Chapter 32

11 0 0
                                    

Y A S S I E'S POV

"Babes! Kakain na ng lunch. Lumabas ka na dyan! Mamaya ka na matulog ulit"-tawag ni Kurt mula sa labas ng pinto.

"Susunod na ako! Saglit lang. Una na kayo"

Hindi naman na sya sumagot pagkatapos nun, nag simula na naman akong mag pagulong gulong sa malaking kama namin ni Cassie dito.

Hindi ko talaga alam ang irereact ko sa nakita ko. Hays! Mababaliw na ako dito.

After ilang minutes, tumayo na ako at nag punas ng luha. Ipinusod ang buhok at inayos ko muna ang sarili ko bago ako lumabas. Pagkadating ko sa dinning area ay naka tingin silang lahat sa akin. Even Blixen and Sabrina.

Kumaway ako at ngumiti ng pilit. Ang awkward e? Bakit ba sila nakatingin?

"Uhh? May dumi ba sa mukha ko?"-awkward na tanong ko sa kanilang lahat.

Sabay sabay naman silang ngumiti at umiling sa akin. O.... kay?

"Baby! Halika, dito ka na maupo sa tabi ko"-tawag sakin ni Blixen habang nakangiti pa sya. Na akala mo ay walang krimen na ginawa kanina sa room 2. Tsk. Bahala sya dyan.

"Hindi na. Dito na lang ako sa tabi ni Janine. "-sabi ko.

Naupo kaagad ako sa tabi ni Janine at nag simula na din akong kumain. Ang sasarap ng pagkain pero wala ako sa mood, kaya maliliit na subo lang ang nagagawa ko.

I know it's just a freaking hug! But damn, babae din ako no. Alam ko ang mga galawan ni Sabrina, alam kong may gusto sya kay Blixen. Tsk.

Tapos ito namang si Blixen, todo din kung makadikit kay Sabrina. May payakap yakap pa. Ano? Miss na miss te? Ngayon lang ulet nagkita? Tsk.

Natigil naman ako sa pag-iisip ng bigla akong siniko ni Janine, dahil sa gulat ay may nasabi akong hindi ko dapat nasabi---

"Ay malandi!"-sigaw ko nung siniko ako ni Janine.

Napa hawak naman ako sa bibig ko dahil nagulat din ako sa sinabi ko. Lahat naman sila ay napatingin sa akin, parang nagulat din sila sa sinabi ko. Ito kasing si Janine e!

"Ay, hehe-- ano guys, nagulat lang sya. Tuloy lang kayo sa pagkain dyan"-sabi ni Janine.

Hindi na naman nila kami pinansin kaya binatukan ko kaagad si Janine.

"Huwag ka kasing manggugulat? Ano ba yun ha?"-tanong ko sa kanya. Tumawa lang sya tsaka dumila.

"E ikaw naman kasi, tulaley ka na dyan. Alam ko namang pinapatay mo na si Sab sa isip mo. Pero huwag ka namang mag pahalata"-natatawa nya na namang sabi.

Sinamaan ko kaagad sya ng tingin dahil baka may makarinig samin. Hello, magkakalapit lang kaya kami.

"Shut up. Hindi si Sabrina ang iniisip ko"-sagot ko na lang.

Tumawa na lang sya at hindi na sumagot. Kaya naman tumayo na ako, dahil wala naman akong ganang kumain.

Aalis na sana ako pero tinawag pa ako ni Kurt. Hays, abala talaga. Imbis na wala na nga'ng nakapansin e. Busy kasi yung iba sa pagkain at pagchichismisan e.

"Babes? Tapos ka na kaagad? Kumain ka pa. Ang unti unti pa nga lang ng nakakain mo e"-sabi ni Kurt sa akin.

Napakamot na lang ako sa ulo ko. Hays.

"I'm full. Doon na lang muna ako sa veranda. Papahangin. "

Pagkasabi ko nun ay umalis na ako kaagad doon at naupo sa veranda. Hays, ang peacefull dito. Siguro kung wala na akong school na inaasikaso, pwede na ako na dito na lang tumira. Okay na ako dito e.

Bad Girl X Bad BoyWhere stories live. Discover now