Chapter 14

27 3 0
                                    

Y A S S I E'S POV

Pagkapasok ko pa lang sa club ay sumalubong na sa akin ang malakas na ingay. Party doon, party dito.

Ang dami pang naglalandian, kahit sa entrance pa lang. Dumiretso ako sa counter at umorder ng vodka.

Hindi pa man nag-iinit ang pwet ko sa upuan, may nag-aya na kaagad sa akin na sumayaw.

"Miss? Sayaw tayo doon sa dance floor?"-sabi nung lalaking nasa harap ko.

Okay naman sya, matangkad at matikas ang katawan.

"I don't dance."-sagot ko na lang.

Tumango na lang sya at tsaka umalis. Madali naman pala syang kausap e. Ang tagal naman kasi ni Janine e.

Nakaka apat na vodka na ako, tsaka pa lang dumating si Janine.

"Sorry Ysa, kasi si Tristan sinamahan ko pa sa school. Nag aayos sila ng mga names ng dance club"-paliwanag nya kahit wala naman akong tinatanong.

"Sus, luma love life kana dyan ah. "-nagkwentuhan lang kami ng nag kwentuhan habang umiinom.

"Hindi ah. Wala namang gusto sa akin si Tristan e"-malungkot na sabi nya sa akin.

"Sira. Paano mo naman nasabi? May pag-asa ka pa no. Wala pa naman syang girlfriend"

"Basta, nararamdaman ko hanggang bestfriend lang ang turing nya sa akin"

"Haha kawawa naman to, na friend zone kaagad"

Tuloy tuloy lang ang kwentuhan namin habang umiinom. Nakakarami na kami, ng naimbyerna ako sa mga babaeng dadaan pa lang sa harap namin. Paano, mga pabebe e.

Bago pa man sila makadaan sa harap namin ay pinwesto ko na ang paa ko. Kaya pag daan nila, yung unang babae ang natalapid sa paa ko.

Haha ang stupid kase, nangunguna. Ayan tuloy, napa upo sya sa sahig.

"What the?! What's your problem?!"-sigaw sakin nung babaeng natalapid sa paa ko.

Yung apat naman nyang kasama na babae ay pinapag pagan yung dress nya. Sus, akala mo naman mamahalin yung dress nya.

E parang ang cheap cheap naman. Hindi na nila kailangang pag pagan yon, nag sasayang lang sila ng oras.

"Bakit mo isinisisi sakin yung katangahan mo? Kasalanan ko bang tatanga tanga ka at hindi tumitingin sa dinadaanan mo?"-sagot ko sa kanya habang nakangisi pa.

"Sino ka para sagutin ako ng ganito ha?! Hindi mo ba ako kilala?!"-sigaw nya pa din habang galit na galit.

Yung mga alipores naman nya ay nakatayo lang sa likod nya.

"Wala akong pakielam kung sino ka. How about you? Don't you know me? Baka gusto mo munang mag tanong tanong dyan. Baka mapahiya ka."-sabi ko, si Janine naman ay naka ub-ob na sa tabi ko dahil lasing na.

Medyo naikot na din naman ang paningin ko, pero kaya ko pa.

"Anak ako ni Mayor Francis! Wala kang karapatang sagut sagutin ako dyan!"

Sus. Anak daw ng mayor, e ang chaka chaka naman.

"So? Wala akong pakielam. What are you going to do? Are you planning to run to your dad? At isumbong ako? How pathetic"-sagot ko habang tumatawa.

Inis na inis naman sya sa mga sinasagot ko at para na syang mag wawala dito sa club.

Hihilahin na sana nya ako, pero dumating yung mga bouncer kasama si Kurt.

Bad Girl X Bad BoyWhere stories live. Discover now