Chapter 8

27 2 0
                                    

Y A S S I E'S POV

"Yea, i already know that kuya mikael. Matanda na ako. Kaya ko na ang sarili ko. Basta sabihin mo na lang kay mama at papa to."

(Yeah, yeah, yeah, ano pa nga bang magagawa ko? Mapipigilan ba kita ha?)

"Actually, no"

(See. Basta itext mo na lang ako kapag nag karoon ka ng problema don ha. Pag kauwi nyo dito, pupuntahan kita agad sa condo mo)

"Okay bye kuya"

Inend call ko na at nagbihis na ako. It's 5am in the morning. Maaga daw kasi aalis para bumyahe, mahaba kasi ang byahe papuntang laguna.

Maya maya pa may nag doorbell na, kinuha ko na ang gamit ko at lumabas. Si Kurt. Tinulungan nya akong buhatin yung mga gamit ko at inilagay sa likod ng Van.

Pagpasok namin sa Van. Srsly? Si Tristan ang mag dadrive, katabi nya si Janine sa passengers seat. Tapos si Kurt at si Azyleah. Well, hindi ako nainform na kasama pala sya.

Tapos si Blixen sa pangalawang upuan, tapos dun sa pangatlong upuan. May mga gamit! Nananadya ba tong mga to?

Napairap na lang ako umupo sa tabi ni Blixen na naka earphones. Maya maya pa, inabutan ako ni Kurt ng coffee. Galing starbucks.

"Yis naman Kurt, naaalala mo pa pala ang mga gusto ko?"-natatawa kong sabi.

"Hindi yan sakin galing, kay Blixen"-sagot naman ni Kurt.

Napatingin naman ako kay Blixen dahil don.

"Oh shut up kurt. "-sya? Bibigyan ako ng coffee? Anong nakain nito?

"What? Inumin mo na nga lang yan. "-mataray na sabi pa ni Blixen.

Tapos pumikit. Ang taray taray naman nitong lalaking to!

"Oo na! Para kang may menstruation e"

Hindi na lang nya ako sinagot at tsaka hindi umimik. Edi sa Azy na lang ang dinaldal ko. Nasa harapan ko lang naman sila ni Kurt e.

Maya maya pa, tumahimik na kaming lahat. Hindi ko naman maiwasan na titigas si Blixen habang natutulog at naka earphone pa.

Yung buhok nya maganda, kasi may ahit sa tabi. Pati nga kilay nya may ahit e. Adik talaga.

Yung mukha nya naman, kulay brown na mata. Matangos na ilong. At nakakapag taka, kahit na nag yoyosi sya. Kissable pa din ang lips nya.

Hindi ko naman na napigilan ang sarili ko at hinawakan ko yung buhok nya. Nilaro laro ko yun hanggang sa marealize ko na ang tanga tanga ko. Inalis ko na kaagad yung kamay ko at tumingin sa unahan.

Nagulat naman ako ng hinawakan nya ang kamay ko at ibinalik sa buhok nya.

What the? Akala ko ba tulog sya?

"Ituloy mo lang yung ginagawa mo kanina"-sabi nya pa at pumikit na ulit.

Hindi naman ako makapag salita. Sigee, iisipin ko na lang na bayad ko to sa coffee na bigay nya kanina.

Nilaro ko lang ng nilaro ang buhok nya hanggang sa mapagod ako, at inantok. Papikit na ako pero bigla naman akong hinila ni Blixen, at ipinatong yung ulo ko sa balikat nya.

Ang hilig nya talagang mang hila! Pwede namang sabihin ng maayos. Pero hindi na ako umimik at natulog na lang sa balikat nya. Inaantok na talaga ako e.

"Huy! Lovebirds! Gumising na kayo! Andito na tayooooo!"

Sigaw naman ng sigaw ang lalaking yun. Sarap sarap ng tulog ko e. Pagkamulat ko naman ng mata ko, srsly?!

Bad Girl X Bad BoyWhere stories live. Discover now