Mission 25

2.1K 72 5
                                    


---
RYLEE POV

Isang linggo na ang nakakalipas magmula ng makalabas ako sa hospital. May dumadalaw naman sakin pero hindi dumalaw yung taong gusto 'kong makita. Kung noon ay naiinis ako sa kanya pero ngayon ay gusto 'kong magpasalamat sa ginawa niya. Sinalo niya ang bala na para sakin at kung 'di dahil sa kanya ay ba'ka hindi ko na kasama ang mga anak ko ngayon.

Sa loob ng isang linggo ay madami akong napapansin sa mga kasama ko sa bahay. Isa na doon si Jace na kung makalingkis ay wagas. Parang mawawala naman ako kung makapulupot pa. Lalo na kapag nandiyan sila Webster. Tsaka ang isa pang pinakanapapansin ko ay si Aivan. Malapit na malapit na ang loob niya sa daddy niya. Hindi ko alam kung anong ginawa ni Jace pero natutuwa ako sa tuwing nagpapabuhat siya sa daddy niya. Yun din naman kasi ang gusto ni Jace kaya ayon, halos araw-araw kung magpabuhat ng sabay ang dalawa. Magdusa siya ngayon.

"Mommy, I don't like the way tito James look at you."wika ni Aivan habang sinusuklay ko ang kanyang buhok. Katatapos lang kasi niyang maligo eh.

Isa pa, may sariling kwarto na din ang kambal. Magkahiwalay sila sa kama pero iisang room lang ang ginagamit nila. Hindi ko alam kung paano nakumbinsi ni Jace si Aivan na humiwalay sakin ng kama. Basta nabibilib talaga ako kay Jace. Halos lahat kasi ng sabihin niya kay Aivan ay sinusunod naman ng isa. Maliban na lang kapag tinatamad at ayaw ni Aivan ang pinapagawa ng daddy niya.

"Why? Is there any problem by his look?"I asked him.

"I don't know, mommy. But I don't want the way he look at you."

"Hmm. Just don't mind him. Let's go?"wika ko sa kanya na tinanguan naman niya bago siya tumalon sa kama niya.

Hindi na siya nagpapabuhat ngayon dahil ang sabi niya ay ba'ka daw masaktan ako. Kasi daw pinalo ako ng babaeng nagkidnap sa kanya. Ang bait talaga ng anak ko. Pati kalusugan ko ay inaalala niya.

Pagbaba namin sa sala ay nandoon si Webster at Lester na nilalaro si Aivonne. Tuwang-tuwa naman ang kambal na ito kapag kasama nila ang kambal na Ter-Ter (Web and Les). Sabi ni Aivonne ay para daw silang si Black and White na bodyguard nila kaso ngalang ay masyadong funny 'tong Ter-Ter Twins.

"Hey, Evanski!"wika sa kanya ni Webster at kumaway-kaway pa.

"Stop calling me, Evanski! You! Ter-ter!"sigaw ng anak ko sa kanya.

Ayaw niya kasi na tinatawag siya ng kung ano-ano kaya ganyan na lang ang bwisit niya kay Webster kapag tinatawag siyang ganun.

"Hahahaha! Mana ka talaga kay bossing Dyes! Halika dito at maglalaro tayo."agad namang lumapit si Aivan sa kanila at nagulat ako ng biglang sinuntok ni Aivan ang mukha ni Webster.

"Aivan!/Aray!/Hahahaha!"sabay-sabay naming wika kay Aivan.

Alam niyo na kung sino yung tumatawa. Walang iba kundi ang kakambal niyang si Lester.

"You said, let's play. I want to play boxing and I will make you my punching bag! Heyaa!!"wika ni Aivan sabay sipa sa panga ni Webster kaya natuluyan siyang napaupo sa sahig. Mabuti na lang at nagawa niyang isandal ang kamay niya sa sahig dahilan upang hindi siya tuluyang mapahiga.

"Hahahaha! Yan kasi tinatawag mo siyang Evanski!"tuwang-tuwang wika ni Lester at napapahawak pa siya sa tiyan dahil sa sobrang kaligayahan.

Napailing na lang ako dahil sa ginagawa nila. Lumapit ako kay Aivan para suwayin siya.

"That's bad, Aivan. Don't do that."

"But, mommy. Daddy said that I can make them my human toy."

Ay, bwisit na lalaking yun! Kung ano-ano ang tinuturo niya sa anak ko! Bwisit! Mahila nga ang tenga niya mamaya para magtanda.

"That's bad. Don't do that again at wag mo ding pakikinggan ang mga kabulastugan na sinasabi ng magaling mong ama."wika ko sa kanya na agad naman niyang tinaguan. 

Make The Mafia's BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon