Chapter 23

13 2 0
                                    

Y A S S I E'S POV

"So blixen, kelan mo balak mag propose?"-tanong ni Papa kay Blixen.

Napa face palm na lang ako, kanina pa kasi nila iniinterview si Blixen simula ng dumating sya dito. Nakain kami ngayon ng breakfast at sobrang aga pa. 6am pa lang ng umaga.

Ito kasing si Blixen e, ang aga aga andito sa Italy. Akala nya ata magkapitbahay lang ang Pilipinas at Italy-.-

"Pagka graduate po"-sagot naman ni Blixen.

Nanlaki naman kaagad ang mga mata ko.

"Shut up Blixen. Kasal kaagad? Hindi pa nga kita sinasagot e"-sabi ko sabay irap.

Tumawa naman si Mama at Papa sa amin.

"Sus, advance nga mag isip e"-sabi ni Blixen habang tumatawa.

Tumayo naman na si Mama at Papa tsaka ako hinalikan sa pisngi.

"Aalis na kami anak, blixen ikaw na munang bahala ha. Mamaya na lang ulit tayo magkwentuhan may trabaho pa kami e. Byeee"-paalam nila sa amin at tsaka sila lumabas ng dinning room.

Pagkalabas nila, bumagsak naman kaagad ang mga balikat ko. Akala ko pa naman hindi sila papasok, kasi gusto nila akong makasama kahit ngayong araw lang.

Ngayon na lang ulit kami magkakasama e, tapos trabaho pa din nasa isip nila. Hays.

"Huwag ka na ngang sumimangot dyan, lalo kang papanget nyan"-sabi naman ni Blixen habang dirediretso pa din sya sa pagkain.

"Oh shut up. Tsaka bakit ang bilis mo ata nakarating dito?! Parang kagabi lang nasa pilipinan kapa ah? "

"Pagkatapos kasi nating mag usap, umalis na ako kaagad sa pilipinas. Isa pa, private na airplaine naman ang ginamit ko e"-sagot nya.

Pinag patuloy ko na lang din ang pagkain ko. Sayang e.

"Seryoso ka talaga no? Anong tingin mo? Mag kapitbahay lang ang Italy at Pilipinas?"-tanong ko sa kanya.

"Syempre basta ikaw, kahit anong bansa pa yan gagawin nating magkapitbahay"-sagot nya sabay kindat.

Binatukan ko naman sya tsaka tumawa.

"Ang corny mo talaga myghad. Dito ka ba muna tutuloy samin?"

"Ha? Hindi no. Babae ka kaya. Nakakahiya pati sa parents mo, may hotel naman sa malapit dito. Doon na lang muna ako mag checheck in"-sabi nya.

"Sigurado ka ba? May mga guest room naman dito e. "

"I'm very sure. Chill ka lang, andyan lang naman ako sa tabi tabi e"-sabi nya sabay tawa.

Hindi ko na lang sya pinansin at tinapos na ang pagkain ko. Nang matapos kami ay magkwentuhan lang kami ni Blixen sa sala.

"Buti na lang weekend ngayon, kaya hindi nakakaabala sa studies mo doon"-sabi ko sa kanya.

"Pati kahit naman may pasok, pupuntahan pa din kita dito. Basta sinabi mo lang na miss mo na ako"-sabi nya habang nanonood kami ng spongebob dito.

Medyo awkward nga kasi andaming maids sa likod, at sa tabihan namin. Ganto talaga kapag nasa bahay ako ng parents ko, napaka daming maids at guards. Kahit sa bahay namin sa pilipinas ganito din.

"Ang corny mo!"-sigaw ko habang tumatawa.

"Namiss mo lang ako e"-sabi nya naman.

Naputol naman ang kwentuhan namin ni Blixen nang sumingit ang isang maids.

"Quinn, nasa labas po si Sir kenneth"

Bad Girl X Bad BoyWhere stories live. Discover now