Chapter 27

10 1 0
                                    

Y A S S I E'S POV


Nang makita ko ang pagsenyas ni Tristan ay nagsimula na akong mag sayaw. Actually, hindi pa talaga ito yung pinaka step na gusto kong mangyari. Parang patikim pa lang to, habang nag dedecide pa kami ng gagawing step talaga.

Yeah. It's been a week, simula nung nag dinner ako sa bahay nina Blixen. At masaya, ang saya ng family nila sana ganon din kami.

Pagkatapos kong sumayaw ay nag palakpakan ang ibang ka club ko pati yung mga nanonood. Napangiti na lang ako ng makita kong may banner na hawak si Blixen, tapos naka lagay 'Go baby Yassie!' Kinikilig na naman ako sa kanya.

"Ysa, doon sa steps, okay ako doon sa iba. Pero yung iba papalitan natin. Kukuha tayo sa iba pang choreographer, baka may mas maganda silang maisusuggest. Suggest ko lang Ysa, huwag kang mag papa distract habang nag sasayaw ha? Stay focus sa gimagawa mo. "-sabi ni Tristan kaya tumango tango ako tsaka ngumiti.

"Ilang araw mo ba itong pinag-isipan? Medyo napangitan ako sa ibang steps, dapat mas pinag isipan mo. Kasi contest itong sasalihan natin e, hindi basta kung ano. Pero yung ibang steps, na amaze ako. Yun nga lang, kinulang talaga Ysa. Pero gagamitin pa din natin yung iba dyan. Thank you so much, huwag ka sanang ma offend"-sabi nya ulit tapos tumayo sya at umakyat sa stage tsaka ako niyakap at bumulong.

"You did great. Sobrang nakatulong ka sa pag buo ng steps"-bulong ni Tristan sa akin kaya ngumiti ako tsaka din sya niyakap.

"Hoy tristan! Bitawan mo nga yang baby ko! Sobra na yang yakap mo ah!"-sigaw ni Blixen galing sa audience kaya natawa kami ni Tristan pati yung ibang mga nanonood.

Bumaba na ako ng stage at lumapit sa kanila. Si Janine ay tinapik tapik pa ako.

"Ang galing mo talaga Ysa! Paturo nga ako kung pano yon!"-sabi ni Janine habang tumatawa.

Sira talaga. Napa iling iling na lang ako sa kanya.

"Ang tigas kaya ng katawan mo hahahaha"-sabi ko sa kanya kaya natawa na din pati si Kurt.

"Ysa, pakain ka naman dyan"-sabi ni Kurt sabay pout sa akin.

Hindi na nya ako tinatawag na babes kasi nga nagagalit si Blixen.

Sasagot pa sana ako ng makita ko si Blixen na tumatakbo papunta sa direksyon namin. Hindi kasi nya kasama sina Janine, dun kasi naka pwesto si Blixen sa may unahan para daw support na support nya ako. Haha baliw talaga.

Pagkalapit nya agad nya naman akong hinila at niyakap. Pakiramdam ko nag taasan lahat ng balahibo ko sa katawan, lalo na nung hinalikan nya ako sa noo. Shit, kalma heart.

Narinig ko naman yung ibang tao dito sa gym na nag tilian at ang iba ay may kanya kanya comments pa, pero hindi ko na lang yon pinansin at kay Blixen na lang tumingin.

"Congrats babyyyyy"-sabi nya pa pagkatapos nya akong halikan sa noo.

Sasagot na sana ako pero binatukan ako ni Janine.

"Problema mo?!"-sigaw ko sa kanya tapos babatukan ko din sana sya pero umiwas sya.

"Harot harot kayo pareho"-sabi nya sabay tawa.

"Wala ka lang love life e. Hayaan mo na nga sila dyan, tara dun sa crush mo"-sabi ni Kurt tsaka hinila si Janine papunta sa unahan, kay Tristan.

How did he know? Nevermind.

"Bakit ba baby tawag mo sakin? Akin na yang banner mo. Iuuwi ko to. Ang kyutt e"-sabi ko sabay hila ko nung banner.

Bad Girl X Bad BoyWhere stories live. Discover now