Chapter 26

13 1 0
                                    

Y A S S I E'S POV

Nakaupo lang ako sa sofa ko dito unit. Habang nanonood ng spongebob at kumakain ng ice cream.

Nag iiyak na nga ako dito e, feeling ko kasi ang sama sama kong tao.

Si Blixen kasi e! Ayaw nya akong pakinggan sa paliwanag ko! Tapos pag sya pwedeng mangbabae! Hustisya?!

Punas na ako ng punas ng luha gamit ang kamay ko pero tuloy tuloy pa din ito sa pag tulo. Ang babaw masyado ng iniiyakan ko.

Bakit ba kasi pagdating kay Blixen ang sensitive ko?!

Naiisip ko tuloy, para kaming mag jowang LQ.

Nag eemote pa ako ng biglang tumunog ang phone ko. Si Tristan tumatawag. Sinagot ko naman ito kaagad.

(Ysa, nasimulan mo na ba yung mga steps mo?)

"Hindi pa"

(N-naiyak ka ba? Ysa anong nangyari?)

"Wala to. Hindi ako naiyak. Basta yung steps, tsaka ko na lang sisimulan. Promise matatapos ko yon sa date na ibinigay mo"

(Ysa, okay ka lang ba? Huwag ka ngang umiyak dyan. Alam ko si Blixen dahilan nyan)

"H-ha? Si B-b-blixen? Hindi no. Nanonood kasi ako ng movie. Nakakaiyak kasi"

(Tae. Hagulgol ka na dahil lang sa movie? Huwag mo nga akong lokohin dyan Ysa. Tumigil ka na dyan sa pag iyak mo. Mag pahinga ka na, may pasok pa bukas)

"Oo tristan. Bukas na lang ulit"

Pagkapatay ng tawag ay lalo naman akong naiyak. Damn you Blixen, pag paliwanagin mo naman ako!

Bukas patay sakin yang mga babae mo! Kakalbuhin ko talaga silang lahat!

"Kung makahawak pa sayo akala mo naman mga linta. Tsk. Mga mukhang hipon naman!"-sigaw ko habang nag pupunas ng luha.

Para na akong tanga e, nagsasalita na ako mag isa.

Hays, hindi kasi ako sanay ng wala si Blixen. Grabe, dinaig ko pa broken hearted ngayon.

Halos 30 mins na din akong nag iiyak dito habang nanonood. Pugtong pugto na nga ata ang mga mata ko e.

Ayaw kasi maubos ng mga luha ko e. Tuloy tuloy lang sila sa pag agos na para bang gripo.

Maya maya ay narinig kong may nag dodoor bell. Hays. Baka si Janine to, baka ikinwento na ni Tristan kay Janine. Hay.

Naglakad ako papalapit sa pinto at binuksan iyon, ng makita ko yung tao.

Hindi pa man din ako nakakapag react ay hinila nya na ako at niyakap.

"Stop crying. Damn! I'm sorry. I'm sorry I'm so immature. Sorry yassie. Sorry"-sabi ni Blixen habang hinahagod hagod pa ang likod ko.

Lalo tulog ako napaiyak at yumakap din sa kanya. Nababasa ko na ata ang damit nya sa mga luha ko. Ayaw kasi tumigil e.

"Pag explainin mo kasi muna ako! You jerk!"-sigaw ko habang umiiyak.

"Go on, i'll listen. But first, pasok muna tayo. "-sabi nya sabay tawa.

Huhu, namiss ko talaga yung tawa nya.

Pumasok kami at naupo sa sofa, tsaka kami nag usap. Ikinwento ko sa kanya ang totoong nangyari ng gabing yun at sinabi ko din na hindi ko naman gustong halikan si Kenn.

Ayun, at sinabi ko din na hindi ko na nakausap si Kenn pagkatapos nun kasi hindi na sya nag pakita pa ulit sa akin.

"Okay, naniniwala ako. Sabi na nga ba may gusto yun sayo e, halatang halata naman kasi no. Lalaki din ako kaya alam ko ang mga galawan nya"-sabi ni Blixen.

Bad Girl X Bad BoyWhere stories live. Discover now