Chapter 20

15 2 0
                                    

Y A S S I E'S POV

Nakatungo lang ako habang nag lalakad kami ni Blixen papunta sa gym ng school. Uwian na kasi ng mga estudyante, kaya madami kaming nakakasalubong.

Hindi nga kasi kami pumasok. Nahihiya ako dahil pareho kami ng jersey ni Blixen, kulay Black at number 03 ang number nito. Para kaming couple tuloy.

Pagkadating namin sa gym andun na sina Kurt. Si Tristan wala, hindi kasi sya nag babasketball.

Kaya bale tatlong ibang lalaki ngayon ang andito. Hindi ko sila kilala. Bahala sila.

"Uy babes, blixen. Ang tagal nyo naman"-sabi ni Kurt pag ka lapit namin.

Nag uusap usap kami dito habang yung tatlong ibang lalaki na di ko kilala ay nasa likudan lang ni Kurt.

"Don't call her babes, kurt. Nanood pa kasi kami ng movie tinapos lang namin. Pwede ba, simulan na lang natin ang training. "-sabi ni Blixen.

Tumango at tumawa na lang si Kurt pagkatapos ay nag alisan na sila at ready na mag simulang mag laro.

"Yassie. Doon ka muna maupo para kitang kita mo ako. Oh panyo, baka tumulo luha mo sa pag ka mangha mo sakin"-sabi ni Blixen sabay abot sa akin ng Panyo nya at tumakbo na papunta kina Kurt.

Napa irap na lang ako at umupo na lang sa upuan na tinuro nya. Nag palingon lingon naman ako at nakita kong ang dami ngang nanonood.

At syempre, puro babae. Hindi pa man din nag sisimula ay nag sisigawan na sila at todo cheer kaagad. Wow ha, akala mo naman nag lalaro na sila ng tunay ah.

"Go AU team!!! "

"Oh my ghad!! Look si Blixen ang gwapo kahit pawis!"

"Bebe ko yan si Blixen no!"

"Ah basta akin si Kurt!!"

Edi inyo na. Nga naman. Iingay nyo e. Pinanood ko na lang mag training sina Blixen.

Oo inaamin ko, magaling nga maglaro si Blixen at mabilis sya kumilos. Magaling sya sa three points. Samantalang si Kurt sa slum dunk.

Tumagal ang training nila hanggang gabi. Mag seseven na ng gabi at palabas na kami ng gym ngayon.

"Oh first day pa lang ng training nananakit na ang katawan ko"-sabi nitong isang kasama nila Blixen.

"Ayusin mo laro mo Jaxon ha, papalitan kita dyan. Mag stretch ka kasi bago lumaro. "-sabi naman ni Blixen.

Ah Jaxon pala ang pangalan nun.

"Oonga king. First day pa lang naman e"-sagot ulit ni Jaxon.

King ang tawag kay Blixen kasi sya daw ang king of Bad Boy. Okay? Sabi nyo e.

"Oh ikaw, Peter umuwi kana. Patay ka na naman sa mama mo. Mama's boy kasi e"-natatawang sabi ni Kurt dito sa isa pang lalaki. Binatukan naman sya kaagad nito.

"Hahaha. Gago. Sige na mauna na ako. Tara na jaxon! Sakin ka na sumabay!"-sabi ni Peter.

"Uy king, sorry sa laro ko kanina. Aayusin ko sa susunod. Babye!"-nag paalam na si Jaxon at Peter. Naiwan naman yung isa dito.

"Ano hindi ka pa ba uuwi?"-tanong ni Kurt doon sa lalaki dito.

"Haha! E akala ko ba mag babar tayo sa club nyo kurt?!"-tanong naman nitong lalaki na to.

Nang makarating na kami sa parking lot ay papasok na sana kami ni Blixen sa kotse nya, pero nagsalita pa yung lalaki kanina.

"Hoy huwag na kayong mag date ha! Uwi na kayo lovers! Byeee!"-sabi nung lalaking kasama namin kanina.

Bad Girl X Bad BoyWhere stories live. Discover now