Chapter 41

15 1 0
                                    

Y A S S I E'S POV


"Umusog ka nga!"-sigaw ni Cassie kay Azyleah.

"E bat hindi ikaw ang mag adjust?!"

"Ang arte arte naman nito e! Uusod lang e!"

"Ikaw mag adjust potek!"

Napa face palm na lang ako dahil sa kanilang dalawa. Kanina pa sila nag-aaway sa pwesto nila at hindi na natahimik ang byahe namin pauwi.

Yeah right, pauwi na kami ngayong madaling araw. Napag desisyonan namin na umuwi na dahil may training pa daw sina Blixen. And of course, may practice kami sa dance club nina Tristan.

One day na lang ang ipapahinga namin sa bahay, then sa isang araw simula na ng practice.

Itong si Cassie at Azyleah kasi magkatabi sa likod kasama si Sabrina. At nagtatalo sila dahil nasisiksik daw si Cassie sa may bintana at hindi daw sya makatulog. Pero ayaw naman pumayag ni Azy na umisod.

Habang ang katabi nilang si Sabrina ay tulog na tulog, na para bang walang nag aaway sa tabi nya. Hindi ba sya naiingayan doon sa dalawa?

Si Janine, Kurt, at Tristan naman ay nasa pangalawang seat at pare parehong tulog din ang tatlo. Mga pagod ata.

At eto ako ngayon, nasa shot gun seat katabi ni Blixen na ngayon ay nag ddrive ng Van namin. Mag aala sais pa lang ng umaga, kaya naman kitang kita dito ang sun set. Hay, ang ganda talaga ng araw.

Walang imik naman na nagddrive si Blixen, marahil ay nag fofocus talaga sya sa kanyang pagmamaneho. Which is good, inilabas ko na lang ang phone ko at tsaka ko ito binuksan.

Halos 1week na din itong naka patay, dahil ayoko ng istorbo sa bakasyon namin ay ngayon ko lang ito bubuksan.

Pagkabukas ay bumungad kaagad sa akin ang mga text ni Mama. Medyo nagulat ako dahil hindi ko inaasahang mag tetext sya, tungkol saan na naman ba ito? Hindi naman kasi ako nag paalam sa kanila dahil wala naman silang pake kung anong gawin ko sa buhay ko.

Kay kuya Mikael ako nag paalam, at agad naman nya akong pinayagan ng malaman na kasama ko si Blixen-.- oh diba.

From: Mama

                            Where the hell are you Ysa?! Bakit patay ang phone mo!? Kanina pa kita tinatawagan!

Napa ismid ako sa text nya. Ano na naman bang kailangan nila at tinatawagan nila ako? Kahapon pa ang text nyang iyon, at madami pa syang ibang text na halos pare pareho lang ang laman.

Pero isang text lang talaga ang nakapukaw ng atensyon ko. At para bang naestatwa ako sa kinauupuan ko at napatulala.

From: Mama

                          Kenneth is back in the philippines! He went to your condo unit, pero wala ka daw doon! Asan ka bang bata ka?! Umuwi ka na! Hindi ko macontact si Mikael! Na occupied na ni Kenneth ang unit sa harapan mo! Make sure you'll visit him! Umuwi ka na! O gusto mo pa bang ipahanap kita?!

Napatulala na lang talaga ako, kenn is here. Kapitbahay ko pa sya sa condo. Bakit sya umuwi dito? Is he staying here for good? Gusto ko syang makausap! Ang tagal na nung huli naming pag-uusap. At hindi pa maganda ang huli naming pagkikita.

Alam kong galit na galit na si Mama sa akin dahil wala ako sa unit ko at naka patay pa ang phone ko. Siguro ay nababaliw na yun kakaisip kung asan ako. Baka kasi busy si Kuya Mikael kaya hindi nya macontact. Tsaka mabuti na rin at hindi nya ito macontact, kundi papauwiin ako nun tsk.

Bad Girl X Bad BoyWhere stories live. Discover now