Chapter 36

8 0 0
                                    

Y A S S I E'S POV


"Sure kayo ayos na sya?"

"Oo, nagamot ko na. Trust me. Alam ko yan. Boyscout kaya ako"

"Kapag yan hindi pa pala okay, dalahin na natin sya sa ospital"

"Uy teka nagalaw galaw na sya!"

"Tahimik guys!"

Unti-unti kong dinilat ang mga mata ko, at napasigaw na lang ako sa gulat dahil nakadungaw ang mga mukha nila sa akin.

"Huy! "

"Ay sorry, chine check ka lang namin"-sabi ni Cassie habang naka peace sign.

Unti unti naman na silang lumayo sa mukha ko. Kaya naupo na ako sa kama at doon ko lang naramdaman na kumikirot pa ng kaunti ang braso ko.

Nang tingnan ko naman ito ay may benda na, as in balot na balot.

"Okay ka na ba ysa? May masakit pa ba sayo? "-tanong ni Janine sa akin.

Andito silang lahat maliban kay Blixen at Sabrina. Ano pa nga bang ineexpect ko? Kahit ata mamatay ako dito, kay Sabrina pa din sya mag-aalala.

"I'm fine. Medyo kumikirot pa, pero keri na. Sinong gumamot nito?"-tanong ko.

"Si kurt, besty. Ano ba talagang nangyari?"-tanong ni Cassie.

Lumapit naman si Azy sa akin at inabutan ako ng tubig, uminom muna ako bago sumagot.

"Sabrina entered the kitchen, and then we talked. And, nag-away kami. Tapos, kumuha sya ng kutsilyo. Nung binalak ko pa ding lumaban ay hiniwa nya ako sa braso. And t-then, I s-saw b-b-bloods"-kwento ko.

Napatahimik na lang ako ng maalala ko yung mga dugo. Takot ako sa sarili kong dugo, pero pag sa ibang tao na dugo ay hindi naman. Hindi ko alam kung bakit.

"Tama na yan, mag pahinga ka na muna dyan. Hindi naman masyadong malalim ang sugat at tumigil na rin ang pagdurugo. Gusto mo ba munang kumain?"-tanong sakin ni Cassie.

"Hindi pa naman ako gutom. Matutulog na lang muna ako ulit. S-salamat guys. And, thank you very much Kurty"-sabi ko tsaka ako ngumiti.

Hay, ang babait talaga nila sakin grabe. Hindi ko ata ma-imagine na wala sila sa buhay ko. I know this sounds corny, but I really mean it.

"Ano ka ba babes, wala yun. Pahinga ka na dyan. Lalabas muna kami. Kapag may kailangan ka, sumigaw ka lang. Aakyat kaagad kami dito. Okay?"

Tumango na lang ako at lumabas na nga sila. Pero narinig ko pang bumubulong si Cassie at Azy habang naglalakad.

"Kakalbuhin ko talaga yang Sabrina na yan. She don't have the rights to do that"-rinig kong bulong ni Cassie.

"Dapat talaga hindi na natin yang isinama dito. Patay talaga sakin yang babaeng yan"-bulong rin ni Azy.

Kaya naman sinaway sila ni Janine. Napatawa na lang ako dahil sa mga kalokohan nila.

Pagkalabas nila ay napapikit na lang ako, pagod pa ako at kailangan ko pa talaga ng pahinga. Inalis ko na muna sa isip ko si Blixen at hinayaan ang sarili kong makapag pahinga.

Pagkagising ko ay dahan dahan akong tumayo at naglakad palabas. Nakirot kirot pa din ang braso ko kaya naman hawak hawak ko ito pagbaba ko.

Dumiretso kaagad ako sa kusina dahil nauuhaw ako, at naabutan ko doon si Tristan na naka tingin sa ref at mukhang namimili ng kakainin.

Bad Girl X Bad BoyWhere stories live. Discover now