Chapter 28

11 0 0
                                    

Y A S S I E'S POV


Kasalukuyan ako ngayong nasa field at binubunot ang mga damong nasa harapan ko. Tsk! Iniwan kasi ako ni Blixen dito dahil may pupuntahan lang daw sya, tsk.

If I know, yung By nya yon. Edi magsama sila. Umoo na lang ako kasi ayoko namang ipahalata sa kanya na nagseselos ako or what.

Kapag siguro nakita ko kung sino yung By nya na yun, baka hindi na ako makapag pigil at dambahan ko na lang yon. Tsk.

Epal epal naman kasi e, kung kelan okay na kami ni Blixen. May bago na namang dadating na epal.

"Balak mo bang ubusin lahat ng damo dito?"

Napatingin naman ako sa nagsalita at nakita ko si Cassie na tumatawa. Umupo sya sa tabi ko kaya napairap na lang ako, ano bang pakielam nya?

Close ba kami? Epal e.

"Wala akong oras para makipag plastikan sayo"-sagot ko sa kanya tsaka tumingin sa malayo.

Narinig ko naman ang pag tawa nya sa tabi ko at hinampas pa ako.

Aba teh? Over na ang pag ka feeling close mo?

"Hindi ako andito para makipag plastikan. Gusto ko lang sana makipag friends. As in totoong pakikipag kaibigan na. "-sabi nya.

Kaya napatingin ako kaagad sa kanya. Nanlaki naman ang mga mata ko dahil sa sinabi nya.

Magugunaw na ba ang mundo?

"Kung may pinaplano ka na namang gawin sakin para mapaglayo kami ni Blixen. Uunahan na kita, hindi ka mananalo sakin. Kaya tigilan mo ako sa inoofer mong friendship na yan"-sabi ko lang tsaka sya inirapan.

Tumawa na naman sya dahil sa sagot ko. Happy si Cassie.

Birthday nya ba?

"Hay nako quinn, tama nga si Tristan sa sinabi nya. Mahirap i-gain ang trust mo. But seriously, narealize ko na din yan e. Na hindi naman talaga ako mananalo sayo e. So why bother na makipag compete? Besides, madami pa namang ibang lalaki dyan siguro nga hindi kami meant to be ni Blixen."-sabi nya pa tsaka pumikit at parang may mga inaalala.

Si Cassie ba talaga to? Baka naman nag shashabu na din to?

"At kelan mo pa naging close si Tristan aber? "

"Last week lang, sya kasi yung nag papayo sakin na tigilan ko na daw si Blixen. Dahil hindi ko naman daw pwedeng ipagpilitan ang sarili ko habang buhay sa taong hindi naman ako gusto. Matuto daw akong pahalagahan yung sarili ko. Sinabi din nya sakin na, lahat ng tao may magiging kapartner sa future. I just need to wait for the right person for me. Hindi yung mang-aagaw ako ng sa iba"-sabi nya pa tsaka tumawa na naman.

Confirm, adik nga.

Pinigilan ko man ang sarili ko ay natawa na din ako dahil sa narinig ko. Hahahaha. Seryoso? Kelan pa naging love guru si Tristan?

"Seriously si Tristan? Expert na ngayon sa ganyan? Haha. I can't even imagine him saying that"-hanggang ngayon ay natatawa pa din ako.

Tumingin naman sa akin si Cassie at nakitawa din. Weird man pero, tumatawa kami pareho ni Cassie dito.

"Yeah right. Nagulat din ako. Pero kapag kasi sa kanya mo na narinig, parang nahyhypnotize ka. At marerealize mo na lang na tama pala sya. At mali yung ginawa ko, so ayon. Sabi nya makipag friends daw ako sayo at huwag na daw akong makiepal sa love life nyo. Mas masarap ka daw kasing kaibigan kesa kaaway"-sabi nya sabay ngiti.

"Are you really serious about that friendship thingy?"-tanong ko habang nakataas ang kilay.

Kino confirm ko lang baka kasi mamaya pinaprank lang pala ako nito, at baka bigla akong sabunutan haha!

Bad Girl X Bad BoyWhere stories live. Discover now