Chapter 3

53 2 0
                                    

Y A S S I E'S POV

Hmm. Ang bango naman ata ng niluluto ng mokong na yun? Pumunta ako kaagad sa kusina tapos nakita ko syang nililipat na yung niluto nya sa platito.

Yung niluto nya ay lasagna. Ohmyghad. Napaka bango.

"Upo nako sa lamesa ah. Pahingi ako ha"

Sabi ko sa kanya tapos bilis bilis akong naupo sa lamesa. Hihi. Kasi hindi ako maalam mag luto e.

Kaya pag andito ako sa condo ko, puro fries lang kinakain ko sa gabi. O kaya naman mag papa deliver na lang.

Ang sama kasi ng lasa pag ako ang nagluluto ih. Feel me?

Maya maya pa dumating na si Blixen tapos nilagay nya na yung plato ko. Kumuha naman ako kaagad ng lasgna tsaka yun kinain. Hmmm. Ang sarapppp.

Sana all marunong magluto. Buti pa sya lalaki pero maalam, e ako kababae kong tao tapos hindi ako maalam magluto-.-

"Chill ka lang, baka mabulunan ka nyan e. Hahaha. "-sabi nya habang natawa.

Di ko naman sya pinansin at nag patuloy lang ako sa pagkain ko. Maya maya pa nag salita na naman sya.

"Isang taon kabang hindi kumain ha? Ang lakas mo kumain e"-sabi na naman nya.

Sinamaan ko lang sya ng tingin. Ayoko kasi ng istorbo pag nakain. Lalo na ngayon na, ngayon lang ako makakakain ng pagkaing tao. Hindi yung puro ready to eat na lang lagi kinakain ko.

Pagkatapos namin kumain ako na nag hugas ng pinggan, nakakahiya kasi sa kanya e nag luto na sya e. Pag ka tapos ko mag hugas naupo na ulit ako sa sala.

"Kanino ka natutong mag luto?"-sabi ko out of nowhere.

Curious lang, kasi ang sarap ng luto nya e.

"Sakin lang"

Oh? E bakit hindi Culinary kinuha nyang course? Haha. Joke. Alam ko namang para sa Family din nya kaya nya kinuha ang course nya ngayon.

Maya maya pa may tanong na naman na gusto kong itanong sa kanya pero tumayo na sya.

"Uwi nako. Bukas ulit"-sabi nya tapos kinindatan nya pa ako bago lumabas.

Aba nangindat pa talaga sya ha.

At tsaka anong bukas ulit? Don't tell me pupunta na naman sya dito bukas after class?

Nakooo. Ginagawa nya na talagang tambayan ang bahay ko.


♡♡♡


Pag ka tapos ng class ko, nag desisyon akong pumunta muna sa super market para mag grocery. Paubos na din kasi stocks ko sa bahay e.

Nag punta na ako kaagad sa super market tapos namili. Bumili ako ng alak ko syempre. Beer at tsaka, tumingin din ako ng dalawang wine. Tapos bumili din ako ng fries at mga canned goods, kasi nga di ako maalam magluto kaya puro ganyan lang.

Tapos bumili na din ako ng dalawang galloon ng ice cream. Para may stock nako. Tapos mga shampoo etc.

Okay naman na akong bumili ng alak. Nasa legal age nako. I'm 19 years old. Kaya okay na okay nako.

Inalalayan naman ako nung guard ng supermarket papunta sa parking lot kasi nga madami akong pinamili. Pinalagay kona lang sa kotse ko lahat.

Pagkatapos dumaan muna ako sa Jollibee para mag drive through. Pagkatapos ay nakauwi na din ako.

Inaayos kona lahat ng pinamili ko ng bigla na namang may nag doorbell. Hayyy. Blixennnn!

"Oh ano na naman?"-bungad ko sa kanya pag ka bukas ko pa lang ng pinto.

Bad Girl X Bad BoyWhere stories live. Discover now