Chapter 44

10 2 0
                                    

Y A S S I E'S POV




"GO GUYSSS!! DURUGIN NYO YAN SINA RIBO!!"-malakas na sigaw ni Cassie habang may hawak hawak pang banner na nakasulat ay 'go papabols'.

He's refering kina Blixen. Haha, natatawa na lang talaga ako dahil kung makapag cheer kami dito akala mo naman finale na.

"Go baby!"-sigaw ko rin, dahilan para matigil si Blixen at tumingin sa akin sabay kindat.

Nag tilian tuloy si Janine at Cassie dito sa tabi ko with tulak tulak pa. Namumula na tuloy ako dito.

"Wow naman gurl! Ikaw na!"-sigaw ni Janine sa akin. Tawang tawa tuloy kaming tatlo.

Ipinasa ni Kurty kay Blixen yung bola, tapos ay nilagpasan ni Blixen si Jaxon sabay dunk. Like omyghad. That was so hot. Hindi ako agad nakapag cheer dahil ang hot nya mga prends.

Natulo na ata laway ko, pawis pawis pa sya na lalong nakakapag pa hot sa kanya.

"Huy ysa! Tapos na raw! Nakanganga ka pa dyan! Tara tara kina Kurt kakaen"-sabi ni Janine habang hinihila ako.

Dire diretso kaming naglakad papalapit kina Blixen na kanina pa pala kami hinihintay, andun na din nga si Cassie katabi si Peter e. Nakooo, I smell something fishy.

"Ano besty? Tulaley ka na dun, tulo laway pa. Bakla ka, tara na nga! Hoy peter pasabay ako ha!"-demanding na sigaw ni Cassie kaya naman napapa tawa na lang si Peter habang tumatango.

Umalis na din sina Kurt at Janine, sila ang magkasabay e. Tapos si Jaxon naman at Ribo ang magkasabay. Tapos syempre, kami ng bebelabs ko. Na pawis na pawis ngayon, pagkasakay namin sa kotse ni Blixen ay agad kong kinuha yung bag ko sa harap at hinanap yung panyo ko dito.

Nagsimula ng mag drive si Blixen habang kinekwentuhan ako ng tungkol sa laro daw nung tatlo (Jaxon, Peter, at Ribo) Parang hindi pa daw sya satisfied, kaya mamaya daw ay kakausapin nya yung tatlo kasama si Kurt.

Hindi ko naman sya pinapansin dahil busy ako sa paghahanap ng panyo sa bag ko.

Finally! Nahanap ko na din! Agad akong humarap kay Blixen na ngayon ay nag ddrive, dahan dahan kong pinunasan ang mukha nyang pawis na pawis.

Medyo nagulat naman sya napa harap ng bahagya sa akin. Ngumiti ako agad at nag patuloy sa pagpupunas ng pawis nya.

"Ang sweet mo naman, kinikilig naman ako masyado. Thank you baby"-sabi ni Blixen habang nag ddrive.

Lalo tuloy lumawak ang ngiti ko dahil sa kanya.

"Haha, kilig ka na naman. Always welcome, may dala ka bang extra shirt? Pawis na yung jersey mo"-sabi ko, umayos na ako ng upo dahil tapos ko na syang punasan ng pawis e.

"Wala ih, akala ko kasi uuwi din agad pagkatapos ng training. Yun pala, papakain si Kurt"-sagot nya.

"Ganun, okay. Ihihiram na lang kita ng shirt kay Kurty mamaya"

"Oh sigee. Salamat. Bukas na start ng practice nyo no?"-tanong nya, medyo malapit na rin kami kina Kurty.

Tumango ako bilang sagot, oo bukas na nga medyo hassle nga kasi nagmamadali na kami ngayon dahil kakaunting linggo na lang ang natitira sa amin. Pero kering keri yon.

Pagkapark ng kotse ni Blixen sa harap ng mansion nina Kurt ay lumabas na kami kaagad at pumasok sa loob, andun na silang lahat at mga prenteng nakaupo sa sofa. Agad kaming lumapit at nakiupo.

"Sure ka hindi na kailangan ng tulong ng chef nyo?"-tanong ni Janine.

"Oo nga Janine, chill. Kaya nya na yan, trust me guys masarap magluto yan. Tagal na nyang family chef namin"-proud na sagot ni Kurt.

Bad Girl X Bad BoyWhere stories live. Discover now