Mission 19

2.1K 68 6
                                    


---
"Mommy?"

"Hmm?"baling ko kay Aivan at bahagya siyang tinignan.

Nandito kaming dalawa ngayon sa kwarto habang si Aivonne at Jace naman ay nasa baba. Iniwan ko kasi sila kanina doon. Hanggang ngayon ay nabwibwisit pa rin ako kay Jace. Kung di ko lang iniisip ang mga anak ko ay talagang iiwan ko siya. Ayoko lang kasi na maranasan nila ang di kompletong pamilya. Ayokong lumaki sila na walang ama. Mahirap sa pakiramdam ang di kompleto dahil naranasan ko na iyon.

"The guy a while ago, did they hurt you, mommy?"tanong niya sakin.

"No."

"Then why did you hit the guy?"

"Hmm, it's a long story, baby."

Maobserba at matanong si Aivan. Kung may nakita man siya kanina ay sana makalimutan din niya. Ayoko pa silang mamulat sa  buhay na kinalakihan ko. Ayokong mabuhay sila ng may pangamba.

"Is that long story is related to the raped incident, mommy?"natigilan ako sa itinanong niya.

A-anong raped? D-did Aivan know w-what happened before?

Napaupo ako ng wala sa oras at maging siya ay umupo din.

"Tell me, Aivan. What did you know?"mariing tanong ko sa kanya na niyukuan naman niya. Nilaro din niya ang kuko niya kaya halatang kinakabahan siya. "Aivan..."

"M-mommy...."

Inangat ko ang ulo niya para makita ko ang mukha niya at parang kinurot ang puso ko ng bumungad sakin ang umiiyak niyang mukha.

"M-mommy, I-I heard t-tito Axl and t-tito Joaquin talking a-about you. I-is it true that the d-daddy you introduced to us r-raped you?"para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa tinatanong niya.

Shit! Axl and Joaquin! Hindi talaga sila nag-iingat!

"M-mommy, w-we're not made o-of love. W-we're made of l-lust."

Matalino si Aivan at hindi ko maipagkakaila iyon. Pero paano ko mababago ang isipin niyang iyon kung yun na ang tumatak sa utak niya? Kaya ba hindi niya pinapansin si Jace noon kasi may alam siya sa nangyari?

"Aivan...."napalingon ako sa likod ko ng marinig ko ang boses na iyon.

Si Jace pala habang buhat-buhat niya si Aivonne na umiiyak.

"Don't call me! You are bad! You raped my mommy! You raped her!!"sigaw ni Aivan na ikinabigla ko. Hindi naman iyan sumisigaw kung hindi siya nasasaktan at galit.

"Sssh~ Aivan, stop shouting.."wika ko sa kanya at akmang hahawakan ko na sana siya ng ilayo niya ang kamay niya sakin.

Aaminin ko, nasaktan ako sa ginawa niya. Pero hindi ko naman siya masisisi kung nasasaktan din siya sa sitwasyon niya.

"Don't shout daddy! Your bad, kuya!"

"Don't shout me!"

Ito ang di ko gustong mangyari sa kanilang dalawa. May mga tampuhan naman sila pero ayokong mag-away sila ng ganito.

"Stop it!"suway ko bago ko liningon si Aivan. "Aivan, that's not true. You're not made of lust. You two are made of love."paliwanag ko sa kanya. Dapat magpasalamat sakin si Jace dahil pinapabango ko ang pangalan niya sa anak niyang lalaki. Tsk!

Liningon ko si Jace at purong gulat ang nasa mukha niya. Marahil ay hindi niya inaasahan na iyon ang sasabihin ko kay Aivan.

"Help."I mouthed to him at napakurap-kurap muna siya bago siya kumilos.

Make The Mafia's BackWhere stories live. Discover now