Mission 42

1.6K 52 2
                                    


---
Tumunog ang cellphone ko kaya inabot ko ito. Bahagya ko pang inabot ang wireless earphone na nasa dashboard ng sasakyan ko.

"Hello?"agad 'kong wika ng makonek ko na.

["Ano? Nasaan ka na? Kanina ka pa umiiyak si Aivonne."]wika ni Kino sa kabilang linya.

"Pabalik na ako. Saglit lang."sagot ko sa kanya at tsaka marahang sumandal sa sandalan ng upuan ko. "Aray!"daing ko dahil parang may tumusok sa likuran ko.

["Anong nangyari?! Ayos ka lang ba?!"]biglang sigaw ng nasa kabilang linya kaya marahan akong napapikit.

Ingay talaga ng lalaking ito!

Di ko na lang siya pinansin at kinapa-kapa ko yung buhok ko na nasa malapit sa balikat. Agad akong napakunot nang parang may maliit at matigas na bagay. Kinuha ko ito at agad akong napamura dahil doon.

"Shit!"

["Why?! What happened to you, Ae?!"]di magkandaugagang tanong ni Kino sakin.

"Damn, Kino! Nilagyan ako ng tracking device ng kapatid mo! Bwisit!"inis 'kong wika habang mariin na hinahawakan ang parang hairclip pero may maliit na buton na parang sa flashlight ng keypad na cellphone.

["What?!"]

"Hindi ako dederetso sa bahay ni kuya."wika ko sa kanya tsaka ko tinapon sa labas ang hawak 'kong tracking device.

Kaya pala parang okay lang kay Jace na umalis ako ng ganun-ganun na lang. Dahil may binabalak pala ang lalaking yun. Bwisit! Matalino ka talagang lalaki ka!

"Sunduin mo ako sa CT mall, Kino. Kailangan 'kong iwan 'tong sasakyan ko ba'ka kasi nilagyan din ito ng tracking device ni Jace. Isama mo si kuya sa pagsundo sakin at tawagan mo si Joaquin na sumunod sa CT mall. Magkita-kita tayong lahat sa food court. Itatapon ko na 'tong cellphone 'ko kaya wag ka ng tatawag. Alam 'kong matratrack ako ng kapatid mo kapag dinala ko pa ang cellphone ko. Kainis talaga!"

["Sige, mag-ingat ka."]tanging sagot niya bago namatay ang tawag.

Muli 'kong binaba ang bintana ng sasakyan ko at tsaka tinapon ang cellphone kasama na ang earphone ko. Bwisit! Nakakainis talaga ang Jace na iyon! Alam ko naman na hindi siya papayag pero sana nagtiwala siya sakin. Gusto ko lang naman ay magtiwala siya sa plano ko. Bwisit! Pahamak talaga ang lalaking yun.

Nang makarating ako sa mall ay agad 'kong pinark ang sasakyan ko sa basement at dumiretso na ako sa taas. Kung ayaw pumirma ni Jace sa annulment contract pwes ako ang gagawa ng paraan para magkaroon siya ng pirma. I'm not a mafia for nothing.

Pagkarating ko sa taas ay agad akong dumiretso sa foodcourt. Ilang sandali ang tinagal ko doon sa foodcourt ng makita ko si Joaquin na parang may hinahanap kaya tinaas ko ang kamay ko para maagaw ang atensyon niya.

Napatingin siya sakin at agad na lumapit.

"Bakit mo ako pinatawag?"tanong niya na inirapan ko naman.

Nagmamadali? May lakad ba ito at atat umalis? Tsk!

"May pag-uusapan tayo. Sa ngayon ay kailangan mo na nating maghinta----"

"Andito na kami."putol ng bagong dating na si Kino sa sinabi ko.

Agad silang umupo ni kuya sa harapan namin ni Joaquin, kami kasi ang magkatabi.

"R-Ryle?"di makapaniwalang tanong ni Joaquin kay kuya.

Ngumisi naman si Kuya sa kanya kaya mas lalong nanlaki ang mata ni Joaquin.

"Ikaw nga! God! Buhay kaaa!!"masaya nitong bigkas at walang pakundaning niyakap si kuya.

Nakangiting naiiling na lang si kuya dahil sa kagagawan ni Joaquin. Tinapik-tapik muna ni Kuya ang likod ni Joaquin bago ito nagsalita.

Make The Mafia's BackWhere stories live. Discover now