Mission 6

2.2K 83 12
                                    

Please do VOTES😊

---
Nagising ako dahil sa mabigat na bagay na nakadagan sa tagiliran ko at hita ko. Damn! Parang isang sakong bigas lang ang bigat niya.

Dahan-dahan akong gumalaw at bumungad sakin ang mukha ni Jace na tulog na tulog. P-Paano 'to napunta dito? Wag niyong sabihing-----DAMN!! Malamang Rylee! Lumipat na yan noong tulog ka! Tsk!

"H-hoy gising!"mahinang wika ko sa kanya dahil nahihirapan akong huminga sa sobrang pagkapulupot ng kamay niya.

Tinapik ko ang siko niya dahil naiipit ang kamay ko sa kamay niyang nakapulupot.

"Hoy gising na."di pa rin siya gumigising kaya inis ko siyang tiningala and damn!

He's too handsome while sleeping. Bakit ganun? Bumibilis na naman ang tibok ng puso ko dahil sa paninitig ko sa kanya.

He's thick eyebrows, curly eyelashes, perfect nose, and kissable red lips. Damn, JM! Why so perfect, baby?

Napapilig ako dahil sa iniisip ko. Anong baby? Damn! Erase! Erase! Erase!

"Done, checking my handsome face?"napabalik ako sa ulirat dahil sa boses na narinig ko.

Agad akong nag-iwas ng tingin sa kanya bago nagsalita.

"Hindi ah!"pakiramdam ko ay nag-akyatan lahat ng dugo ko sa katawan patungo sa mukha ko. Damn it! Bakit ba kasi kailangan niya pang makita ang pagtitig ko sa kanya? Tsk! Tsk!

I heard him chuckled kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Good morning, wife."bati niya at bahagya niyang hinalikan ang buhok ko na ikinabigla ko naman.

Damn! Ito na naman ang abnormal 'kong puso. Hindi na naman magkamayaw sa paghataw. Shit! Umagang-umaga pa lang pero nakarami na ako ng mura.

"A-alis mo nga yang kamay mo!"nauutal 'kong wika sa kanya na nginisian naman niya. "What?!"iritang wika ko sa kanya at sinamahan ko pa ng masamang tingin.

"Okay. Okay."nangingiti niyang wika at pinakawalan na niya ako sa yakap niya. Agad naman akong tumayo mula sa pagkakahiga ko.

"Bukod sa paglipat mo, ano pa ang ginawa mo sakin na di ko nararamdaman?!"akusa ko sa kanya habang yakap-yakap ang sarili ko.

Malay ko ba kung hinalay na ako ng mafia'ng 'to. Alam 'kong masungit at matigas ang ulo niya pero malay ko ba kung may lahi na din siyang manyak? Nagawa nga niya akong pasukin noon sa kwarto ko kaya di malayo na may gawin na naman siya sakin. Damn! Damn! Napaparanoid na naman ako.

"Wala akong ginawa sayo. Okay? Lumipat lang ako ng higaan dahil di ako komportable doon. Pero ikaw 'tong nang haharass at bigla-bigla mo na lang akong niyayakap. Malay ko ba na gusto mo din ang yakap ko."paliwanag niya na sinamaan ko naman ng tingin.

"Naniwala ako sayo."sarkastiko 'kong wika sa kanya. Kahit kailan talaga ay hindi siya matinong kausap. Tsk! Tsk! "Bahala ka na nga diyan!"singhal ko sa kanya at dumiretso na ako sa banyo.

Pero bago pa man ako makapasok ay narinig ko pa siyang nagsalita na ikinapula ng mukha ko.

"Mindly sharing a sexy moment with my wife?"

"Tse!"sigaw ko habang sa pintuan ang tingin ko.

Ayaw ko ngang humarap sa kanya. Mamaya makita niya pa kung gaano kapula ang mukha ko. Tsk! Tsk!

Pabadog ko na lang na sinara ang pinto at nilock iyon ng maigi. Mamaya ay pasukin niya pa ako. Tsk! Tsk!

Pinilig ko na lang ang ulo ko dahil sa iniisip ko. Imbis na mag-isip ng kung ano-anong kalukuhan na ginagawa ni Jace ay sinimulan ko na lang ang morning rituals ko.

Kailangan kong pumasok ngayon sa kompanya ni Jace dahil may meeting doon at kailangan ako sa meeting na iyon. Isa pa ay doon ako magtratrabaho for the mean time dahil nga sa project namin. Haaiist! Anim na buwan akong mag-e-stay sa kompanya niya. Siguro naman sa pananatili ko doon ay maging mapayapa ang buhay ko. Sana.

