Mission 50

1.8K 53 3
                                    

Third Person POV

SA kabilang banda naman ay naglalakad ang dalawang Petaled Group leaders na sina Rovic at Jeras nang makarinig sila ng kaluskos kaya agad silang naalarma at nagtago.

"Tu....long...."nahihirapan na wika ng kung sino man.

Nagkatinginan ang dalawa at parehong nangunot ang kanilang mga noo.

"T-tu....l-lon-n-ng..."muling wika ng boses.

Nagtanguan ang dalawa at sabay silang lumabas habang nakatutok ang baril sa kanilang harapan upang mabaril agad ang kung sino mang magtangka.

Dahan-dahan silang lumalapit sa kaniroroonan ng boses hanggang sa tumambad sa kanila ang nakagapos at bugbog sarado nilang kasamahan.

"T-tu....l-long.."paghingi nito ng tulong pero mariin lang na itinutok ng dalawa ang kanilang baril sa kanya.

"Damn you, Pret! Traydor ka!"sigaw ni Jeras sa kanya habang mariin na nakatutok ang baril sa kanya.

"Pinahamak mo ang mga anak ni Lady!"segunda rin ni Rovic habang nagtatangis na ang kanyang bagang.

Silang tatlo kasi ang magkakalapit at parang kapatid na ang turingan. Pero dahil sa nalaman nila ay nagbago ang lahat. Hindi nila aakalain na si Prettyly nga ang magiging traydor.

"H-hindi ako... s-si Re----"di nila napakinggan ang sinasabi ni Prett ng marinig nila ang pagsigaw ni Rylee mula sa earpieace nila.

"Why? WHY, RED?!"

'Damn! What was that?!' pare-pareho nilang tanong sa kanilang isipan.

"Red.."bulalas ni Rovic at tsaka siya mariin na tumingin kay Prett.

"O-oo...s-si R-R-Red ang t-t-tra-traydor."muling wika ni Prett at sabay-sabay na napamura ang dalawang leader dahil sa narinig nila.

Agad nilang ibinaba ang kanilang mga baril at kinalag ang pagkakagapos sa kanya tsaka nila ito tinulungan na tumayo.

"Sabi na nga ba eh! Hindi siya ang traydor!"ani ni Jeras habang inaaalalayan si Prett. "Tara na, Rovic!"dagdag pa niya at akmang aalis na sana sila ng makarinig sila ng isang putok muta sa earpiece nila.

"Shit!"muling mura nila at hindi nila alam kung kanino galing iyon dahil na rin sa dami nilang nakakonekta.

"Mas mabuti pang mauna na kayo at hahanapin ko pa si Lady."wika ni Rovic na tinanguan naman ng dalawa.

"Sige, bro sunod ako sa iyo."wika ni Jeras bago sila umalis sa lugar na iyon.

-
SAMANTALANG sa grupo naman ni Jace ay marami silang nasa rooftop at nagtatantyahan sa bawat galaw ng bawat clan na naroon.

"Ibigay mo na sakin ang mga anak ko."kalmadong utos ni Jace kay Vanessa pero tinawanan lang siya nito.

"Hahaha! Ano ka? Hilo?"tila nababaliw niyang wika habang hawak-hawak nito ang babaeng anak ni Jace at nakatutok ang baril sa ulo nito.

"Daddy..."umiiyak at nagmamakaawang wika ni Aivonne sa kanyang ama. Dahil na rin sa takot niya sa babaeng nakahawak sa kanya at mga tauhan na nakapaligid sa kanila.

Wala si Aivan dito at tanging si Aivonne lang ang naabotan nila kanina. Kaya mas lalong dumoble ang kaba niya dahil hindi nito alam kung nasaan ang anak niyang lalaki.

"What do you want?"blanko at walang kaemo-emosyon na tanong ni Jace sa babaeng kaharap niya.

"Want? I want Rylee die and this two child!"sigaw niya at mas idiniin niya ang kanyang hawak na baril sa sentido ni Aivonne.

Make The Mafia's BackWhere stories live. Discover now