Chapter 34

8 0 0
                                    

Y A S S I E'S POV


Pagkagising ko pa lang, ay bumaba na ako kaagad para uminom ng kape. Ang aga aga ko nagising ngayon at nagugutom na ako.

Pero ng magising ako ay wala na si Cassie sa tabi ko. Pagdating ko sa kusina ay naabutan kong nagluluto doon si Cassie kasama si Kurt.

"Goodmorning."-bati ko sa kanila.

Dumiretso kaagad ako sa harap at nag timpla ng kape.

"Good morning besty"

"Morning babes"

Ngumiti ako pagkatapos ay naupo na ako sa stool bar at doon nagkape. Pinapanood ko lang sila habang nag luluto. Ugh, ang bango shet. Lalo tuloy akong nagugutom.

"How's your sleep? Comfortable ka naman ba? Hindi naman ako malikot matulog diba?"-natatawang tanong ni Cassie, pagkatapos nilang magluto ay tinulungan ko na silang mag-ayos ng mesa.

"Nope. Hindi naman. Very comfortable"-sabi ko sa kanya.

Ngumiti sya at tsaka sya umakyat para gisingin ang iba.

Naiwan kami ni Kurt dito sa dinning area na nakaupo sa hapag kainan. Walang nag sasalita samin, hindi ko alam pero parang may gustong sabihin sa akin si Kurty.

Tumingin ako sa kanya at sakto nakatingin din sya sakin.

"Spill"-sabi ko.

"H-ha?"

"Alam ko may gusto kang sabihin"-sabi ko.

Tumango naman sya at tsaka huminga ng malalim.

"Alam kong nagseselos ka kay saby. But don't worry, I'm not mad. Masyado na din kasi syang nagiging clingy kay Blixen. At nakikita ko kung paano ka magreact don."-sabi nya.

Nagulat naman ako kaagad dahil sa sinabi nya. Am I too obvious? Shit.

"I-I'm sorry if I'm being to harsh to your childhood friend. But I have reasons"-depensa ko sa sarili ko.

Baka kasi maisip nya na kinakawawa ko naman masyado yung friend nya simula bata.

"No, It's okay. Besides, may napapansin na din naman ako matagal na kay Saby e. Sabi na nga ba may gusto sya kay Blixen e"-sabi ni Kurty habang naiiling iling pa.

"W-what do you mean?"-kabadong tanong ko.

Pero hindi na sya nakasagot dahil nakakarinig na kami ng footprints na papalapit sa amin. Kaya naman sinenyasan na lang nya ako ng 'talk to you later'. Kaya tumango na lang ako.

Maya maya pa ay nag datingan na nga silang lahat, katabi ko ngayon si Kurty sa left at sa right ko naman ay si Janine. Sa harapan ko, si Blixen na katabi si Sabrina.

Psh. Bahala sila. Edi sila na magkatabi. Bwiset.

Nagdasal muna kami bago kumain, pagkatapos ay chibugan na! Nag simula na kaming kumain, at sobrang ingay! Halos lahat ay sabay sabay nagsasalita at nagkekwentuhan. Kaya naman umiingay lalo.

Ah bahala sila dyan, basta ako kakain lang ako. Ham and egg at tsaka brown rice ang pagkain namin for breakfast e. Kaya naman sobrang sarap ng kain ko hehe.

"Oonga! Ang ganda nga non!"

"Hala! Bakit hindi ko pa yun napapanood?!"

"May bagong showing ngayon ah!"

"Tara manonood pagbalik natin!"

"Geeeee!"

Binging bingi na ako sa sigawan nila. Kani-kanilang komento ang naririnig ko. Tapos ito namang mga mokong, kung ano-ano ding pinagkekwentuhan. Pa-sigaw pa sila kung magkwentuhan. Kasi naman, magkakalayo sila ng upuan eh. Ayan tuloy, lalong umiingay. Myghad.

Bad Girl X Bad BoyWhere stories live. Discover now