Chapter 21

15 2 0
                                    

Y A S S I E'S POV

"K-Kanina kapa ba dyan?"-kabadong tanong ko sa kanya.

"Hindi naman. Bakit? Uuwi ka na ba?"-sabi nya.

Nakahinga naman ako kaagad ng maluwag ng marinig ko yun.

"Yeah. Ikaw, umuwi kana din baka naman makipag basag ulo na naman kayo nina Kurt."-sabi ko.

"Hindi no. Tara date tayo"

"What? Date? Are you serious Blixen?"

"Oo nga seryoso! Mukha ba akong nakikipag lokohan ha? Dali na Yassie, aalis kana bukas e. "-sabi nya sabay pout.

Aish! Ang kyutt.

"Ang OA. Mabilis lang naman ako dun"

"Kahit na! So is that a yes?"

Tumango na lang ako bilang sagot. Hinawakan naman nya ang kamay ko at hinila na ako papasok sa kotse ko.

Oh diba, kotse ko pala ang gagamitin namin. Pero sya ang magddrive syempre.

"Saan ba tayo mag dadate?"-tanong ko habang nag dadrive sya.

"It's a surprise. Matulog kana muna dyan, gigisingin na lang kita kapag andun na tayo"-sabi nya sakin.

"Hoy baka kung saan mo ako dalhin ha!"

"Wow ha Yassie! Wala akong balak!"

Inirapan ko na lang sya at pumikit na. Saan naman kaya kami mag dadate nito? Ganon na ba kalayo para patulugin nya muna ako?

Na eexcite tuloy ako. Kasi kapag nag dadate kami ni Axklien sa mga resto lang palagi tapos sa sea side, tapos ayun finish na.

E ito namang si Blixen, sobrang hyper kaya ayan kung saan saan ata kami makakarating nito. Maya maya pa ay nakatulog na din ako dahil sa antok.

"Hoy yassie gising!!!"

"Yassie andito na tayo!"

"Babatukan kita dyan tamo!"

"Ah hindi ka gigising! Hahalikan kita dyan!"

Napamulat kaagad ako at nakita ang mukha ni Blixen na sobrang lapit sa akin. Halos hindi naman ako makagalaw, kalma heart. Chill ka lang.

Sobrang bilis na ng tibok ng puso ko at kabado na talaga ako kaya itinulak ko na si Blixen palayo.

"Ano ba! Sigaw ka ng sigaw dyan! Natutulog yung tao e!"-sigaw ko habang naunat pa.

"E anong gusto mo matulog na lang?! Edi sana sa condo mo na lang tayo dumiretso?! Kaya nga date diba! May nag date ba ng mag isa?!"-sigaw nya sa akin.

Binatukan ko naman sya kaagad.

"Oona! Ang ingay e! Ang daming sinabi myghad!"

"Bumaba ka na! "

"Oona! Huwag ka ngang sumigaw!"

Pagkababa ko ay isinara ko na ang pinto ng kotse ko, pag harap ko sa unahan ay napatigil na lang ako sa kinatatayuan ko.

Shit. Ano bang ginagawa namin dito?

"B-b-bakit tayo andito?"-tanong ko kay Blixen.

Nag simula na naman syang maglakad kaya hinabol ko sya.

"Malamang mag dadate! Alangang matutulog!"

Inirapan ko na lang sya. Habang bumibili sya ng ticket namin ay tahimik lang ako. Kinakabahan kasi ako. Gago ba tong lalaking to? Sa lahat ng pwede naming puntahan, bakit ito pa?

Bad Girl X Bad BoyWhere stories live. Discover now