Chapter 19

13 1 0
                                    

Y A S S I E'S POV

"Paano ba yan? Panalo na naman tayo! Hahahaha!"-sigaw ni Janine habang nasa tambayan kami.

Medyo mga lasing na din kami, dahil nga nag iinom kami kasi panalo ang team namin sa laban kanina sa forest.

Ano pa bang bago? E palagi naman kaming panalo.

"Kaya tayo pinapatumba ng iba e, wala kasi silang magawa kapag harapang labanan. Kaya ayan, patalikod nila tayong kinakalaban"-sagot naman ni Azyleah.

"Okay lang yan guys. Ang mahalaga, hindi tayo nag papahila pababa"-sabi ni Janine.

"So, cheers ulit?"-itinaas ko na ang beer ko at nakipag cheers naman sila sa akin.

Pagkatapos ng inom na yun, napahiga na lang bigla silang lahat. Maliban kay Azyleah. Lahat sila bagsak sa sahig, mga lasing.

"Hahaha look ysa, lasing na din ako. Pero kaya ko pa. Teka kukuhain ko pa yung wine, kaya ko pa e"-sabi ni Azy, tumayo na sya at lumakad na papunta sa ref namin dito sa tambayan.

Napatawa na lang ako, lasing na din ako. Pero kasi, hindi naman ako naglilikot. Kaya hindi ako masyadong nahihilo, ito kasing mga to nag sasayawan pa kanina kaya ayan. Bagsak.

Pagbalik ni Azy hawak hawak nya na yung wine. Nilagyan nya yung baso namin pareho at nag patuloy ang inuman, kung ano ano na ngang sinasabi nya sa akin e. Lasing na talaga.

"Alam mo Ysa, mahal ko naman si Kurt e. Kaso hindi ko lang talaga matitiis na nakikita syang nakikipag basag ulo. Alam mo bang hanggang ngayon nakikipag suntukan pa din sila sa grupo nina Brendt? Pasalamat sya mahal ko sya kahit walang kami"-sabi sakin ni Azy.

Bago pa ako makapag react sa sinabi nya ay dinambahan nya na ako at niyugyog ako.

Ayan, salamat sayo azy. Tuluyan na akong mahihilo nito.

"Mahal ko sya ysa! Pero ayaw nya naman ulit manligaw! Huhu! Sasagutin ko na naman sya e! Bakit ganon?! May bago na ba syang gusto?!"-sigaw sakin ni Azy.

Hindi ko naman sya maitulak paalis sa harapan ko kasi nanlalambot na din ako e. Nanatili lang syang naka dag-an sa akin.

"Mahal ko sya Ysa, sana ako pa din"-pagkasabi nya nun, bumagsak na din sya sa sahig at nakatulog.

Salamat naman, ang bigat nya kaya!

Gusto ko na ding mahiga at matulog, pero ayoko naman dito matulog kasi may pasok ako bukas. Kailangan kong umuwi. Hinila ko naman si Janine para gisingin.

"Janine! Wake up! Uuwi na tayo!"-sigaw ko sa kanya habang inuuga ko sya.

Tinabig nya lang ang kamay ko at dumapa ng higa. Aba gago to ah? Hindi ako pinansin. Hala bahala nga sya dyan.

Kahit hirap ako maglakad ay nakarating pa din naman ako sa kotse ko. Nag dadrive na ako pabalik sa condo, ng may madaanan akong 7/11.

Itinigil ko ang kotse ko at bumaba. Bumili ako ng chocolate at naupo sa upuan dito sa 7/11.

Sana naman magising ako dito. Nakakailang kagat pa lang ako ng chocolate ng tamaan na talaga ako ng antok. Umub-ob ako sa lamesa dito at pumikit.

Wala pang ilang minuto, may umupo na sa tabi ko. Nag-angat kaagad ako ng tingin.

"It's 12 in the midnight yassie. Umuwi na tayo. "-sabi nya, hinawakan nya ako sa braso at itinayo.

Itinulak ko sya ng dahan dahan. As in dahan dahan lang talaga, dahil nanghihina na din talaga ako kaya wala na akong energy.

Bad Girl X Bad BoyWhere stories live. Discover now