Chapter 24

11 2 0
                                    

Y A S S I E'S POV

"You may now, kiss the bride"-pagka announce nun ng pari, nag hiyawan ang lahat.

Dahan dahang inangat ni kuya Jairus ang belo ni ate Shiella, at inangkin ang labi nito. Nag iyak naman sina Tita, dahil sa tuwa na kasal na sina Kuya.

Napangiti na lang din ako, siguro sobrang saya nila ngayon kasi kasal na sila. Siguro nga sobrang saya kapag kinasal.

Tumayo na kami, at nag simula na ang picturan. Pagkatapos ay nag punta na kami kaagad sa reception, ang reception ay sa isang sikat na garden dito sa Italy. Ang daming tao.

Nagsimula na kaming kumain, nag palinga linga ako para hanapin si Kenn. Pero hindi ko talaga sya makita.

Kanina kasi sa wedding hindi nya man lang ako tinitingnan. Kaya balak kong linawin sa kanya mamaya ang lahat.

And si Blixen? Nabalitaan kong umuwi na sya sa Pilipinas. Hay nako Blixen, hindi mo man lang ako hinintay.

Pagkatapos kong kumain, lumapit ako sa parents ko. Nakain pa din sila.

"Papa, nakita mo ba si Kenn?"-tanong ko kay Papa ng makalapit ako sa kanila.

Napatingin naman sila sa akin ni Mama ng may pagtataka.

"Ha? Hindi. Baka andun si likod. May nangyari ba? Bakit parang hindi kayo masyadong nag uusap?"-takang tanong ni Papa sa akin.

"Wala naman po. Busy lang"-sagot ko.

"Sigee na, puntahan mo muna sina kuya Jairus mo doon"-sabi ni Mama.

Ngumiti ako at nag paalam na sa kanila. Pag karating ko sa unahan, sa table ni ate Shiella at kuya Jairus. Ngumiti kaagad sila ng makita ako kaya naupo ako sa tabi nila.

"Tapos ka na kaagad kumain Ysa?"-tanong ni ate Shiella habang nakain pa sila ni kuya.

"Oo ate. Congrats sa inyo ha. Goodluck sa honeymoon mamaya"-sabi ko sabay kindat kay kuya Jairus.

Namula naman ang loko, haha.

"Haha kulit mo talaga Ysa. Asan si Blixen pala? Akala ko ba isasama mo?"-tanong sakin ni ate Shiella.

Napasimangot naman ako kaagad.

"Umuwi na e. "-sagot ko.

Tinapik tapik naman ako ni kuya Jairus.

"May problema ba lil cous?"-tanong sakin ni kuya Jairus.

Nagkwento naman ako kaagad sa kanila, at sabay silang napangiti.

"Kaya naman pala hindi ka na bumalik sa bridal shower ko, may aminan palang nangyari"-natatawang sabi ni Ate Shiella.

"Ehhh ate friends lang kami ni Kenn"

"Oonga naman mahal, ang gusto kasi nyan ay si Blixen. "-sabi ni kuya Jairus habang tumatawa din sya.

"Alam nyo na yun no na si Blixen talaga ang gusto ko. Hindi naman ako tanga no, para hindi marealize na mahal ko si Blixen. Aarte pa ba ako?"-sabi ko habang natawa din.

Yeah, you heard that right. I already love Blixen.

"Oo nga naman! May point ka don! Hahaha. Kasi yung iba aarte arte pa, tapos iiyak naman kapag nawala no"-sabi ni ate Shiella tapos nag apir pa kami.

"Kung ako sayo ysa, mag paliwanag ka na kaagad pag uwi mo. Baka mawala pa, ikaw din"-sabi ni kuya Jairus.

"Oo nga e! Sana lang wala pang babae yun pag uwi ko doon. Playboy din yung hayup e"-sabi ko habang naiisip yung mga babae ni Blixen sa pilipinas.

Bad Girl X Bad BoyWhere stories live. Discover now