Chapter 22

12 2 0
                                    

Y A S S I E'S POV

Napangiti na lang ako pagkababa ko ng eroplano. I'm back! Matagal tagal na din nung huli akong nakapunta dito, at sobrang namiss ko talaga to.

Yung ambiance dito napaka ganda. Wala pang polution, kasi dito sa Italy kakaunti lang ang kotse. Kalimitan, bike lang talaga ang ginagamit dito. Kaya sobrang sarap tumira dito grabe. Napaka tahimik.

Tinawagan ko na kaagad ang parents ko para masundo na nila ako dito sa airport. Nakakailang ring na nung sagutin nila.

"Hello Pa? I'm here na sa airport. Sunduin nyo na ako dito"

(I'm sorry anak, hindi kami makakasama sa pag sundo sayo may mga tinatapos pa kasi kaming trabaho dito sa office. Ipapasundo ka na lang namin dyan okay? Papunta na sya dyan. Sorry anak, we'll see you sa bahay. Ingat)

"Tsk"

Sagot ko na lang at tsaka pinatay ang tawag. Ngayon na nga lang ulit kami magkikita, tapos hindi pa sila sasama sa pag sundo sakin dito?! Tsk!

Parang gusto kong ibato yung cellphone ko ih. Badtrip, kumalma naman ako at tsaka hinawakan yung kwintas na binigay ni Blixen. Hays. Miss ko na kaagad sila.

Wala pang ilang minuto, may tumigil nang pulang kotse sa harap ko at lumabas doon si Kenneth.

Nanlaki naman ang mata ko at kaagad tumakbo palapit tsaka sya niyakap.

"I miss you kenn! Buti ikaw sumundo sakin!"-sigaw ko sa kanya.

Bumitaw na kami sa yakap at tinulungan nya akong ilagay ang mga gamit ko sa kotse nya.

"Imissyoutoo ysa! Syempre naman! Nung nalaman kong pauwi ka na dito halos hindi nga ako makatulog e! Hahaha!"

Sumakay na kami sa kotse nya pag kaayos namin ng gamit. At nag simula na syang mag drive papunta sa bahay namin dito sa Italy.

Si Kenneth Lopez. Ang kababata ko. Ang kaibigan ko. Ang isa sa mga pinagkakatiwalaan ko. Simula bata magkakilala na talaga kami.

Palagi kaming magkasama at hindi talaga kami mapag hiwalay. Kaya sobrang saya ko na after so many years nag kita na ulit kami.

"Hahaha. Hindi man lang ako nainform na ikaw pala ang susundo. But I'm happy. How are you? "-tanong ko sa kanya.

May kinuha naman syang coffee sa may tabihan nya at inabot yun sa akin. Hindi sya Iced, mainit init pa sya.

Naalala ko tuloy si Blixen, palagi nya akong binibilhan ng Iced. Hays.

"I'm good. Ikaw ba? Do you have a boyfriend now?"-tanong nya sa akin.

Alam nya naman yung nangyari sa amin ni Axklien dati e.

"Hmm. Wala pa"-sagot ko habang nakangiti.

Hindi ko talaga maiwasang hindi mapangiti kapag naiisip ko si Blixen.

"Yieee e bat namumula ka dyan? Inlove kana ulit no? Yieeee. "-pang aasar naman nya sa akin habang nag dadrive pa din sya.

"Oh shut up kenn. "-sabi ko tapos binatukan ko pa sya.

Lalo naman syang natawa sa inasal ko.

"I'm happy to see you like that. Masaya lang, hindi katulad nung kayo pa nung unggoy mong ex. Palagi kang pinapaiyak non. Bugbugin ko yun e"-sabi nya.

Oh no, hindi nya nga pala alam yung ginawa pa sa akin ni Axklien. Siguro hindi ko na lang sasabihin, maayos na naman ako ngayon e.

"Sus, nag drama pa to. Namiss mo lang ako e"-sabi ko habang natawa.

Bad Girl X Bad BoyWhere stories live. Discover now