#Chapter5

1.2K 14 0
                                    

#Chapter5

Misha's POV

"Tumatanggap po ba kayo ng card dito?"

"Opo" agad ko naman binigay yung credit card ko at hinintay ito.

"Ilang araw po ba kayo dito Ma'am?"

"One week I guess?" nakita ko naman ang pagkagulat niya sa sinagot ko, bakit may problema ba sa isang linggo akong mag stastay dito?

"A-ah okay po" Binigay niya naman saakin ang credit card ko at susi.

"Dong itudlo saiya asa iyang cottage" rinig kong sabi niya sa lalaki, tumango naman itong lalaki.

"Ako na po mag dadala niyan ma'am" binigay ko naman sakanya ang mga paper bag na naglalaman ng mga damit ko.

Sumunod lamang ako sakanya at pumasok kami sa isang cabin.

Lumabas naman agad ang lalaking nag hatid saakin, hindi man lang hinintay ang pasalamat ko.

Lumabas ulit ako ng cabin ko at sumariwa ng hangin.

Kahit sobrang init dito okay lang dahil malakas naman yung hangin, sobrang presko ng hangin at nakakarelax din kahit tignan mo lang yung dagat.

Derideritso naman yung byahe ko buti nalang talaga high tech na ang mundo, kaya hindi masyadong hassle papunta dito at mababait naman yung mga tao dito, dahil binibigay talaga nila ang tamang direksyon sa tuwing nag tatanong ako.

Yung nakilala ko kanina sa fastfood chain? iniwan ko ko syempre, bakit ko naman siya isasama, baka hanapin pa siya sakanila, hindi naman siya tulad ko na kahit hanapin wala lang akong pakialam, at hindi ko din kilala anong klaseng mga tao dito sa Mindanao, yes I said they are nice but who knows? sa simula lang sila mabait everyone is like that not only here in Mindanao but the whole world.

Ayoko din namang maging malapit sa kahit sino dito sa bansang to, even in my own country I trust no one except my family?, wala din akong mga naging kaibigan don, so why bother to have friends here? even in my country I don't have friends, dito pa kaya? at isa pa hindi naman ako magtatagal dito eh.

Plano kong umuwi next week or next next week? basta uuwi ako sa espanya, depende yun kung may matatanggap akong trabaho.

But for a meantime I'll runaway like snow white who runaway because the queen wants to kill her.

Oh well wala naman akong kilalang evil queen na gusto akong ipapatay, kapatid na tanga at gagawin sana akong alalay dito sa bansang to meron, that's my reason bakit ako lumayas.

My mama said I'll take my vacation here not to be a yaya to my big tonto kuya. Pag hindi ko na kaya then uuwi ako, maybe babalik lang ako ng manila pag uuwi na ako, magpapakita lamang ako don sa kuya ko for once tapos uuwi ako.

Kung pipigilan niya naman ako baka makapatay ako ng kuya ko.

Ito lang usapan namin ang pupunta ako ng Pilipinas mag tagal man lang ang stay ko, and I'm doing it! wala ng iba, hindi ako magiging alalay niya tangina siya, hindi nga niya ako napansin na umalis sa likod nila.

Natigilan naman ako sa pag mumuni muni nang mag ring yung phone ko, agad ko naman itong kinuha sa bulsa ng jogging pants ko.

"Alice"

"Kamusta?"

"You know sa pagkakaalam ko walang pakialaman"

"You know you're in my territory Misha"

"You're the President? Di ko alam na nag iba na pala pangalan mo"

"fvck that nonsense Misha, kamusta ka diyan?"

"I'm fine as heaven Alice don't worry"

"Nga pala bumalik kapatid mo dito kanina kaya napatawag lang ako, hanggang ngayon nababaliw padin siya sa paghahanap sayo"

"How about my credit cards?"

"About that uhmmm fvck you, why can you just use one? stick to one woman! you are giving us a hard time here, nakikibisita ka na nga lang sa bansang to sakit ka pa sa ulo, akala ko sa kapatid mo lang ang bibigyan mo ng sakit sa ulo pati din pala kami ni Belle!"

"Ang haba ng sinabi mo, should we celebrate?"

"Masanay ka na sakanya Misha dahil ganyan siya pag pinapagalitan niya kami ng anak niya" rinig kong singit ng isang boses ng lalaki, maybe it's her husband.

"It's Zyryl" sabi niya

"Yeah whatever"

"So pwede ba? isang credit card nalang?"

"Madali lang naman akong kausap Alice, my black card then!" ngisi ko.

"Kahit ano basta wag na wag kang gagamit ng ibang card pa, nagpapahalata ka diyang mayaman eh!"

"Whatever mommy!" binabaan ko na siya ng tawag, naging madaldal na pala ang isang yun?

Yun ang nakakatakot pag kinasal ka eh! one day you're free but next day hindi na, one day you're sexy but next day mataba ka na, nagpapaganda ka pa pero pag kinasal ka, para ka ng dinaanan ng bagyo. Married is scary!

Kaya ako? mas okay na saakin ang makipag patayan kaysa sa ikasal, maybe dadating din ako sa puntong yun pero hindi muna ngayon, ayokong madaliin ang lahat, lalo na't iba ang background profile ko. I'm a criminal, sino ba namang baliw magpapakasal sa mamatay tao? well alam kong meron Alice' and Belle's husband is an example, love is blind indeed.

Sabi ni kuya Alexander the great, Alice' husband is an inspector well I'm curious about their lovestory, ang alam ko lang kasi noon ang asawa ni Alice ang hawak sa kasong pinaggagawa ni Alice. Imagine nasa harap mo na ang sagot pero hindi mo padin makita, well yun lang ang alam ko.

Belle's husband is a doctor, naging magnanakaw din naman si Belle noon eh, pero simula nung tumira na siya dito sa Pilipinas, naging mamatay tao siya dahil yun ang utos ng tito sakanya. Isang taga tapos ng buhay at isang taga ligtas ng buhay naging mag asawa, how exciting is that?

Pero tumigil din naman sila sa mga ginagawa nila nung makilala nila ang mga asawa nila, mga bata pa kami talagang sinanay kami sa mga ganong bagay pero tinigil nila para lang sa pag ibig.

Ako kaya ano kayang klaseng lalaki ang nakalaan saakin? sana naman hindi muna siya dumating sa buhay ko bata pa ako. Ayoko munang magpakasal sakanya gusto ko pa yung mundong ginagalawan ko ngayon.

Kaya ang pinagdadasal ko lang ngayon ang hindi muna siya dumating saakin, siguro tatakbo na naman ako pag nakilala ko siya? I'm not like snow white nung nakilala niya ang prince charming niya sumama siya, mas gugustohin ko pang tumakbo nalang.

Nangiti nalang ako dahil sa iniisip ko. Me comparing to snow white.

"You are pretty when you're smilling"

Snow White and the Poisonous Apple ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon