Chapter 43

11 1 0
                                    

Y A S S I E'S POV



"Kuya Mikael, diba nga si Monday naman yung nag traydor don?!"

"Mali ka! Tama ako! Si Wednesday kasi yon, kasi nga sya yung tunay na Karen"

"Manahimik ka nga dyan! Si kuya Mikael naman ang kinakausap ko!"

"Basta tama ako! Si wednesday kasi yon!"

"Sabi ng si Monday e!"

Napasapo na lang ako sa mukha ko dahil sa dalawang 'to. Akala ko ba tungkol sa bussiness ang pag-uusapan ni Kenn at kuya Mikael?

E bakit ata napunta sa movie na What Happened to Monday? Maging si kuya Mikael ay natatawa na lang sa dalawa. Ang ingay nila grabe.

"Oo na, mag tigil na kayong dalawa. Ysa, doon nga muna kayo sa sofa dyan sa tabi. Mag uusap na kami ni Kenn"-sabi ni kuya Mikael.

Agad naman akong tumayo at hinila si Blixen paupo sa sofa, habang si Kenn ay kausap na si kuya.

Maging ang mukha ni Kenn ay nagseryoso na rin, at mukhang seryosong seryoso talaga sya pag dating sa trabaho, and that's good.

"Pero diba si Monday talaga yun no?"-sabi ulit ni Blixen habang patuloy sa pangungulit sa akin.

Sumama kasi to sa amin, dahil wala rin naman daw syang gagawin sa bahay nila.

"Oo nga, si Monday nga yun. Kasi gusto nyang masolo yung identity ni Karen, kasi nga nabuntis sya"-sagot ko sa kanya para mag tigil.

Ngumiti naman sya at tsaka nag 'yes' hay nako, parang bata talaga.

"Sabi na tama ako e, bobo talaga yung kenneth na yun"

Napa iling na lang talaga ako kay Blixen. Nakatingin lang ako kay Kenn at kuya Mikael na nag-uusap, habang si Blixen naman ay nagkukukutkot sa phone nya.

Hay, balang araw mapapasa na din sa akin to. Medyo kinakabahan ako sa time na yun, hindi ko kasi alam kung kaya ko ba. Inaayos ko naman pag-aaral ko, kaso hindi ko alam kung kaya ko na ba?

Balak ko kasi talagang mag tayo ng sarili kong bussiness ih. Natatakot naman akong magsabi kina Papa, dahil baka sampalin na naman ako nun. Dahil sa akin nga nila ipapahawak tong bussiness sa pilipinas tapos aayawan ko. Nagdududa kasi ako sa sarili ko e.

Baka kasi lalo lang silang madissapoint sa akin. Baka malugi ang kumpanya dahil sa akin, hindi ko alam. Baka lalo lang kaming mag-away ni papa nito. Hays, pagraduate nako this year pero wala pa rin akong kaplano plano sa buhay ko.

Nag-iipon naman na ako para sa sarili kong resto, hindi ko lang alam kung maitutuloy ko ba. Bahala na si batman!

"Huy, ano ysa? Dyan ka na lang?"-narinig kong sigaw ni Blixen sa akin.

Napatayo tuloy ako kaagad at narealize na nakatayo na pala sa harap ko si Kenn at Blixen. Habang si kuya Mikael ay wala na sa inuupuan nya kanina. Napasapo na lang ako sa noo ko dahil masyado na pala akong nag-iisip.

"Tara na uuwi sa condo"-aya ni Kenn pagkatapos ay nauna na syang maglakad sa amin.

"Umuna ka na, kakain pa kami ni Ysa sa resto"-ani Blixen sabay hila sakin.

"Mag tataxi lang tayo?"-tanong ko sa kanya habang naglalakad kami.

Kasi kay Kenn lang kami sumakay na kotse kanina, kesa naman magkonyo kami. Nagsama sama na kami sa kotse ni Kenn na lang.

"Hoy! Antayin nyoko! Sasama ako! Diba wala kayong kotse? Sakin ka na sumabay Ysa"-sabi ni Kenn na nakasunod pa rin pala sa amin.

"Ano? Si Ysa lang? E ako kaya nag yaya! Tsupi! Kaya naming mag commute! Don't worry, she's safe with me"-sabat naman ni Blixen.

Bad Girl X Bad BoyWhere stories live. Discover now