Chapter 38

11 1 0
                                    

B L I X E N'S POV


Lumipas ang ilang oras at nakakaramdam na kami ng antok at pagkahilo. Si Azy nga ay nagsasasayaw na, pero hinahatak lang sya ni Kurt pabalik sa upuan.

Alam kong lahat kami ay mga lasing na, ni hindi ko na nga maaninaw ang Tv. Sa palagay ko ay nakaka tatlong movies na kami. Kung hindi ako nagkakamali. O baka apat na? Baka lima? Aish ewan!

"Guys! Tulog na tayo uy, hoy tristan! Bitaw! Mahihiga na nga ako e"-narinig kong sigaw ni Janine.

Tumayo na ako sa pagkakaupo at muntikan pa akong matumba dahil sa hilo. Hinila ko na kaagad si Yassie para ihiga doon sa higaan nya sa left side.

Pero ayaw nya tumayo! Ays!

"Baby? Dito na lang ako! Bitaw! Ang init init! Yung aircon nga please"-dire diretsong sabi ni Yassie habang nakapikit pa.

Pinapaypayan nya pa ang sarili nya gamit ang isang kamay nya. Sa pagkakaalam ko, walang aircon dito. Dahil kubo to men.

"Hindi ka pwede dyan, tara na please nahihilo na ako. Tayo naaaaa, habang kaya ko pa"-sabi ko.

Pinilit ko syang hilahin patayo. At mabuti naman sumama na sya. Inakay ko sya papunta sa comforter sa sahig. At naihiga ko na sya doon ng matagumpay.

Nang mapansin ko, halo halo na kami dito sa kwarto. Dapat kasi ay sa left side ang babae. Tapos right side naman kaming mga lalaki mahihiga.

Pero ang nangyari ay nakadag-an na si Azyleah kay Kurt sa left side. Tapos si Sabrina naman ay nakahiga sa sofa. Si Cassie ay andoon nakahiga sa right side katabi si Janine at Tristan na magkadantay tsaka magkayakap.

Napa face palm na lang tuloy ako. Walang nasunod sa pinlanong higaan namin.

Tapos eto ako ngayon, hinihila ni Yassie pabalik sa higaan. Ayaw akong paalisin men! Nahihilo na ako, at pakiramdam ko kaunting galaw pa ay susuka na ako.

"Baby! Ang init init! Teka nga!"-sambit ni Yassie pagkatapos ay naupo sya at akmang huhubadin ang t-shirt nya.

"Baby! Anong gagawin mo?!"-natataranta na ako.

Shit, may balak ba talaga syang maghubad?!

"Alis ka dyan! Ang init init eh!"-sigaw nya.

Tinabig nya ako tsaka nya hinubad ang damit nya.

Oh shit. I'm so dead. Napatulala na lang ako, dahil nakita kong sports bra na lang ang suot nya. But thank god, sports bra ang suot nya! Hindi basta bra lang!

Napabuntong hininga na lang ako at tsaka umiwas ng tingin. Kahit sports bra ay nakakagising pa din ng kaibuturan. Nahuhulasan ata ako ng wala sa oras men.

"Ang init init naman kasi, buksan mo kasi yung aircon"-utos nya sa akin.

E anong gagawin ko baby? Wala nga'ng aircon e.

Naupo sya at habang papikit pikit pa din. Akma nyang huhubadin pa ang sports bra nya. Kaya naman nataranta ako. Seryoso ba sya?!

Nataranta ako ng sobra kaya dinag-anan ko sya kaagad, kaya naman ang ending ay naka dag-an ako sa kanya. Nasa ilalim ko sya. Shit, ano ba naman to?

"Ano ba? Ang bigat bigat mo!"-sigaw nya pa at tinutulak ako paalis.

"E huwag ka kasing maghubad! Ano bang trip mo ha?"

"Ang init naman kasi! Alis! "

"E huwag kang maghubad!"

"Ang bigat mo!!!"

Bad Girl X Bad BoyWhere stories live. Discover now