Chapter 40

16 1 0
                                    

Y A S S I E'S POV


Nung paakyat na ako sa hagdan ay nakasalubong ko si Sabrina, medyo nataranta ako dahil sa nangyari sa kanya kahapon.

Pero dahil no choice naman ako ay nagtuloy tuloy pa din ako sa pag-akyat. Kung titingnan mo sya ng malapitan ay halatang umiyak talaga sya ng bonggang bongga dahil namumugto ang mga mata nya. Namumula din ito, na tila kinusot ng maraming beses.

Nang magkadanggil ang mga braso namin akala ko ay magsasalita sya at sasabihing hindi pa sya tapos, babawiin nya pa sakin si Blixen. Pero walang salitang lumabas sa bibig nya.

Hanggang sa tuluyan na syang makababa at mawala sa paningin ko, wala pa din syang sinasabi. Nakakapanibago.

Dumiretso kaagad ako sa kwarto namin ni Cassie at nagulat ako dahil nakita ko doon si Blixen na prenteng nakahiga. Wow ha.

"Anong ginagawa mo dito? Wala naman dito si Cassie, nasa baba"-wika ko, naupo na rin ako sa tabihan nya.

"Sino bang may sabing si Cassie ang pinunta ko dito?"

"Eh bakit ka dito dumiretso? E nasa baba naman ako kanina"-sabi ko.

Totoo naman kasi, lahat ay nasa baba. Maliban kay Sabrina at Blixen. Akala ko nga ay magkasama na naman sila. Pero andito naman pala si Blixen sa room 1.

Alangan namang galing din dito si Sabrina? E alam naman nyang room namin to ni Cassie.

"E ang ingay ingay kasi nila sa baba. Isa pa, gusto kitang makausap ng tayo lang dalawa"-sambit nya, tapos ay naupo sya ng maayos at tsaka ako hinarap.

"Problema mo na naman?"

"Wala. I just want to ask you if you can come with me sa  susunod na training namin?"-tanong nya tapos nag puppy eyes pa sya.

Natawa na lang ako tsaka ko sya sinampal ng pabiro.

"Yun lang? Akala ko naman kung ano. Of course I will"-sagot ko habang nag tatawa.

Ngumiti naman sya sa akin ng pagkatamis tamis. Hay, nakakain-love naman lalo yung mga ngiti nya.

"Thank you. Ibinalita na ba sayo ni Kurt? "

"Ang alin?"-takang tanong ko.

"Wala na ang Bad Boy. Binuwag ko na"-sagot nya sabay ngiti.

Nagulat naman ako, what? Yung gang nya wala na? How? Why? Damn, sa pagkakaalam ko ay 4years na ang gang nilang iyon. Bakit nya binuwag?

"Bakit? Bakit mo binuwag?"

"Kasi, naisip ko na hindi naman namin kailangan ng gang para matawag kaming bad boys. At isa pa, hindi namin kailangang makipag basag ulo para lang ipakita na malakas kami. Sapat na samin yung kahit walang gang, basta pamilya pa din kami. Mag tutulungan pa din kami, walang iwanan sa ere"-litanya nya.

Napatango na lang ako dahil doon. Tama naman sya. Should I do the same? No Ysa, masasayang ang lahat kapag ginawa ko yun sa Bad chicks. Hindi pwede.

"Besides, napansin ko din na madami lang nasasaktan dahil sa gang. Yung para bang mga manok na pinagsasabong ganon. Kapag may away, rambol kami. Ganon ba. Basta ayun, naiisip ko din ang mga members ko syempre. "-dagdag pa ni Blixen.

Tumango na lang ako tsaka ngumiti. Hindi ko kasi alam ang isasagot ko. Feeling ko natatamaan ako e, ganun na ganun din kasi ang ginagawa ng gang namin. Nakikipag away. Away dito, away doon.

Tama ba yun? Hindi ko rin alam. Mag ti- 3 years na ang Gang, at pakiramdam ko kapag binuwag ko ito ay masasayang lang lahat. Naguguluhan na kasi ako.

Bad Girl X Bad BoyWhere stories live. Discover now