Chapter 9

27 2 0
                                    

Y A S S I E'S POV

Naka upo na kaming lahat paikot sa bonfire na ginawa namin dito, hindi kalayuan sa dagat.

Naka swim suit pa din sina Janine, habang yung mga lalaki, may t-shirt ng suot kasi malamig na daw.

Ako naman suot suot ko pa din yung damit ni Blixen na ibinigay nya kanina.

Yung hipon naman na babae ni Blixen ay tingin ng tingin sakin. Nagagandahan ata sakin to e.

"Okay game na guys. Truth or dare, tapos kapag ayaw gawin yung dare. Mag huhubad ng isa sa mga suot nya"-sabi pa ni Janine at tumatawa pa sya habang hawak hawak nya yung bote.

"Are you serious? Naka swimsuit kayo oh? Edi pag hinubad nyo isa dyan, kitang kita na"-sabi ni Kurt.

Oo nga naman no. Buti pa may damit akong pwedeng hubadin. O kaya, hikaw?

"That's the point! Edi kailangan mo na talagang gawin yung dare. Either gagawin mo yung dare, o magpapakita ka ng pem---"

"Yeah yeah, gets na namin. Huwag mo ng ituloy"-sabi naman ni Tristan.

Tumawa na lang si Janine, at tsaka pinaikot yung bote. Lahat kami tahimik lang at tinitingnan kung kanino tatapat yung bote.

At sa huli, kay Tristan tumapat. Tapos yung puwetan naman nung bote ay kay Azyleah.

"So. Truth or Dare?"-Azyleah.

"Dare"-wow confident pa amp sa pag sagot nya.

"Okay. Yung unang dadaang dito na babae, hahalikan mo"

Ngumiti naman si Tristan at parang sinasabing, bæsic. Si Janine naman nakangiti lang din, na para bang sanay na sya sa pagiging babaero ni Tristan. Magsama nga sila ni Blixen.

Nag hintay kami ng dadaan. Nung may dumaan na, akala namin nung una panget. Maganda pala. Pero mas maganda pa din ako.

Tumayo na si Tristan at hinila yung babae, tapos hinalikan nya. Gulat na gulat yung babae pero pagkatapos syang halikan ni Tristan, ngumiti pa sya-.- Akala ko naman sasampalin si Tristan putik.

Pagkaalis nung babae. Nag hiyawan yung tatlong ugok at nag apiran pa. Nag spin na ulit ng bottle si Tristan.

Bigla akong kinabahan, baka kasi kung anong ipagawa nila. But I'm sure, kayang kaya ko yun.

Tumigil yung tip ng bote kay Azyleah, tapos yung dulo naman na kay Kurt.

"Truth or Dare?"

"Umm. Truth"

"Weak"-bulong ko naman sa kanya. Sinamaan lang naman nya ako ng tingin.

"Okay. Bakit mo ako pinaasa noon na may chance ako sayo, pero wala naman pala?"

Halos lahat kami ay nagulat sa tinanong ni Kurt. Hala, bakit hindi ko alam yon? Kahit si Azyleah ay gulat na gulat.

Hindi nya siguro ineexpect na itatanong yun ni Kurt sa kanya. Matagal bago sya nakasagot, kaya tahimik lang kami.

"I-I'm sorry. I like you until now, but hindi sya sapat para sagutin kita. Hindi ko gustong sabihin na I love you, para lang sumaya ka. Kasi gusto ko sasabihin ko lang yun sayo kapag totoong mahal na kita. P-pero, for now. I like you"-namumula naman si Azyleah habang sinasabi nya yan.

Si Kurt naman nakangiti parang ewan.

Hindi ko to alam. Nag tatampo ako kay Kurt, pero dahil sa Azyleah naman pala ang pinopormahan nya. Ay nako. Botong boto ako no.

Bad Girl X Bad BoyWhere stories live. Discover now