Chapter 18

15 2 0
                                    

Y A S S I E'S POV

Pagkalabas ko ng condo ko, medyo naninibago ako kasi wala si Blixen na sumusundo sakin para sabay kami pumuntang school. But nevermind, baka sinusundo nya si Cassie e.

Pagkadating ko sa school, sinenyasan ko na kaagad si Janine. At nag thumbs up naman sya sa akin.

Napa ngiti na lang ako. Naglakad kami papunta sa mga lockers, at naupo malapit doon.

"Punong puno, katulad ng inutos mo"-pagkasabi nun ni Janine, napangiti ako lalo ng malapad.

Inabutan ko sya ng alcohol para malinis ang kamay nya.

Maya maya pa, ay nakita ko na si Cassie kasama yung dalawa nyang kaibigan na papunta sa locker nila.

Hinawakan ko ang phone ko, na parang inosente ako at walang ginagawa.

"Ahhhhh! Oh myghad!! Alisin nyo yan! Alisin nyo! Yah!!!"

Maya maya pa ay nag sisigaw na si Cassie doon pati ang mga kaibigan nya. Ngumiti ako ng malapad, at tumayo nag simula na akong maglakad pabalik sa room.

Simula pa lang yan, Cassie. Don't mess with me.

Pagkapasok ko pa lang sa room ay andoon na si Kurt at Blixen. Naupo na ako sa tabi ni Blixen pero hindi ko sya iniimikan. Nag dodoodle lang ako sa upuan ko.

"Yassie, pumasa ka daw. Congrats. Yung kahapon pala---"bago pa maituloy ni Blixen ang sasabihin nya ay nag salita na ako.

"It's okay. I don't need your explination. Nga pala, si Cassie andun sa baba. May naglagay kasi ng ipis at daga sa locker nya, puntahan mo kawawa naman e"-sagot ko ng hindi tumitingin sa kanya.

Maya maya pa, tumayo si Kurt at si Blixen sabay lumabas sa room. Napangiti na lang ako ng mapait, pinuntahan nga nila.

But it's okay, mukha naman kasing kailangan talaga ni Cassie ng tulong dahil sa ginawa ko. Nag sisimula pa lang ako, Cassie.

Pagkatapos ng class namin, dumiretso kaagad kami ni Janine sa room ni Cassie. Tapos na din ang class nila at naglalabasan na, inantay naming makalabas si Cassie bago kami pumasok.

"Is everything ready?"-tanong ko dun sa kaklase ni Cassie na inutusan ko.

"Okay na quinn, si Cassie na lang ang kulang"-sagot naman nya.

Nginitian ko sya at umalis na kami ni Janine doon, pumunta na kami sa cafeteria para kumain. Naabutan naman namin sina Blixen na nag uusap usap.

"Grabe naman yung gumawa nun, may patay pa na daga pa. Kaya sobrang baho"-sabi ni Tristan habang nakain kami.

Iniiwasan kong huwag ngumiti, dahil baka mahalata pa kami. Habang si Janine naman ay nakikipag kwentuhan din, na akala mo'y inosente sya.

"Oonga e, sino kayang gumawa nun? Siguro napaka laki ng kasalanan nun ni Cassie don"-sabat naman ni Janine.

"Kahit na, dapat hindi nila ginawa yun kay Cassie. Takot na takot yung tao"-sagot naman ni Blixen.

Napairap na lang ako habang nakain. Nawawalan na nga ata ako ng gana dahil sa mga naririnig ko e.

Sumandal na lang ako sa upuan ko, nang kami na ni Blixen ang maging topic.

"Bakit parang hindi kayo nag papansinang dalawa?"-tanong samin ni Kurt.

Nasamid naman kaagad si Blixen ng marinig yun.

"Ganito talaga kami. What's new?"-tanong ko na parang walang nangyayari.

Bad Girl X Bad BoyWhere stories live. Discover now