Mission 9

2.1K 82 0
                                    


---

Mag-iisang linggo na rin na gumugulo sa utak ko yung sinabi ni Jace sa opisina ko. Dam it! Anong ibig sabihin niya sa "I'm just being territorial, wife." niya? Kainis!

Pabagsak akong umupo sa kama ng biglang magring yung cellphone ko kaya agad 'kong sinagot ito.

["Mommy!"]agad akong napangiti sa bumungad na boses sakin. Silang dalawang magkapatid pala ang tumawag sakin.

"Yes, baby?"

["Mommy, we're taking our last quarterly exam tommorrow and after that is a VACATION TIME!!!"]wika ni Aivan at talagang nagsabay pa sila ng kapatid niya sa Vacation time.

"So, where do you want to go?"masayang tanong ko sa kanila.

Tuwing bakasyon kasi nila ay umaalis kami ng bansa. Pero last year ay di kami nakaalis dahil ipinasok ko sila sa Filipino Language Lesson. Kahit papaano naman ay gusto kong matutunan ng mga anak ko ang magsalita ng tagalog. Kaso nga lang, isang buwan lang sila sa pag-aaral doon dahil si Aivonne ay nakipagsabunutan sa isang kaklase niya. Inasar daw siyang crush siya ng baliw doon sa labas ng school kaya ayon, napikon yung isa kaya sinabunutan na niya yung kaklase niya. Buti nga at hindi nagreklamo yung magulang ng batang yun. Isa pa kahit na magreklamo ay kasalanan din ng anak niya. Pero syempre may kasalanan din si Aivonne dahil napakashort tempered niya.

Napailing na lang ako dahil sa kalokohan niya.

["Mommy, do you still remember Mike Will?"]napakunot ako ng noo dahil sa sinabi ni Aivan.

Mike Will?

"Is it the boy you punch a year ago?"tanong ko ng maalala ko yung apelyedo niya.

["Yes, mommy! The boy that kuya punch and now they're best friend!"]singit ni Aivonne at sinisigaw niya pa. Marahil ay nasa malayo siya. ["Ssssh~ Aivonne! You're to loud!....Mommy, that Mike Will said that he already go in the Philippines and it so beautiful. Mommy, we want to go too."]wika ni Aivan na ikinagulat ko.

No! Bakit dito pa Aivan? Bakit dito mo pa gustong pumunta?

["Tito Axl also said that you're  in the Philippines. We want to go too, mommy! Let's spend our vacation there."]masaya niyang wika sakin at di ko mapigilan ang hindi mapabuntong hininga.

"But, Aivan..."

["Mommy, please... I really miss you. Please, mommy..."] pagmamakaawa niya sakin na di ko kayang tanggihan.

"S-sure. Don't beg, baby okay? I love you."wika ko sa kanya.

Bahala na kung anong mangyayari dito basta wag lang magmakaawa sakin ang anak ko. Kung kayang ibigay-ibibigay ko. Wag lang siyang umiyak o masaktan.

["Really, mommy?!...Vonne, mommy already said Yes!!....Really, kuya?! Woahhh!! I love you, mommy!!!"]pakinig ko sa kanilang dalawa kaya bahagya akong natawa.

"I love you more, baby. Hmmmmuaaah!"masayang wika ko sa kanila pero agad na nabitin sa ere ang ngiti ko ng may marinig akong nagsalita.

"Who's that?"agad akong nabato sa kinauupuan ko dahil sa boses na iyon.

["Mommy, who's that?"]tanong din ng lalaking anak ko sa kabilang linya.

Imbis na magsalita ay pinatay ko na lang yung tawag niya. Bago ako humarap kay Jace.

"It's none of your business."deretso at walang kaemoemosyon 'kong wika sa kanya.

Kita ko sa mukha niya ang pagtitiim ng bagang niya kaya di ko maiwasang hindi kabahan. Damn it!

"I.Said.Who's.That?"mariin niyang wika habang dahan-dahan na lumalapit sakin.

Shit! Sobra-sobra na sa pagkabog nitong puso ko dala ng kaba dahil sa itsura niya ngayon. Damn! Damn! Damn!

"N-nothing."nauutal 'kong sagot sa kanya.

Parang manlalapa na kasi ang mukha niya. Magmula ng dumating ako dito ay ngayon ko pa lang nakita ang ganyang itsura sa kanya. Shit! Ano 'to? Nagseselos siya? Eh, ano naman ang ikakaselos niya? Except-----damn it! Ba'ka may namis-interpret siya? Pero ano naman kasi sa kanya iyon?!

"I'm territorial, wife. I'm territorial. I already mark you six years ago."deretso niyang wika habang patuloy sa paglapit sakin.

Wala akong ibang magawa kundi ang umusog ng umusog at mapalunok sa sarili 'kong laway. Damn JM!

"Ayokong may kahati ako, wife. Ayokong may tinatawag kang baby kung hindi lang din naman ako."amoy na amoy ko ang hininga niya sa sobrang lapit namin sa isa't-isa.

Damn! My heart paltipitate in abnormal beat. At parang nalunok ko ang sarili kong dila dahil sa di ako makapagsalita sa sinabi niya.

What now? What to do? What those it mean?

Ang daming pumapasok sa isipan ko na katanungan at kahit isa doon ay di ko magawang sagutin dahil pati ata utak ko ay nawawala na rin.

"I love you..."halos pabulong na lang niyang wika bago maglapat ang aming mga labi.

Damn! Natitikman ko na naman ang labi niyang kay sarap. His kissable lips that every woman fantasize are now kissing me. He's now kissing me!

He's kissing me?

Naitulak ko siya agad-agad ng marealize ko ang ginawa niya. Damn! Dapat hindi ko siya pinayagan na lumapat ang labi niya sakin! Dapat di niya ako nahalikan. Damn it, Rylee! Damn it!

Umalis siya sa pwesto niya at napabuntong hininga na humarap sa verenda ng kwarto niya.

"I'm sorry."bulong niya at pakiramdam ko ay nadisappoint ako sa sinabi niyang iyon.

Damn! Ano ba 'tong nararamdaman ko. Hindi ko dapat maramdaman 'to. Tsk! Tsk!

Tumayo ako mula sa pagkakahiga sa kama at lumabas ng kwarto. Kailangan kong makalanghap ng sariwang hanging ngayon. Kailangan 'kong lumayo muna sa kanya.

Sa tinagal-tagal na ng panahon na lumipas ay nandito pa rin sa dibdib ko yung pakiramdam na siya lang ang nakakagawa. Pakiramdam na kahit gaano ko pairalin ang galit sa kanya ay lagi pa ring lumalamang ang pagpapatawad ko para sa kanya. Damn it! I really hate this feeling!  It shouldn't be like this. Hindi dapat ganito ang kinahahantungan ko ngayon. Tsk! Tsk!

---
Copyrights ©Miixxiimii
All rights reserved!

Make The Mafia's BackDonde viven las historias. Descúbrelo ahora