Chapter 33

11 0 0
                                    

Y A S S I E'S POV

Kasalukuyan akong nakaupo sa kama namin ni Cassie at nag mumuni muni. Mababaliw na ata ako dito e, iniisip ko yung sinabi ni Sab.

Natatakot kasi ako, baka sa pangalawang pagkakataon ay maagaw nya na naman ang lalaking mahal ko. Kapag siguro nangyari yon, baka mag pakamatay na ako.
Siguro kinaya ko nung una, nung kay Axklien. Pero ngayon kay Blixen? Baka hindi ko kayanin.

Natigil ako sa pagmumuni muni ng biglang pumasok si Blixen sa kwarto at tumalon sa kama tsaka gumulong gulong dito.

Aish, parang bata talaga. Sa school, kinakatakutan at badboy na badboy. Pero kapag wala ng ibang tao, grabeee isip bata na hanep.

"Huy ano ba! Ang likot likot mo"-sigaw ko sa kanya.

Tumawa naman sya at tsaka dumapa paharap sa akin. Hay, ang kyutt nya talaga.

"Ang sakit na sakit ng mata ko kakanood, kaya dito na lang muna ako. Bakit ba kasi hindi ka bumaba para manood?"

"E sa ayaw ko e, anong magagawa mo?"

Tumawa na naman sya ng mahina, at tsaka sya humiga at tumingin sa kisame. Pinagmamasdan ko lang sya habang nakahiga sya, hays.

Ang gwapo nya talaga. Kahit ata anong anggulo e. Napaka pogi nya.

"M-may itatanong lang a-ako sayo"-sabi ko.
Shet. Kinakabahan ako, pero gusto ko lang namang makasigurado e!

"Ano yun?"

"Kapag ba may nagkagusto sayong ibang babae, iiwan mo na ako?"-dire-diretsong sabi ko.

Shet, napahawak na lang ako sa bibig ko pagkatapos nun. Nakakahiya!

Pero gusto ko talagang malaman ang sagot nya. Pinagpapawisan na ako habang inaantay ko yung isasagot nya. Shit, ano ba to. Nakatingin lang ako sa kanya habang nag-aantay.

Bakit ba nag-iisip pa sya? Nako naman. Maya maya pa, narinig ko syang tumawa ng malakas. Yung may paghampas hampas pa sa kama. At para bang hindi na makahinga.

Napa poker face na lang ako dahil sa inaakto nya. So tatawanan nya lang ako ganon?

"Hahahaha sorry, natatawa talaga ako e. Ano ka ba baby? Anong klaseng tanong yan?"-tanong nya pa.

Naupo sya ng maayos sa harapan ko at tinitigan na naman ako ng mata sa mata. Shet, nagwawala na naman si heart. Nakoo. Kalma.

"Bahala ka nga dyan, umalis ka na nga. Matutulog na ako. "-tatayo na sana ako para umayos, at mahiga.

Pero hinila nya pa ako kaya napabalik ako sa upuan ko.

"Ikaw lang ang mahal ko. Alam mo yan. Huwag ka ngang mag-isip ng kung ano ano. Bakit? Yassie Ysabelle Corpus ba ang pangalan nila? Hindi naman diba. Mamahalin ko lang sila kung ikaw sila. Pero syempre, nag-iisa ka lang naman. Kaya ikaw lang ang mahal ko. Ano ka ba, mahal kita araw-araw. Kaya huwag kang mapapraning. Hindi ko man sinasabi palagi, pero sana itatak mo sa isip mo na ikaw lang ang mahal ko. Okay? "-litanya ni Blixen.

Pagkarinig ko nun, automatic na tumulo yung mga luha ko. Wahhh! Na touch ako. So all this time, nag seselos ako para sa wala? Huhu.

Bakit kasi hindi ako nag tatanong? Kainis naman. Bakit ba ang sweet sweet nya?

Naramdaman ko naman ang dalawang kamay ni Blixen sa pisngi ko, at pinupunasan ang mga luha ko. Lalo lang tuloy akong naiiyak.

"B-bakit ka umiiyak? M-may nasabi ba akong mali?"-nag-aalalang tanong nya.

Bad Girl X Bad BoyWhere stories live. Discover now