Mission 44

1.4K 46 10
                                    


---
Rylee PoV

"Jace, wake up!!"I shouted habang tinatapik ko ang kanyang mukha na nakahilig sa balikat ko.

Patuloy lang ang pagbuhos ng luha sa aking mata dahil sa mga posibilidad na pumapasok sa isipan ko. Damn! Not this time! Wag mo naman kaming iiwan Jace. Wag naman ngayon paramg awa mo na.

"Bossing!"sigaw ng mga kampon ni Jace at dali-dali silang lumapit samin.

May kumuha ng katawan ni Jace mula sakin at tsaka niya ito binuhat na parang sako. Habang ang iba naman ay dumiretso sa likuran namin at pinagbabaril pa ng paulit-ulit ang mga nakahandusay na katawan dito.

Muli na naman akong napahagulgol ng makita ko si kuya na buhat-buhat ng isang tauhan niya upang mailabas dito at madala sa hospital. Madami na din ang nawalang dugo kay Kuya kaya't namumutla na ito. Dinaluhan naman ako ni James at hinawakan ang aking kamay.

"Tara na. Kailangan na nating makalabas dito dahil may bomba dito sa hotel."wika niya sakin tsaka ako hinila palabas.

Nagpatangay na lang ako sa kanya dahil nawawalan na ako ng lakas sa sinapit ng dalawang tao na mahalaga sakin. Pinasakay niya ako sa kanyang kotse at nagmamadaling inestart ito. Medyo malayo na kami sa lugar na iyon ng bigla itong sumabog at tinupok ng malaking apoy ang hotel.

PAGDATING namin sa hospital ay halos sigawan ko na ang mga doctor para lang mas bilisan nila ang pagtakbo.

"BILIS!! MGA WALANGHIYA KAYO! KAPAG NAMATAY ANG ASAWA AT KUYA KO KAYO ANG ISUSUNOD KO!!!"sigaw ko sa kanila.

Hindi naman sila magkandaugaga sa paggalaw hanggang sa mapasok na sila sa E.R.

"Hanggang dito na lang po muna kayo, ma'am."wika ng nurse at kahit na gusto ko mang pumasok sa loob para masigurong ginagawa nila ang trabaho nila ay di ko magawa dahil sinara na nila ang pinto at  may isang kamay na humawak sakin para pigilan ako.

Taimtim na lang akong nananalangin dito na sana ay makaligtas sila. Bwisit kasi yung matabang lalaking iyon. Kainis na Emilio! Damn! Dapat lang ang nangyari sa kanya. Dapat lang na namatay siya.

"Kasalukuyan ding inooperahan ngayon si Papa at Mr.Feng dahil sa natamo nila. Lahat sila ay nasa loob ng E.R ngayon."malungkot na bigkas ng isang babae kaya napalingon ako sa kanya.

Sa sobrang pagkaukupado ko ay di ko man lang napansin na nandito pala si Madeline. Nakaupo siya sa bleacher at nakayuko ang kanyang ulo. Lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi niya.

"Are you okay?"tumonghay siya at tsaka ako nito tinanguan.

Agad ko siyang niyakap at ganun din ang kanyang ginawa. Parehas kaming naiyak sa sitwasyon namin.

"Magiging okay din ang lahat diba?"malungkot nitong tanong kaya't humiwalay ako sa kanyang yakap at tinignan siya sa mata bago ako marahang tumango.

"I hope so."

Ngumiti lang siya sakin ng bahagya at di na nagsalita kaya't naghari ang katahimikan sa aming paligid pero agad din iyong natapos ng may biglang sumigaw.

"Ae, ang kuya ko?! Ayos lang ba siya?! Ang kuya ko?! Ang lolo ko?!"nag-aalalang tanong ni Kino habang may luhang pumapatak sa kanyang pisngi.

Lumapit pa siya sakin at tsaka ako mariin na niyakap. Kaya ang iyak na pinipigilan ko ay bumuhos na naman. Pareho kaming may mahal sa buhay na nanganganib ang buhay ngayon. Kaya kailangan naming tatagan ang aming mga loob.

May lumabas na doctor galing sa loob ng E.R kaya agad akong kumalas sa pagkakayakap ni Kino.

Lumapit kami sa kanya habang tinatanggal niya ang kanyang glabs at mask.

Make The Mafia's BackWhere stories live. Discover now