Mission 35

1.5K 55 4
                                    


---
Isang simpleng black pants at white tear drop shirt ang suot ko ngayon. Pinarehasan ko na din ng black heels para maganda.

Paglabas ko sa pintuan ng kwarto ay agad na bumungad sakin si Jace na nakakunot ang noo habang pinapasadahan ako ng tingin.

"Where are you going?"

"S-sa bahay nila Axl."mas lalong kumunot ang noo niya dahil sa sinabi ko. Shit! Sana di niya napansin ang pagkautal ko.

"Axl? I thought they're out of the country?"napatampal ako ng noo ko sa imahinasyon ko dahil sa sinabi niya.

Kaya pala kanina ay may di maipinting mukha ang mukha niya. Kasi nasabi ko pala sa kanya kahapon na wala sila Axl. Damn it! Bakit di ko naisip yun bago ginawang palusot? Hssst!

"May kukunin lang ako saglit doon. Basta inutos niya kasi."wika ko at laking pasalamat ko dahil nakaisip agad ako ng sasabihin ko.

"Wait me, sasamahan na kita."wika niya na inilingan ko naman ng paulit-ulit.

"No. No. No. Kaya ko na. Bantayan mo na lang ang kambal ba'ka kung ano na naman ang mangyari sa dalawang yun."pagpigil ko sana nga lang epektib.

"O....okay....?"kunot noo niyang sagot. Siguro ay nawiwierdohan na siya sakin.

Mabilis ko na lang siyang hinalikan sa labi para mawala ang pagkawierdo sa tingin niya. Nginitian naman niya ako kaya napangiti na din ako.

"Sige na. Mauuna na ako."paalam ko at nagmadali na akong bumaba.

Pagbaba ko ay wala yung dalawa. Ba'ka nasa entertainment room siguro sila.

Senenyasan ko na lang sila Red na sumunod sakin para kung may di magandang mangyari ay may back up ako. Bukod sa kanila ay wala na akong pinasunod pa. Lalong-lalo na ang mga tauhan ni Jace. Mahirap na, ba'ka magsumbong sa amo nila.

Ilang minuto ang tinagal ko sa byahe bago ko narating ang restaurant na sinabi ni Kino. Sa labas pa lang ng resto ay kapansin-pansin na ang madaming sasakyan na nandito at ang mga men in black na nakabantay sa labas ng pinto. Mula sa glass wall ay makikita mong walang tao sa loob maliban na lang sa isang sentro.

Lumakad na ako patungo sa entrance habang nakasunod ang guard ko. Hinarangan pa ako ng isang men in black pero agad din niya akong pinapasok ng binulungan siya ng isang kasamahan niya.

"Ae!"nakangiting tawag sakin ni Kino ng makita ako.

Nginitian ko siya saglit tsaka ako lumapit sa kanila. Pero nakuha ng atensyon ko iyong isang kasama niya. Nakawhite sleeve with vest at tsaka ito napatungan ng black over coat.

Kumunot ang noo ko dahil hindi man lang ito nag-angat ng tingin. Nakayuko lang siya kaya hindi ko makita ang kanyang mukha.

Binaling ko kay Kino ang tingin ko at agad na nagsalita.

"What do you want?"

"Have a sit first."he offered and motioned his hands to pull some seat infront of the man who's wearing black suit.

Umupo na lang ako and I tap my finger on the table sign of faster. Kaya dali-daling umupo si Kino sa katabing upuan namin. Uhm, nasa gitna namin siya nung lalaki.

"Actually, Ae. Hindi ako ang may sasabihin kundi siya."sabay turo niya sa lalaking nasa kanan niya na kaharap ko naman.

Kumunot ang noo ko sa kanya bago ko ibaling sa kabila ang aking atensyon.

"What----"di ko na natuloy pa ang aking sasabihin ng bigla mag-angat ng tingin iyong lalaki na siyang ikinagulat ko.

"Rylee...."he whispered that makes my eyes teary.

Make The Mafia's BackWhere stories live. Discover now