Chapter 13

24 2 0
                                    

Y A S S I E'S POV

Naglalakad na ako papunta sa parking lot ng condo ko, pero bigla namang may humarang sa harap ko. Si Blixen.

"Sakin ka sasabay, get in the car"-sabi nya tapos nauna na syang pumasok sa kotse nya.

Wow ha, napaka gentle man ah?

Pumasok na lang din ako sa kotse nya at tsaka kinuha yung coffee sa harap. I'm sure naman na para sa akin to, meron din syang fries na kasama.

Yea. It's monday, kahapon kasi wala namang ganap. Mag hapon lang ako sa condo unit kasi busy si Janine hindi kami makapag club.

Si Blixen naman hindi pumupunta, kasi kasama nya daw family nya tuwing sunday. Nakakainggit nga e. Sana kami din ng parents ko ganon.

"Oh? Agang aga naka simangot ka na naman. "-sabi naman ni Blixen habang pasulyap sulyap sya sa akin habang nagddrive sya.

"Nakita ko kasi yung mukha mo kaya ayan, na bad mood ako"-biro ko sa kanya.

Hindi ko na lang sinabi ang totoo, kasi ayoko namang magdrama sa kanya ulit. Sa harap nya, napaka drama ko na. Dadagdagan ko pa ba?

"Sa gwapo kong mukha? Na bad mood ka? Aba, kung ibang babae yan baka nagkikisay na sila"-pag yayabang nya pa sakin. Tinaasan ko naman sya ng kilay.

"Sorry ka na lang, ibang babae ako e"

Tumawa na lang kami pareho, at tumahimik. Ininom ko na lang yung coffee na binili nya, kaso hanggang sa makarating kami sa parking lot ng school hindi pa ubos yung coffee kaya dadalhin ko na lang to sa room.

Pati nga yung ibang chocolates na bigay ni Blixen nung saturday sakin, nasa bag ko pa. Ang lalaki kaya, nakakaumay na minsan.

Pagkababa namin ng kotse, nakita ko agad si Axklien na pababa din ng kotse nya. Dito na din kasi sya nag-aaral, pero hindi ko alam kung anong course nya. At wala akong balak alamin.

Sakto naman at napatingin sya dito, kaya nginitian ko sya ng bonggang bongga. Lumapit naman sa akin si Blixen, at hinawakan yung kamay ko tapos naglakad na kami papasok sa school.

"Huy, bakit mo ba hawak yang kamay ko ha? Pinapaalala ko lang ha, nanliligaw ka pa lang. Hindi pa kita sinasagot"-sabi ko sa kanya tapos pinipilit kong tanggalin yung kamay nya sa kamay ko.

Pero ayaw nyang bitawan talaga. Napa poker face na lang ako.

"Doon din naman pupunta yun e. At yassie ikaw, umayos ka ha. Ayokong nakikipag usap ka sa Axklien na yon."-sabi nya pa. Problema neto? Hindi na lang ako umimik.

Holding hands kaming naglakad sa hallway. At grabe makatingin samin yung mga schoolmates namin.

For sure, pinapatay na nila ako sa isip nila. Edi mag papatayan kami, tsk. Ang aarte nyo kasing lahat kaya hindi kayo magustuhan nina Blixen e.

Bago pa kami makarating sa classroom ay humarang na samin si Cassie. Ugh, this girl.

Hindi na ba to nadala sa mga pagpapahiyang ginawa ko sa kanya? Gusto nya ba ulitin ko pa?

"Blixen, alam kong hindi pa kayo nitong babaeng to. Nililigawan mo pa lang sya right? Oh c'mon, napanood ko sa facebook yung video nyo sa MOA kahapon. C'mon Blixen, bakit ka pa ba nag aaksaya ng panahon sa babaeng to? I'm sure iiwan mo din naman sya kapag nakuha mo na yung gusto mo sa kanya"-nagtatawang sabi pa ni Cassie.

Ohh. Naka post na pala kaagad yung nangyari sa amin sa time zone? Bilis nga naman ng chismis.

Sasagot na sana ako. Pero hinigpigan ni Blixen ang hawak sa kamay ko at sya ang sumagot kay Cassie.

Bad Girl X Bad BoyWhere stories live. Discover now