Mission 21

2.1K 50 7
                                    


---
"Hmm... ang bango-bango mo na ha."wika ko kay Aivonne pagkatapos ko siyang bihisan.

Katatapos lang kasi nilang maligo sa dagat at masayang-masaya ang kambal. Lalo na't nandiyan si Jace na laging kontra sa mga pinagsasabi ko sa dalawa. Halos gumabi na rin ng matapos sila at hindi pa sila aahon kapag hindi pa ako nagwalk out dahil sa inis.

"Mommy, carry."wika ni Aivonne at inispread niya pa ang kamay niya kaya binuhat ko na siya.

"Parang bumigat ka, Aivonnne."ani ko bago ko sinara ang pinto ng kwarto nila.

Magkasama kasi si Aivan at Aivonne ng kwarto habang kami naman ni Jace sa kabila. Ayoko sana kaso wala naman akong magagawa dahil ang babaeng anak ko ay pinagtutulakan ako na doon ako matulog. Haisst! Ewan ko na lang kay Aivan kung payag siya. Wala kasi siyang imik kanina eh.

"Because daddy spoiled me! He gave me everything I like."proud niyang sagot sakin na inilingan ko na lang.

"Wag kang masyadong magsusuplada sa daddy mo ha."bilin ko na tinanguan naman niya.

"Yes, mommy ofcourse!"sagot niya tsaka niya hinawakan ang magkabilang pisngi ko. "Thank you, mommy for finding our daddy. I love you."tsaka niya ako hinalikan sa labi. Ang sweet talaga ng anak ko.

"Hmm, I love you too. And I'll do everything just to make you and your brother happy, okay?"tumango siya sakin kaya nginitian ko siya.

Good girl naman si Aivonne at kung ano ang iuutos ko ay gagawin naman niya kaya masayang-masaya ako dahil nabiyayaan ako ng ganitong anak.

Dumiretso kami sa sala kung nasan nandoon si Aivan na nakaupo habang nanunuod ng Phiñas and Ferb.

"Mommy, you took so long..."nakapout na salubong sakin ni Aivan tsaka niya niyakap ang bewang ko.

"Hmm? You already miss me?"nakangiting tanong ko sa kanya.

Basta itong lalaking anak ko talaga ay masyadong mommy's boy.

"Yes, mommy. Mommy, I'm hungry. Can we eat?"pacute niyang tanong sakin habang nakahawak pa sa tiyan niya.

"Sure we can. What food would you like to request?"tanong ko pero biglang sumingit si Jace na kalalabas lang galing sa kwarto.

"Let's eat to the resto. Seems like this two kids are very hungry now."wika niya habang inaayos ang t-shirt niya.

Damn! Bakit ang gwapo niya sa paraang iyong? His board chest and V shape body makes him more attractive and handsome.

"Daddy!"nabaling ang atensyon ko kay Aivonne ng isigaw niya ang daddy niya at tsaka pilit na inaabot si Jace.

Lumapit naman si Jace samin tsaka niya binuhat si Aivonne at ewan ko lang kung nananadya ba siya o aksidente lang niyang nasalat ang dibdib ko. Tsk! Manyak na mafia!

"Let's go there, daddy. Let's go!"masayang wika ni Aivonne.

"We will."masayang sagot naman niya kay Aivonne kaya masaya niyang niyakap ang daddy niya.  "What about you, Aivan and wife?"baling niya samin.

"Mommy, can we?"marahan na tanong sakin ni Aivan na tinanguan ko naman.

Alam kong napapalapit na din si Aivan kay Jace pero pinipigilan lang ng anak ko ang masyadong attachment sa kanyang ama. Siguro ay pinapakiramdaman niya muna si Jace. Sa kanilang dalawang magkapatid kasi ay si Aivan ang pinakamahirap na makuha ang tiwala. Parang kay Jace lang. Manang-mana talaga sila sa kanilang ama. Haisst!

"Let's go?"nakangiting yaya ko sa kanila na agad namang tinanguan ng kambal maliban lang kay Jace.

"Before we leave, change your outfit first, wife."deretsong wika niya at wala man lang kaemo-emosyon.

Make The Mafia's BackUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum