAWALA NA RIN YANG UTAK MO DAHIL SA GINAGAWA MO?!!"]nailayo ko ng wala sa oras ang cellphone sa tenga ko dahil sa pagsigaw niya.

Ano bang pumasok sa utak nito at sinisigawan ako?! Alam naman niyang ayoko ng sinisigawan eh!

"What the hell, Joaquin?!!"agad akong napatingin sa paligid ko ng maisigaw ko iyon sa kanya.

Make The Mafia's BackWhere stories live. Discover now