Mission 16

2.5K 79 15
                                    


---
Kasalukuyan ko ngayong sinusuklayan si Aivan dahil may pupuntahan kami. Bibili kami ngayon ng gamit nila dahil tatlong damit lang ang kinuha nila at si Aivonne ay pangswimming pa ang kinuha niya. Ang rason ng batang yun ay:

"Because kuya said that we will go to  the beach."

Kaya ayon. May dala-dala siyang swimsuit. Tinalo pa ako ng anak ko. Buti na lang at may nahablot siyang pangtulog at yung pangsummer niyang bistida ay yun na ang pinangpalit niya muna ngayon. Tutal mainit din naman ang panahon dito kaya ayon muna.

"Ayan, mas gwapo na ang baby ko."masayang wika ko kay Aivan na nginitian naman niya ng pagkalawak-lawak.

Masayang-masaya kasi ito kapag nasasabihan ko ng gwapo eh.

"You are beautiful too, mommy."sagot niya sakin tsaka siya tumayo sa kama at hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko.

Nginitian ko siya dahil nakangiti siya ng pagkalawak-lawak. Hinalikan niya ako sa labi kaya mas lalo akong napangiti. Ang sweet talaga ng anak 'kong 'to.

"Hey wife, let's go?"napabaling ako sa pinto ng kwarto ng marinig ko iyon.

Nandoon si Jace at nakasilip samin.

"Let's go na daw sabi ni daddy."wika ko kay Aivan at agad naman niyang inispread ang kamay niya para magpabuhat na naman.

"Kukunin ko pa yung bag ko. Maybe daddy will carry you."wika ko tsaka ko seninyasan si Jace na lumapit.

Medyo ilag pa kasi si Aivan sa kanya at 'tong si Jace naman ay gustong-gusto niyang mapalapit sa anak niyang lalaki.

"Come, Aivan?"nakangiting wika ni Jace sa kanya pero sinungitan naman siya ng isa.

"I don't want you. I want my mommy!"

"Aivan.."mariin 'kong tawag sa kanya.

Hindi naman siya ganito kanila Axl at Joaquin pero bakit pagdating sa daddy nila ay parang ang laki-laki ng galit niya sa kanya.

"It' okay."saad ni Jace at bahagya na lang niya akong nginitian. Pero alam 'kong nasaktan siya sa sinabi ni Aivan.

"Aivan, daddy will carry you. I have something to do first."paliwanag ko para lang pumayag siya.

"But, mommy..."

"Aivan.."mariin 'kong tawag sa pangalan niya na inirapan naman niya.

Manang-mana talaga sa tatay na mahilig umirap kapag natatalo.

"It's okay, mommy. I can walk."deretsong wika niya at nagpauna na siyang lumabas sa kwarto.

Napabuntong hininga na lang ako dahil sa ginawa ni Aivan.

"Pagtyagaan mo muna siya. Maybe he's in the stage of acceptance."baling ko kay Jace.

Ngumiti naman siya ng bahagya sakin bago tumango.

"It's okay. Maybe we should spend more time. Let's go?"wika niya na tinanguan ko na lang.

Sinukbil ko na ang bag ko at naglakad na kasama siya.

Bahagya niya pang iniakbay ang braso niya sa balikat ko kaya ito na naman ang abnormal 'kong puso at humahataw na naman ng pagkabilis-bilis. Nilingon ko siya at deretso lang ang tingin niya na para bang walang nangyari. Napapilig na lang ako bago ko tinanggal ang pagkakaakbay niya sakin at nagpaunang naglakad.

Sa ngayon ay hindi ko pa talaga mawari ang nararamdaman ko. Minsan ay galit ako sa kanya at kung minsan naman ay nakakaramdam ako ng selos at kung minsan ay gusto ko nasa tabi ko lang siya. Siguro kung di lang nangyari ang nangyari noon ay hindi sana ako nahihirapan ng ganito ngayon. Di sana ako nagdudusa dahil sa paiba-iba kong nararamdaman.

Make The Mafia's BackWhere stories live. Discover now