-
Nakabath robe lang akong lumabas sa banyo dahil wala naman akong dalang damit. Buti nga at may nakita pa akong ganito doon sa banyo. Mabango naman at mukhang hindi pa nagagamit kaya ako na ang gumamit.

Ginala ko ang paningin ko sa kwarto at wala na si Jace. Kaya pinilig ko na lang ang ulo ko. Ano bang ineexpect ko? Na nandito pa siya paglabas ko? Malaking DUH para sakin. Tsk!

Binuhat ko na lang ang bagahe ko patungo sa kama at nagsimulang mangalkal ng damit. Hindi ko pa nga pala ito naaayos. Medyo gulo-gulo pa ito dahil nangalkal ako kagabi ng pampalit ko.

Kumuha na lang ako ng isang fitted dress na above the knee at tsaka ko pinatungan ng black blazer para mukhang sa office pa rin ang tungo ko. Nakacorporate pa rin ako sa top ko. Black na pointed heels naman ang sinuot ko sa baba at tsaka ako naglagay ng light make up. Kinuha ko na ang bag at cellphone ko bago ako lumabas ng kwarto.

Nagulat ako pagbaba ko sa living room. Nandoon kasi si JM----I mean si Jace na nakacorporate attire din habang nakasandal siya sa sofa at pinapaikot sa daliri niya ang susi. Saan 'to naligo? Damn! Pinagloloko ata ako ng lalaking 'to eh.  Pero ang cool niya tignan at nakakatameme talaga ang itsura niya ngayon. Gwapo naman siya noon pero mas gwamapo pa siya ngayon.

Damn! What was the, Rylee?!

Napatingin siya sakin at agad na kumunot ang noo niya. Bigla naman akong naconcious sa itsura ko dahil sa pinapakita. Damn again! Bakit ba ako nag-aalala sa lagay ko? As if naman na pangit ako sa itsurang 'to? Tsk! Tsk! Isa pa, pake ko ba sa kanya kung pangit ako sa paningin? Tsk!

"Yan ang isusuot mo?"kunot-noong tanong niya sakin habang pinapasadahan ako mula paa patungo sa mukha. Tapos uulit niya ulit.

Tinignan ko naman ang damit ko at okay lang naman. Above the knee lang naman ang dress na ito at may konting slit siya sa baba na nagpapakita sa maputi 'kong legs. Tapos sleeveless pa siya na fit na fit sakin. Isa pa may nakapatong naman na corporate blazer ha. Kaya hindi masyadong expose ang maganda 'kong katawan.

"Okay lang naman ha. Tsk!"inis ko na lang na wika at pinilig na ang ulo ko. Ang sexy ko nga dito eh tsk! Ingit lang siya!

Naglakad na ako palabas ng bahay pero napatigil ako ng muli siyang magsalita.

"Hey, where are you going, Wife?"liningon ko siya at kinunutan ng noo.

"Malamang papasok na ako sa kompanya mo. Isa pa, pwede bang tigil-tigilan mo ako sa pagtawag mo ng wife. Naaalibadbaran ako sayo!"inis 'kong wika at dumiretso na ako sa kotseng sinakyan ko kagabi.

Nginitian ko muna si manong na nag-aabang doon bago ako nagsalita.

"Manong, pahiram po ako ng susi. Ako na lang ang magdridrive. Mag-day off ka muna ngayon."mas pinalaki ko ang ngiti ko para maibigay.

Pansin ko ang pagkatulala niya pero agad ding nakabawi.

"Sorry, ma'am pero papagalitan po kasi ako ni Sir."

"Akong bahala sa Sir mo. Akin na po ang susi. Tapos sunod ka na lang po sa kompanya."

Tinamisan ko pa ang ngiti ko yung tipong di siya makakatangi. Sana naman maibigay na niya bago pa makalabas 'yung boss niyang masungit na hindi maintindihan ang ugali.

Walang kagatol-gatol na binigay sakin ni manong yung susi kaya mas napangiti ako. Very good, manong.

Agad 'kong kinuha iyon at dumiretso sa driver seat pero bago pa man ako makapasok ay nakita ko si Jace na nagmamadaling lumapit sakin.

"And where do you think you're going?"

"At your office?"patanong 'kong sagot sa kanya at dali-dali na akong sumakay sa kotse ko---este niya pala.

Bahala siya diyan. Sakit siya sa ulo at ayaw ko siyang makasama patungo doon. Ayoko dahil ayokong maramdaman ulit yung naramdaman ko kagabi at kaninang umaga. Tsk! Tsk!

Calm yourself, Ry. Calm down.

---
Copyrights ©Miixxiimii
All rights reserved!

Make The Mafia's BackWhere stories live. Discover now